Poetry: 23

8 0 0
                                    


"Abante pa"





Sa bawat oras na lumilipas
Walang ibang iniisip kundi ang makalagpas
Kailan kaya makakatakas?
Kung ang mga pagsubok ay patuloy na humahampas?

'Isang mahina' Tingin sa sarili,
'Lampa' bulong ng di mawari,
'Talunan' kadalasang marinig sa nakakarami,
'Mangmang' husga ng mga matang mapanuri

Hanggang dito na lamang ba?
Pag-asa ko'y tila'y huminto na.
Ngunit, nais kong lumaban pa. Patunay na ang isang "mangmang" ay aabante pa.#

Poetries CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon