Part II of I Love My Best friend. May nagrequest ng kasunod daw so pagbigyan na XD
Happy ending nga ba between Aria and April o balik sa paging strangers ang bagsak nila? Kayo ano hula niyo?
---
Aria's POV
Did I really just confessed to my Best friend? Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi maalis sa isip ko yung mga mata ni April halo halong emotions yung nakita ko na lalong nagpapabigat ng nararamdaman ko. Ano pang reason para magstay kung yung nagiisang dahilan eh alam kong mawawala na sakin.
Natawa na lang ako sa naisip ko kelan nga ba siya naging akin. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko, mukha na akong baliw umiiyak tapos tatawa.
" Ma'am Aria andito na po tayo. " naputol na lang pagiisip ko ng marinig ko si Tatay Rey. Sa sobrang pagiisip di ko na namalayan na nakarating na pala kami.
Ngumiti ako kay Tatay Rey " Thank you Tatay alagaan niyo po ang sarili niyo ha." malungkot pero pinilit kong ngumiti. Hindi ko na inantay makasagot si tatay Rey at naglakad na papasok.
April's POV
Sobrang sakit ng mga mata ko kakaiyak and lack of sleep dahil sa nangyari kagabi. After makaalis ni Aria tska lang nag sink in sakin yung mga sinabi niya and its too late na para sabihin sa kanya na I'm in love with her too.
Napasabunot na lang ako sa ulo ko sabay pabagsak na humiga ulit sa kama. Dapat pinuntahan ko si Aria kagabi para magpaliwanag pero pinigilan ako ni Bea hayaan ko na daw muna kumalma yung sitwasyon bago ko kausapin si Aria but there's a part of me na di nag aagree sa kanya.
"Ano ba talaga ang dapat kong gawin?" mahinang tanong ko sa sarili sabay takip ng kanang braso sa mga mata ko. Napamulat ako ng biglang tumunog yung phone ko indicating na may incomming call. It's Bea ano naman kaya and kailangan niya.
" What? You know I'm not in the mo--" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng magsalita si Bea and with the tone of her voice I know something is not right.
" Be ready I'll pick you up right now. J-just be ready I'm almost there..." Wait is she crying?
"Bea what's wrong? Wait? is she okay? Please don't tell me something bad happened to Aria!?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.
" Please April calm down, she'---s fine bu-but ---" Nag aalangan na sagot niya sakin "I'm already outside come on we have to hurry" Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad pinuntahan si Bea
Nasa sasakyan na kami pero hindi pa din nagsasalita si Bea or na explain kung ano bang nangyayari and I can't take it anymore.
Pero bago pa ako makapagsalita inunahan na niya ako " She's leaving" and with those two words parang tumigil yung mundo ko. Wala akong ibang marinig kung hindi yung boses niya wala akong ibang makita kung hindi yung mga alala namin dalawa.
" April! APRIL! " nabaling yung tingin ko kay Bea with tears in my eyes akala ko wala nang luha lalabas pa pero with the thought of losing Aria for good scaring me so much. " Bea I ca--can't lo--se Aria" tinignan ako ni Bea and I know hindi niya alam anong dapat sabihin. " April I'm not sure if maaabutan natin si Aria her dad told me kanina pa yung flight niya." Dahil sa mga sinabi niya nagpray ako na sana andun pa siya na maabutan namin si Aria. Hindi ko kayang mawala siya sakin.
"April we're here na!" sa sobrang pag iisip ko hindi ko na malayan nakarating na kami ni Bea sa airport.
Hindi ko na inantay pa si Bea at mabilis na lumabas ng sasakyan patakbong pumasok sa loob.
I don't even know saan ako pupunta palingon lingon ako sa bawat sulok ng lugar ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko.
"Ari---" Akala ko si aria pero nang lumingon ako si Bea pala malungkot etong tumingin sakin.
"We're already too late Apr--il. Kanina pa daw naka alis yung flight niya." Naiiyak na sabi ni Bea
"N---o Please Bea I need to see her. Hin--di ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko din siya." Hindi ko na pigilan umiyak at pati buong katawan ko hindi na din kinaya napa luhod na lang ako. Niyakap naman ako ni Bea ng mahigpit.
Hindi na yata mauubos yung mga luha ko hanggang sa mahatid ako ni Bea patuloy pa din ang pagbagsak nila.
Pag pasok ko ng bahay sinalubong ako ni Mama pero wala akong marinig sa mga sinsabi niya dirediretso lang ako sa kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama at sinubsob ko sa unan yung mukha ko. Walang humpay sa pag luha pero natigilan ako ng marinig ko ang pag bukas ng pinto ng cr ko sa kwarto, laking gulat ko ng lumabas doon si Aria na mukhang kakatapos lang maligo.
Ngumiti ito sakin ng bahagya " Sorry ginamit ko yung bathroom mo nagpaalam naman ako kay tita." huminga siya n g malalim bago ulit ako tignan nito.
" Sorry hindi ako nagsabi sayo, aalis dapat ako pero hindi k---" Hindi niya natapos pa yung sasabihin niya nang mabilis akong lumapit sa kanya at halikan ang mga labi niya. Kahit sa sarili ko hindi ko alam bakit ko nagawa yun siguro sa sobrang saya na andito siya.
" Mahal din kita." bulong ko sa kanya mahigpit ko siyang niyakap. " Matagal na, masyado lang akong nagulat nung umamin ka sakin." buong pag mamahal akong tumingin sa mga mata niya at marahang hinaplos ang pisngi niya. " Hindi ko alam kung kelan basta isang araw naramdaman ko na lang na mahal na kita higit pa bilang kaibigan. Sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo. Sorry kasi alam ko na nasak---" napahinto ako ng yakapin ako ng Aria ng mahigpit.
" Kalimutan na natin yun ang mahalaga eh ngayon alam ko na mahal mo din ako." at mas hinigpitan niya pag kakayakap sakin.
" Hindi ako nagsisisi minahal kita April. Bawat araw na dumadaan mas lalo kitang minamahal." kumalas siya sa pagkakayakap sakin " Hindi ako mangangako na mamahalin kita. Araw araw ko ipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal." Ngumiti siya sakin mga matang punong p[uno ng pag mamahal na nakatingin sakin.
Marahan niya akong hinalikan sa mga labi ko. "I love you My April"
Pinangako ko sa sarili ko na mamahalin ko si Aria habang buhay. Madami man kaming pag daanan sa mga dadating na araw pero isa lang ang sigurado ako na araw araw pipiliin ko siya ng paulit ulit. " I love you too My Aria" malambing na tugon ko sa kanya habang magkadikit ang mga noo namin nakapikit at nakangiti.
---------------------------
Finaly natpos ko din HAHAHAHA. Sorry po if sobrang tagal bago ko natapos yung part II ng kwento nila April and Aria. Sa mga nababasa pa nito eto na po yung part II na inaantay niyo sana po eh magustuhan ninyo. Love ko kayo guys.
Sino nga pala fans ng Bini dito HAHAHAHA?
Sino bias niyo? Hulaan niyo yung akin? HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
One Shot Stories ( Tagalog GirlxGirl )
Historia CortaFirst time ko sumulat ng tagalog story kaya I hope na magustuhan niyo 😊 If you guys have any request or suggestion dm meee :)