ONE SHOT STORY
"Pare!"
Lumingon ako agad dahil alam kong siya yun. Paano pa nga ba ako magkakamali eh kabisadong kabisado ko na ung boses niya. Sa tagal naming magbestfriend. Nakita ko siyang halos patakbo na palapit sakin.Huminto siya sa harap ko.
"Pare."
Medyo alangan niyang tawag sakin.
Bahagya akong napaiwas ng tingin. Nakatitig kasi siya sa mga mata ko at hindi ko kayang makipagtitigan din sa kanya.Matagal ko na siyang mahal. Oo inlove ako sa bestfriend kong si Jasper. Hindi ko alam kong paano nangyari yun. Biglaan ang lahat at wala sa plano. Gumising nalang ako isang araw na siya na ang laman ng puso ko.
"Hoy! Era!'
"Aray!"
Sinamaan ko siya ng tingin habang hinahaplos ang batok kong binatukan niya.
"Oh easy lang pare. Ikaw naman kasi nakatulala dyan. Iniisip mo nanaman ba si Ian? "
Tss mali. ikaw kaya ang iniisip ko. Yan ang bulong ko sa isipan ko. Akala kasi ng mokong na to. Inlove ako sa kuya niya. Tss kung alam niya lang tlaga.
Magsasalita na sana ako at gaganti sa pambabatok niya sakin nang bigla niya akong akbayan. Napatingin ako sa kanya at tila ba nagslow-mo lahat. Hindi ko na naririnig ung ingay sa corridor.Ang naririnig ko nalang ay ang tibok ng puso ko. Ang lakas masyado at ang bilis. Bahagya pa akong kinabahan. Wag kang maingay heart please baka marinig ka ni Jasper . Yan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. Nagbabakasakali akong baka marinig ng puso ko at manahimik siya. Maya maya naramdaman kong may humihila sa bagpack ko. Kaya natauhan ako. Aba malay ko ba kung magnanakaw un.
"Tss Pare. halika na. malalate na tayo. Bahala ka. "
Kinuha niya ung bag ko at nauna na siyang naglakad. Ako? naiwan ako dung nakatayo habang tinitignan siya papalayo. Ganito nalang ako lagi sa tuwing malapit sakin ang Pare ko. Para akong sira,baliw at tanga. Noon naman wala lang sakin pag akbayan niya ako o titigan niya ako ng ganun. Pero anong magagawa ko eh minahal ko siya higit pa sa pa kaibigan. kaya ayan halos lahat sakin may malisya.
Mabilis na lumipas ang panahon.Nakagraduate kami ng Highschool at sa College aba magkasama pa din kami at magbestfriend pa din. walang nagbago kahit kunti.Ung samahan namin ganun pa din. At mahal ko pa din siya. At syempre umaasa din akong mahal niya din ako. Oy kung di niyo naitatanung wala pa siyang nagiging girlfriend no. Tsaka ibang iba ang trato niya sakin kumpara sa iba.Kaya ayan umiigting ang pag iisip ko na mahal niya din tlaga ako higit pa sa kaibigan. Na baka natotorpe lang siya at ayaw niya sabihin. Yiiiee shets! kinikilig tlaga ako.
Katatapos lang ng graduation namin ngayon sa College. Nakaabang ako sa labas dito sa labas ng gate ng School. Iniintay ko si Pare kasi may sasabihin daw siya saking importante. Ito na ata un. Sasabihin niya na atang mahal niya ako. Magtatapat na siguro siya sakin. Hindi ko mapigilang hindi yun isipin kaya medyo nagretouch ako para naman maganda akong tignan pagnagtapat man siya sakin.
"Pare!"
Inaangat ko agad ang aking ulo para makita siya. Di ko mapigilan ang excitement ko. Ang lapad ng ngiti ko sa kanya at ganun din siya sakin. Halos patakbo na nga siyang palapit sakin.Haha mahilig tlaga siyang tumakbo. Nangilid ang luha ko nang makita kong may hawak siyang bouquet. Hala ito na ata tlaga ung araw na pinakahihintay ko.
"Pare may sasabihin ako sayo. Matagal ko na dapat sinabi to sayo pero natakot ako. Natakot akong baka masira ang friendship natin kasi nangako tayo na walang sikreto diba? Pero kasi pare may matagal na akong tinatago sayo."