"Jane you can't do this." saway sa akin ni Elle habang inaayos ang files na nakakalat sa lamesa ng aking office. Bumuntong hininga ako at matamlay na tiningnan siya.
"You know I have to do this Elle, dad needs me. Ito nalang ang magaggawa ko para sa pamilya ko." sagot ko. Kanina ko pa pilit ipanapaintindi sa kanya ang lahat, ngunit sadyang nababahala talaga siya sa gagawin ko.
"And do you think papayag siya? I'm sure you can find another investor. Huwag lang ang taong 'yon Rachelle Jane!"
"Our company's at stake, anytime soon baka magbankcrupt na ito. I can't fail them Elle. Isa pa, wala naman sigurong magiging problema kapag nagkaharap kami hindi ba? This is pure business!"
"Nabagok ba iyang utak mo ha? Ipapaalala ko lang sayo ha, you left that man! And you almost put him into prison! Hindi ba't muntik ng makulong 'yun dahil sayo? Sigurado akong galit na galit ang isang 'yon sayo ngayon. Baka nga siya pa ang magdeclare ng bankcrupt sa kompanya niyo. I'm telling you, walang magandang maidudulot iyang pagkikita niyo."
Napatungo ako sa sinabi niya. She was right though. Sinaktan ko nga ang lalaking iyon. And what's worse? Muntik ko na siyang maipakulong. Iniwan ko siya noong mga panahong ako ang kailangan niya.
Oo, sigurado akong galit na galit ang taong iyon sa akin. Ngunit wala ako pinagsisihan sa ginawa ko. I did, what I needed to do. Prinotektahan ko lang ang kapatid ko. I chose my family over him.
But would that even matter now? That was 7 years ago! We have our separate lives now. And it's the best to be that way.
"It's been years, siguro naman ay nakamove on na siya hindi ba? This is pure business, it has nothing to do with us."
"Bahala ka nga! Don't tell ever tell that I never warned you. Wala ka talagamg pinagkaiba kay Rhea Charish, parehas kayong matitigas ang ulo. O siya sige na, I'll have my rounds. Balitaan mo nalang ako." I nodded and gave her a quick smile. It's going to be a tough day. Kailangan kong maghanda.
*****
Maaga akong dumating sa meeting place namin ni Hunter. Ako ang may kailangan sa kanya kaya dapat lang na ako ang maghintay. Nakakapagtakang wala man lang katao-tao ang restaurant na sinasabi niya. Akala ko nga ay closed ito, kaya lang pinapasok ako sa loob noong waiter nang sabihin ko sa kanya ang pangalan ko. Baka nga exclusive ang restaurant na ito ngayong araw, o baka wala lang talagang taong nagagawi dito ngayon. Whatever it is, wala na akong panahon para isipin pa iyon.
"Mr. Monteverde just arrived ma'am, nasa men's room lang siya. Do you want to order first ma'am?"
"Juice nalang. Pineapple juice." sabi ko. Nanunuyo rin kasi iyong kalamnan ko. Kinakabahan pa rin ako sa pag-iisip na makikita ko uli ang lalaking iyon. Ngunit pinilit kong ikalma ang aking sarili dahil baka ano mang oras ay atakihin na ako sa puso.
Kinuha ko ang aking cellphone ng tumunog ito. Nagtext si Rhea Charish, tinanong kung kumusta ako. Sigurado ay nasabihan na ito ni Elle sa gagawin ko ngayon. Si Ellena Narcisa talaga, that woman's good at spreading news.
Bahagya ako napatungo nang may mapansin akong pigura ng lalaki na nakatayo katapat ko. Naririnig ko na ang malakas na pintig ng puso ko na para bang gusto na itong kumawala mula sa aking dibdib.
Dahan-dahan kung inangat ang ulo ko. I have to maintain my poise. I knew that's him. Alam na alam iyon ng buong sistema ko. But the idea of having him in front of me, it felt so foreign. Siguro nga na sa ilang taon na magkahiwalay kami, nasanay na iyong sistema ko na wala siya.
Hunter have changed. His face changed a lot, matured with age and his body had strengthened with muscles. His regal aura defined him completely. His clean hair cut, his dark suit and his fixed emotionless face emphasized him well. His eyes holding the same look that I used to seeing for myself. There was ruthlessness in his gaze. He looks good, better actually.
BINABASA MO ANG
Guarded Hearts
RomanceAll her life, Rachelle Jane de Santiago has accepted the fact that she's the ugly twin. Halos lahat ng tao sinasabing walang-wala ang mukha niya kumpara sa kanyang kambal.Her twin had the looks, and she has the brain. Kaya naman buo ang tiwala ng ka...