24.

421 21 2
                                    

[Puwede bring a friend, 'di ba? May isasama ako, ah.]

Abnormal din 'tong Kanao na 'to, e. Magpapaalam kung kailan paalis na. Pa'no kami tatanggi niyan?! Siya na lang ang hinihintay namin dito dahil paalis na kami. Tinawagan na siya ni Magi para sabihing ang tagal niya. Nauna pa nga sa kaniya sila Pau, e. Sabi niya, may sinundo pa raw siya. Hindi naman namin alam na isasama niya pala kung sino man 'yang sinundo niya.

"Basta bilisan mo! Nasa'n na ba kayo?" iritang sabi ni Magi. Isa pa 'to, atat ata umalis, e. Kanina lang siya dumating dito sa Manila, e. Madaling araw pa lang no'ng umalis siya sa Mindoro dahil nga magb-barko pa siya.

[Malapit na. Nakapasok na kami sa village. Sabihin mo na lang sa iba na may isasama ako.] sabi niya kahit alam naman na namin.

"Tanga, naka-loud speak. Rinig na rinig namin sinabi mo," sabi ko sa kaniya.

Tumawa naman siya sa kabilang linya saka ibinaba ang tawag. Maya-maya, nakita na namin ang kotse niya. Iba na pala ang kulay no'n. Dati black 'yon, e. Red na ngayon.

"Ang husay. Sana all sinusundo," parinig na sabi ni Pau habang hawak nito sa kamay si Katana. Sinalubong naman siya ng halik ni Kanao.

Pinagbuksan ni Kanao ng pintuan si Pau para madalian itong makaupo sa back seat. Umiling na lang ako at sumakay sa kotse ni Mama. Hindi sumama si Mama dahil babantayan niya raw si Papa. Pinahiram niya na lang ang kotse sa 'kin dahil wala pa naman akong kotse. Sila nga kasi ang una kong binilhan ng kotse.

"Tara na?" tanong ko habang nakasilip sa bintana.

"Saglit lang!" Sigaw ni Kanao. "Hindi na kami kasya rito! Sakay mo na lang 'tong kasama ko!"

Napairap ako. Nagsama-sama pa kasi siya. Pero okay lang din namang kung sasakay 'yong kasama niya sa kotse ko. Halata namang hindi sila kasya dahil nakikita ko 'yong kasama niyang babae na nasa labas na ng kotse. Nakatalikod lang ito sa 'kin kaya hindi ko makita kung sino ba 'yon.

"Sige lang," sabi ko na lang.

Kinuha ko 'yong water bottle sa shotgun seat dahil do'n ko papaupuin 'yong kasama ni Kanao. Nasa back seat kasi ang mga gamit. Nahulog ang water bottle kaya pilit ko 'yong inabot at nang makaupo ako ng maayos ay saka ko lang nakita si Soleil na nakatayo sa gilid ng kotse ko at hinihintay na papasukin ko siya.

Binuksan ko ang lock ng kotse ko at sinenyasan siyang pumasok kaya 'yon naman ang ginawa niya.

"Ilagay mo na lang sa likod 'yong gamit mo," sabi ko habang ini-start ang kotse. "Seatbelt." Hindi ko man lang siya matignan.

"You can drive, ikakabit ko na lang ang seatbelt mamaya," sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya.

May kung ano siyang inaayos sa buhok niya. Mukhang bumuhol 'yon. Umiling na lang ako at lumapit sa kaniya para ako na ang magkabit ng seatbelt niya.

Umayos na ulit ako ng upo dahil magmamaneho na ako.

"Cal, una na kami!" Sigaw ni Kanao na nakasilip sa bintana. Umalis na kasi ang iba at kami na lang ang naiwan. "Sol, sana buhay ka pa pagdating natin do'n!" Humagalpak pa ng tawa ang loka.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hinayaan ko lang na nakababa ang mga bintana para makalanghap kami ng kaunting fresh air.

"Prepare yourself," nakangising sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "H-huh? What do you-"

Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya, pinaharurot ko na agad ang kotse. Naabutan pa nga namin sila Kanao at nalagpasan. Nakababa rin pala ang bintana nila. Rinig ko tuloy ang tawa ni Kanao. Napatingin ako kay Soleil dahil parang natahimik siya.

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now