nag-iisa lang ang puso ng tao hindi ito pwede na magmahal nang sabay,habang ang utak naman ay nakalagay sa ulo na mas mataas sa kinaroroonan ng puso. gamiting maigi ang isipan upang hindi magkamali ang ating mga puso sa pagpili ng mamahalin.iyan ay kung ayaw mong matulad kina levi at solome.
kung titignan si jhay ay isang pang karaniwang lalaki, simpleng manamit,magalang at may respeto sa kapwa kung magsalita. likas na tahimik ngunit may taglay na kakaibang ka gwapuhan. kagwapuhan na kapag tinitignan ay lalong tumitingkad kaya kaya palagi syang inihahantulad sa isang artista. maraming mangiibig si jhay subalit isa man sa mga iyon ay wala syang magustuhan. hindi namn niya maituturing na pihikan ang kanyang panglasa dahil madali rin naman siyang humanga sa mga lalaking may hitsura "jhay, ano at parang malungkot ka?tanong sa kanya ni aling iska na kanyang abuela. "nararmdaman ko po kase na parang may kulang a buhay ko,"sagot ni jhay rito "isang lalaki na mag bibigay -kulay sa iyong buhay ang kulang,apo,subalit kailangan mong maging mapili dahil maraming huwad na pagmamahal,' muling sabi nito sa kanya . "lola ,hangang ngayun hinihintay ko parin ang pagbabalik ni nicole." si nicole yung anak ni minestor kana?" wika nito na biglang tumaas ang kilay . "opo ,lola .'yuko ang ulong sumagot niya dahil mahigpit ang pag ayaw nito sa lalaking kanyang napupusuan . "jhay, marami kanaman manliligaw baket ang mayabang at antipatikong anak pa ni minestor ang nagugustuhan mo? "s-siya ho talaga ang gusto ko at wala nang iba,"mangiyak ngiyak na sagot ni jhay. "paluluhain ka lang nang babaeng yun palebasa kase maganda sya. iyon at kapag nasaktan na nang sobra ang puso mo ay iiral ang iyong likas na kakayahan, baka makapatay ka lang ng tao,apo," bakas ang pag aalalang sabi nito sa kanya . maliit pang bata si jhay ay madalas nang sabihin sa kanya ng abuela na may kakaiba siyang kakayahan na siya ay isang na rosas. hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin kaya kaya inalis na nya ang bagay na yun sa kanyang isipan. 'palagi na lang nyo akong tinatakot "hindi kita tinatakot ,totoo ang sinasabi ko na ikaw ay itim na rosas .pag dating mo sa tamang edad ay saka mo malalaman na hindi kita binibiro at lahat ng mga sinabi ko ay magkaktotoo hindi nalang niya pinansin ang sinabi ni aling iska, naisip ni jhay na matanda na ang kanyang lola kaya kung anu-ano na ang pinag iisip. isang umaga ay nakasagap si jhay ng sariwang balita sa mga tsismosang kapit bahay. "jhay mag babalik bayan daw si nicole maluwang pagkakangiti ng sabi sa kanya ni aling lita, ang pinaka mahadera sa kanilang lugar pag dating sa tsismis. "totoo,ho?" biglang nangislap ang mga matang tanong ni jhay kina aling lita at libby 'totoo,si mang tasyo pa ang nag balita sa akin ,"sagot ni aling lita sa kanya. 'kelan daw ho ang dating ni nicole ?" excited na tanong nya."bukas daw ng umaga." si libby ang sumagot sa kanya lihim na nag diwang ang kalooban ni jhay sa kaalaman na muli na niyang makikita ang babaeng kanyang iniibig sumama ka sa amin bukas mag aabang kami sa pag dating ni nicole para maambunan ng pasalubong muling wika nito huwag na ho nahihiya po kase ako eh "ikaw ang bahala kibit balikat na sabi nito parang nakalutang sa mga ulap ang mga paa ni jhay habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay masayang masaya siya dahil makikita nya na uli niya ang babaeng laman ng kanyang puso.