Febe's POV
"Kasi ba.... Baa.........bawal pa eh" diko na tlaga alam ang isasagot ko sakanya. Kung anu-ano nalang ang naiisip kong rason para makalusot.
"Ha? Bakit naman bawal pa?" Nagtataka niyang tanong ulit.
Ano ba to!? Tanong ng tanong, eto ba ang gusto niyang pag usapan namin? Di ata magandang ideya ang pagsama ko sakanya dito sa bahay nila ah.
"Kasi, ano... Ang totoo niyan, ano kasi. Kasi ....ba...."
*ringringring*
Haayyy thank you Lord!!!! Sigaw ko sa isip ko!
Tinignan ko kung sino yung tumatawag, si mama. Ay naku, buti nalang tumawag si mama, kung hindi marahil naligo na ako ng pawis sa kaba kahit sobrang lamig.
"Hellow? Ma?"
"Febe, asan ka? Uwi ka muna anak, pag uusapan natin yung tungkul sa pag enroll mo kanina" sabi ni mama sa kabilang linya.
"Aahh, cge po pauwi na ako" binaba ko yung linya at napatingin si nikko sakin. Ayaw pa siguro akong umuwi. Hahaha feeling ko tlaga.
Nagpaalam muna ako kay nikko na umuwi kasi pinapauwi muna ako ni mama.
"Kunin ko nalang yung number mo para text nalang kita kung sakali" pagkatapos ko hiningi yung yung number niya. Hinatid na ako palabas ng bahay nila.
Nikko's POV.Parang may iba dun sa lalaking yun. May pagkaweird. Bigla nalang namumula at laging nag papout pag sumasagot. Nagtanong lang naman ako kung may girlfriend siya tapos bigla nalang kakabahan at nauutal. Natataranta kumbaga.
Pero ang lapit lapit talaga ng loob ko sakanya. Parang gusto ko pa siyang makilala ng husto. Dahil narin siguro ito sa hindi ko paglabas ng bahay ng ilang araw. Walang social life. Nag sawa na kasi ako kakalabas eh.
Ah basta, magiging close din kami nung Febe na yun haha. Pero wala daw siyang girlfriend. Di kaya bakla siya? Pero posible naman kasi kapogi niyang lalaki. Pero kung sabagay, sa panahon ngayon madami na atang mas gwapong bakla kesa sa mga tunay na lalake. Baka sadyang wala lang tlaga. Napapaisip ako habang nakahiga sa kama. Ang boring, walang magawa.
*ringringring*
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at tinignan kung sino yung tumatawag. Unknown number. Sino kaya to
"Hello? Sino to??"
"Ah si Febe to" sagot sa kabilang linya
."oh?! Miss mo na ako agad?" pabiro kong sabi sakanya.
"Baliw haha, favor sana kung ok lang sayo" sagot niya sa kabilang linya.
"Cge, basta kaya ko" marahan kong sagot.
"Pasama sana ako sayo sa SM para sa kakailanganin ko sa school bukas" parang nahihiya pa niyang sinabi.
"Pero ok lang kung hindi, baka lang kasi mawala ako, busy kasi si mama at tito. Pero kaya k--------" bago pa siya matapos mag salita, pinutol ko na siya sa pagsasalita."Wala naman akong sinabing ayaw ko eh, baliw ka tlaga haha" pagputol ko. "Oo siyempre naman, sasamahan kita, di naman kita hahayaang mawala nalang kahit saan." Yun lang naman pala eh. Maliit na bagay.
"Aah cge, hihintayin nalang kita dito sa labas ng bahay namin." Sagot niya sa kabilang linya.
"Cge bihis lang ako saglit" binaba ko na yung tawag at agad agad akong nagbihis at lumabas na ng bahay.
Febe's POV
Mabuti nalang at andito si Nikko para samahan ako. Actually ang bait niya, very approachable. At gwapo pa. Di malabong mag ka crush ako dito. Haha. Pero straight siya. Wala tayong magagawa. Pero ganun naman tlaga yun. Di naman natin pwedeng pigilan ang nararamdaman natin lalo na pag naiinlove kana o nahuhulog. Basta ako, hindi ko na muna inaasahang dadarating yung taong para sakin. Baka masaktan lang ako. Ayoko yun, tama na yung nangyari sakin nun.
BINABASA MO ANG
My Neighborhood (boyxboy)
RomanceLove is what you do. Be good at it. Competence is a rare commodity at this age and days. Sabi nga nila, kahit gano tayo kagaling mag mahal, pero kung yung taong mahal natin eh di naman tayo mahal. Bigti na teh! Ay djoke! Haha. Sometimes, the more we...