Chapter 2 - Unrecognized Feelings

96 5 0
  • Dedicated kay Louise Angelou Blanza Han
                                    

Adrielle’s POV

Sayang naman. Hindi ko siya nakilala ng lubusan. Basta. Yung mga mata niya. Kamukhang- kamukha niya talaga siya eh.

Psst!”

Hanuubayaaaaaaan! Nag-iisip pa ‘ko eh.

Psst!”

Di ko nalang ulit pinansin. Pero, distracted na yung isip ko. Di na nga ako nakikinig sa guro namin simula nang pagpasok ko rito.

Psssssssssssst!”

Oh! Sige na. Haharap na nga ako. Kanina pa kasi ‘to eh.

Sino pa nga ba? Edi yung bestfriend kong makulit. :3

“Uy! Pa-share naman ng iniisip mo!”

“Later na bessy. Alam mong nagdi-discuss si Ma’am. Mahuli pa tayo niyan eh. Pagalitan pa tayo mamamaya.”

“Sige na. Phlueash!” *o*

Aba’t nagniningning yung mga mata neto! Hayy. Pagbibigyan ko ba?

“ Bessy, sige na kasi.”

Hala. Itong bestfriend ko pout ng pout. Mukhang penguin. Haha! Huwag niyo ‘kong isumbong sa kanya ha? Atin- atin lang ‘to. Mwehehe! Hindi ko na keri ‘to. Sige na nga. Sasabihin ko na sa kanya pero pabulong lang.

“Alam mo ba, may nakilala ako kanina sa hallway. Kamukha  niya yung ikinikuwento ko noon sayo. Yung nakilala ko sa park. Yung… ”

Naudlot yung sasabihin ko dahil bigla naman siyang sumingit.

“… At ang dahilan ng ilang taon mong pagde-daydream. Asa ka pa bess na siya yun. Eh, ni- hindi mo nga alam kung buhay pa ba’yun eh o kung talaga bang nag-eexist siya. Baka nadala ka lang noon sa emosyon mo kaya nag-iilusyon ka na simula nun.”

“Bessy naman eh. Masama bang umasa na babalikan ako ng prince charming ko?”

Biglang sumeryoso ang mukha nito at parang nabigla naman ako sa mga tinugon niya. Parang ang lalim-lalim ng pinanghuhugutan.

“ Yes. Masama ang umasa dahil alam mong sa huli ay masasaktan ka lang. Gusto ko lang ipaalala sa’yo Adrielle na may mga bagay minsan na kinakailangan  na nating pakawalan dahil hindi talaga ito para sa atin. Move- on na kasi. Walong taon na siyang hindi nagpaparamdam. Just let go of his promise and give others the chance to prove themselves to you. Minsan kasi nagbubulag-bulagan ka lang. Hindi mo alam na ang taong makakapuno pala ng puwang sa puso mo eh malapit lang sa’yo. Hindi mo lang alam ang isinakripisyo ng ibang tao para maging masaya lang yung taong patuloy na umaasa na balang araw eh mamahalin mo rin. Alam mo, ang swerte- swerte mo nga sa kanya eh. Kaso,di mo siya binibigyan ng pagkakataon na maiparamdam sa’yo ang pagmamahal niya.”

Awwtss! Sapul na sapul hanggang sa baga ko. Teka, sino ba kasi ang tinutukoy nito?

Aba’t akala mo eh naglablayp na kung maka-advice.

Eh single ‘yan tulad ko mula noon eh. Hmmmn. May itinatago kaya yung bestfriend ko sa’kin?

“Edi wow! Bessy talaga. Ang galing- galing mag-advice . Ang lalim naman. Parang hindi kayang iregister ng brain cells ko lahat ng ‘yon ah. Pero sigurado ako, babalik siya. Nung pinahid niya yung luha ko noon eh pinangako niya sa’kin na hinding- hindi na daw ako iiyak katulad nun dahil kahit iiwan niya ako noon eh siguradong- sigurado siyang babalikan niya ‘ko.”

“At naniwala ka naman?So, saan na ba siya ngayon, ha?Naku bessy! Baka masyado ka lang nung depressed kaya nagpadala ka. Ipalagay natin na babalik siya, eh ngayon ano? May ipinangako ba siyang mamahalin ka niya pag bumalik siya? Baka gusto ka lang nun bigyan ng accompaniment kasi nakikita niyang nasasaktan ka noon. Mahirap ang mag-assume dahil  ikaw mismo ang magdadamdam ng consequences.You know, I just want to protect you.”

My Long- Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon