Forty-first Dive

182 8 0
                                    

Meriedeth Salazar

"Anong oras ka natulog, anak?" tanong ni Papa pagkababa ko.

"Around 2am. Masyado akong natuwa sa binabasa ko," I said and took a plate, spoon and fork.

Nandito kami sa province ngayon. We are here for two weeks already. Around 10am akong bumangon. Nagchat naman si Shelanie sa akin, kinakamusta niya ako. Also Rovic, tinanong niya ako kung bakante ba ako sa April 18, ewan ko kung anong meron. As for Eryx, isang beses lang siya nangumusta sa akin. Tss.

"Hmmm, may lakad ka ba ngayong araw?"

Bago pa ako nakasagot ay may biglang nagdoorbell. Agad akong tumayo, umiinom kasi ng kape si Papa. Bumagsak ang balikat ko nang makita kung sino ang nasa labas.

"What the fuck are you doing here?"

"Binibisita lang kita, ano ba 'yan, mukha ka ng pating."

"Umuwi ka na nga, nakakasira ka ng araw."

"Ouch," madrama niyang sabi.

"Seriously, umuwi ka. I don't accept visitors. I want a peaceful summer vacation."

"Grabe ka naman, ano ako? Bagyo? Nakakasagabal ng bakasyon mo?"

"Sino 'yan, Meriedeth?" rinig kong tanong ni Papa.

"Delivery—"

"Titoooo!"

I got no choice but to open the gate and he just grinned. Feel at home pa siya, tss.

"Magandang tanghali po, Tito," bati ni Rovic.

"Magandang tanghali rin, hijo. Magkapitbahay lang pala tayo."

Umupo ako sa upuan ko at nagpatuoy sa pagkain. Umupo si Rovic sa harapan ko. Dad offered him to eat pero tumanggi siya dahil busog daw siya.

"Tito, ayos lang po ba na magpapasama ako kay Meriedeth?"

"Saan naman kayo pupunta?" tanong ni Papa.

"Ayokong lumabas sa bahay na 'to," sabi ko naman.

"Birthday ko po kasi ngayon—"

"Weh?"

Seryoso niya akong tiningnan.

"Bakit? Kayo lang ba pwede magbirthday?"

"Talaga? Birthday mo ngayon?" hindi ko makapaniwalang-tanong.

Natawa si Papa dahil sa amin, binati niya si Rovic ng 'happy birthday'.

"Basta ibalik mo ng maaga ang anak ko."

"Of course po, Tito."

"Punta muna ako sa garden," paalam ni Papa, I was about to assist him pero ayos lang daw.

"Bilisan mo diyan kumain, Shark girl. Maliligo ka pa."

( =_=) (^,^ )

"Ihampas ko kaya 'tong plato sa mukha mo."

"Joke lang, ikaw naman seryoso. Take your time, alam kong matagal kang natulog kagabi," sabay tayo. "Can I watch tv while waiting for you?" I just nodded at him.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. I'm wearing black shorts and a dark blue tshirt. Nagsuot din ako ng jacket na kulay black. Inayos ko ang sapatos ko na kulay puti. I grabbed my phone and wallet at bumaba na.

Seryosong nanonood ng palabas si Rovic. His watching a documentary about solving a murder case. Interesado siya sa mga ganyan?

"Tara," napalingon siya sa akin at ngumiti.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon