Nikko's POV
Hindi ko pa natatapos yung kanta ko pero biglang sumagi sa paningin ko si Febe na lumabas sa MTV room. Anu kayang nangyari dun?
Diko na tinapos yung kanta at sinundan ko nalang siya sa labas. Pag kalabas ko ng MTV nilibot ko ang paningin ko sa bandang kanan at kaliwa. Pero diko siya makita.
"Asan na kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko. Weird tlaga nun.
Nakaramdam ako ng pananakit sa pantog ko kaya naisipan kong humanap ng CR. Naglakad ako patungo sa CR at dun ko nakita ang hinahanap ko. Pulang pula ang mukha niya na nakaharap sa salamin at mukhang kinakabahan.
"Febe?" Tawag ko sakanya.
Tinignan niya ako mula sa salamin at nanlaki ang kanyang mga mata. Nilingon niya ako para siguraduhin na ako talaga.
"Ni-nikko?" Nauutal niyang sagot.
"Anu bang nangyayari sayo dude? ayos ka lang ba? Parang may tinatakbuhan ka" pagtatanong ko sakanya habang binubuksan ang zipper ko para umihi.
Febe's POV
Nakikita kong binubuksan niya ang zipper niya habang tinatanong ako. Nakaestatwa lang ako at nakatitig sa binubuksan niyang Zipper .
Ano ba tong ginagawa ko!! Febe!! Tingin sa ibang direksyon! Sabi ko sa isip ko. Agad akong natauhan nung napansin kong nakatitig ako sa zipper niya. Umayos ka Febe! Wag kang ano. Sabi ko ulit sa isip ko.
Humarap ulit ako sa salamin para maghilamos sa pulang pulang mukha ko.
"Uii! Ok ka lang ? Sumagot ka naman" tanong niya habang umiihi .
"Ahhh a-ano? Oo ok lang ako! Wag mo ako alalahanin" nauutal kong sagot. Kinakabahan ulit ako.
"Bakit ka umalis kanina sa MTV? Diko na tuloy natapos yung kanta ko" patuloy niyang sambit habang papunta sa tabi ko para mag hugas ng kamay.
"Ah eh, kasi naiihi kasi ako" palusot ko
"Pero dika manlang nagsabi?" Ano ba yan tanong ng tanong! Naiihi nga ako diba? Sabi ko sa isip.
"Kasi ano, kasi naiihi na talaga ako, diko na kayang pigilan kanina. At kukamanta ka kanina eh" palusot ko ulit. Naka ON na naman ang reasoning skills ko.
"Ah, ganun ba?" Tanong niya at tumango nalang ako. "tara kain na tayo ng dinner dito sa SM bago tayo umuwi. Ayos lang ba sayo?" Dugtong niya
"Sure, san mo ba gusto?" Tanong ko sakanya. Gusto ko na sanang umuwi para makaiwas na ako sakanya pero alangan namang hindian ko siya eh sinamahan pa ako dito. No choice.
Gora nalang to. Kunting push lang febe, makakauwi karin."Tara sa MANG INASAL" abot tenga niyang ngiti.
*************
Nakaorder na kami ng pagkain at naghanap na kami ng bakanteng upuan. Buti nalang talaga walang mashadong tao ngayon dito sa SM.Ilang minuto lang dumating yung order namin at diko maiwasang matawa sa nakikita ko ngayon.
"Oh? Bakit ka natawa?" Tanong sakin ni Nikko.
"Wala haha, ang cute mo lang kumain na nakakamay, tas ang takaw mo pa" natatawa kong sabi.
"Haha! Pasensha kana. Ganito talaga ako, kaya masanay kana" nakangisi niyang sagot.
Bawat subo niya, diko maiwasang tumingin at minsan nahuhuli niya akong tumutitig sakanya pero lumilingon ako sa ibang direksyon.
Natapos kaming kumain at nag jeep na kami pauwi para mas mabilis. Ilang minuto lang ay agad din kaming nakarating sa bahay at nagpaalam na kami sa isat isa.
"Nikko salamat talaga ha? Ang saya nitong araw na to. " Nakangiti kong sabi.
"Wag ka muna magpasalamat, mauulit pa yun" kumindat ulit siya at pumasok na kami sa aming mga bahay. Ang hilig talaga kumindat nito.
Nikko's POV
Nagtataka talaga ako kanina, parang may tinatago talaga siya eh. Pero wala lang para sakin yun. Siguro nga parang weird pa ngayon kasi dipa kami mashadong magkakilala. Mukha naman talaga siyang mabait at walang problema. Willing talaga akong makipag close sakanya, pero parang mejo dipa siya komportable kasama ako eh. Siguro may pagkailang at mejo nahihiya pa siya.
Nakahiga ako sa kama ko habang iniisip kung anung dapat gawin para next time hindi na siya mailang at mahiyang kasama ako. Gagawa tlaga ako ng paraan.
"Aahhhh! Alam ko na!" Para akong baliw nagsasalita mag isa sa kwarto ko.
"Dapat lagi kaming magkasama at kukunin ko ang loob niya" nakangiti kong sinabi sa sarili ko.
******
Oh well i know, mejo boring tong chapt na to.... But....
----> OW TO THE EM TO THE GEE! Gusto ni nikko na lagi silang magkasama pero si Febe nahuhulog na sakanya? Panu itatago ni febe ang feelings niya para kay Papa nikko?Vote and comments guys hahaha <3
BINABASA MO ANG
My Neighborhood (boyxboy)
RomanceLove is what you do. Be good at it. Competence is a rare commodity at this age and days. Sabi nga nila, kahit gano tayo kagaling mag mahal, pero kung yung taong mahal natin eh di naman tayo mahal. Bigti na teh! Ay djoke! Haha. Sometimes, the more we...