Chapter 12
Binibisita
Ha?
Tama ba ang rinig ko? Na nililigawan na niya ako? Paano nangyari iyon? Paano kami umabot sa ganito? Hindi ba ako lang itong naghahangad sa kaniya sa malayo dati-rati lang? Ha? Naguguluhan ako. Bakit?
Umiwas ako ng tingin mula sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng gate. Hindi pa rin niya ako tinatantanan kasi nakasunod pa rin siya sa akin. Tahimik lang akong naglalakad papunta sa pedicab ni Uncle at tahimik lang din siyang naglalakad sa likod ko.
"Chan?" pagtawag niya.
"Hmm?"
"Ayaw mo ba?"
Napalunok ako. Lord, tulungan niyo naman ako dito. Malalim akong napabuntong-hininga at hinarap siya dahilan para mapatigil din siya sa paglalakad. Marami-rami rin ang mga estudyanteng nilalagpasan kami at ayokong marinig nila kung ano man ang pag-uusapan namin.
Sinalubong ko ang mga mata niyang nag-aalinlangan at pinilit kong ngumiti kahit na nabibingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Pati mga kamay ko't mga paa'y nararamdaman kong namamawis na rin.
Hindi naman sa hindi ko gusto. Sadyang naguguluhan pa rin talaga ako. Kasi bakit ako? At alam kong gusto ko siya. At alam kong alam niya na gusto ko siya pero ayaw ko namang iyon lang ang dahilan niya para gustuhin ako.
"Ako na lang ang hinihintay sa pedicab, Sal. Mauuna na akong umuwi," nagawa kong sabihin nang hindi nauutal.
"Ah, ganoon ba? Sige, sasabay na lang ako sa'yo tutal hindi pa naman kayo puno, 'di ba?"
Awtomatiko akong napailing nang sunod-sunod. "Ha? Huwag na. Darating na rin naman iyong sundo mo," pamimilit ko pa, "sige na, ha. Babye."
Tuluyan ko na siyang tinalikuran at mas binilisan pa ang mga lakad ko.
"Usap na lang tayo mamaya, ha?" rinig kong pahabol niya pero nagpanggap akong walang narinig at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Sumakay na ako sa pedicab katabi ni Anya at ilang segundo lang ay pinaandar na ito ni Uncle.
Nakahinga na sana ako nang maluwag dahil sa wakas ay bumabiyahe na kami nang harapin ako ni Anya.
"Hoy, anong pinag-usapan niyo ni Salih doon kanina? Parang ang seryoso niyo naman masyado," tanong pa ni Anya sa tono na talagang kinikilatis ako.
"H-ha? Wala lang iyon," pagtanggi ko.
Ngunit parang iba yata ang pagkakaintindi niya dahil nginisihan lang niya ako.
"Sige, sinabi mo eh."
Napasimangot na lang ako dahil hindi ko siya maintindihan. Bakit ba sobrang hirap intindihin ng mga tao ngayon? Lahat ba sila nag-aaral ng cryptic messages tapos ako lang itong hindi makaintindi sa kanila? Grabe, first day na first day tapos pinapasakit nang ganito ang ulo ko. Jusmiyo naman.
Pagkauwing-pagkauwi ko, inaliw ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng mga textbooks namin. Dahil hindi pa naman opisyal na nagsimula ang klase namin kanina dahil puro pre-tests lang din ang sinagutan namin, kailangan ko nang ikondisyon ang sarili ko. Marami kaming bagong classmates na galing sa kabilang section at alam kong matatalino rin sila kaya mas dapat ko pang pagbutihin ang pag-aaral ko.
Nahirapan pa akong mag-focus dahil paminsan-minsang umaalingawngaw sa utak ko ang mga sinabi ni Salih kanina pero dapat hindi ako magpatibag. Nag-aaral dapat ako at hindi iniisip kung ano ang dapat na isasagot kay Salih.
Chan, focus. Ang dami mo pang pangarap sa buhay.
Hindi ko na namalayan ang oras at alas sais na pala ng gabi. Madilim na sa labas at tinawag na ako nina Mama para maghapunan. Ni hindi man lang nila ako tinawag para ayusin ang hapag dahil alam nilang tutok na tutok ako sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Field of Promises (SPSHS Series #1)
Teen FictionSa isang grand high school reunion, muling nagkatagpo ang landas ng dalawang taong minsang naging tahanan ang isa't isa. Sabi nila, first love never dies. Sabi naman ni Chandelier, first love doesn't have to be forever. Will love really be sweeter...