Pagbalik ko sa table namin ni Cathy ay wala na siyang kausap sa phone,
"Cathy pagkatapos natin dito ma una ka na sa room mo huh , magpahinga kana alam kong pagod ka , mag iikot-ikot muna ako, "
"Gusto mo samahan kita ? "
"No ,it's okay , ang gusto ko ay magpahinga kana maaga pa tayo bukas aalis papunta ng resthouse mo , okay? Hindi din naman ako magtatagal babalik din ako agad sa room ko , gusto ko lang magpahangin saglit"
"Okay , as you like"
Pagsang-ayon niya sa nagtatampong boses, maya2 ay nakita ko ng tumayo na si Aysha kasabay yung kasama niyang lalaki at paalis na din sila ,
"Cathy tara na hatid na kita sa room mo ,"
"Parang nagmamadali ka ah , may kikitain ka dito noh?"
"Haha Crazy , at sino naman kaya?"
"I don't know "
"Ikaw talaga kung ano2 nalang pumapasok sa utak mo , tara na yung mukha mo din halatang pagod na , kaya kailangan mo na talagang magpahinga "
"Okay boss"
Nagtawanan nlng kami at tumayo na , hindi ko na napansin sila ni Aysha , hindi ko alam kong naka check'in din siya dito or hindi , naglakad na kami ni Cathy papuntang elevator , saktong pagdating namin sa may elevator ay nadatnan pa namin sila ni Aysha ,sabay pa kaming apat pumasok ng elevator nasa likuran namin sila ng kasama niya , hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko para akong naiinis sa kasama niya , nakakasira tuloy ng gabi ,
"Aysha any way , bukas pala ako nalang yung pupunta sa shop magpahinga ka nalang bukas , gaya ng sinabi ko sayo , maybe 2 or 3 pm yung alis ko pabalik ng manila , enjoyin mo yung bakasyon mo dito okay? Tawagan mo ko agad pag nagkaproblema ka dito ,get it? "
"Okay, thank you so much"
Yun lang yung narinig kung sagot ni Aysha sa kasama niya , 'hmp ! tirisin ko tong kasama niya eh' sa isip2 ko pa , tumunog na yung bell ng floor namin at lumabas na kami ng elevator , akala ko kami lang yung lalabas sila din pala hindi ko napansin na iisang floor lang pala yung pinindot namin sa elevator ,huminto ako saglit at ganun din yung ginawa ni Aysha , kaya pati si Cathy at yung Kasama ni Aysha ay napahinto din , nagkatitigan pa kaming dalawa ni Aysha , pero siya din yung unang bumawi ng tingin at tumalikod na sa right sila banda habang kami sa left ,habang naglalakad kami ni Cathy ay nagsalita siya,
"I think parang nakita ko na yung girl na yun hindi ko lang maalala kung saan , familiar kase yung mukha niya eh "
"Wag mo na isipin yun , baka kamukha niya lang yun"
"Maybe ,"
Dumating na kami sa room ni Cathy , pagkatapos niyang buksan yung pinto ng room niya ay nagpaalam na din ako , agad ko naman kinuha yun phone sa bulsa ko at tinawagan si Eric, sinagot naman niya agad,
"Hello bro , importante ata yung sadya natin ah , at ikaw pa talaga yung unang tumawag "
"Can i get Aysha's #?"
"Huh? what? nabibingi lang ba ako?"
"I want it now Eric , wag mo kung ma huh2 dyan "
"Nakakagulat naman kase yung tanong mo , "
"Ano bang nakakagulat dun?"
"Bakit mo kailangan?"
"Bakit ka nagtatanong tatay ka ba niya ?"
"Haha , galit agad? Hingin ko muna sa pinsan niya , wala akong # niya eh , send ko nalang sayo agad , "
"Okay thanks bye"
Hindi naman ako galit , pag di ko kasi siya kausapin ng ganun sigurado akong nextyear niya pa maibibigay yung # ni Aysha , after a few minutes ay nag vibrate na yung phone ko at nakita ko agad sa phone screen ko yung name ni Eric agad ko tong inopen , sinend niya na yung # ni Aysha , hindi na ako nagdalawang isip na idial agad eto, natapos nalang yung tawag ko ay hindi niya man lang eto sinagot kaya dinial ko ulit hindi parin sinasagot dinial ko ulit, nakailang ring pa eto at sa wakas ay sinagot na rin,
"Ano ba kailangan mo? Bat ba ang kulit mo?!"
Ouch ! ang sakit naman talaga sa tenga ng babaeng to pag sumisigaw na,
"Can you please lower your voice please? at panu mo nalaman ako yung tumatawag?"
"Sinabi kase ng magaling kung pinsan na hindi niya natanggihan yung kapatid mo kaya binigay niya agad yung # ko kahit na sinabi ko pang wag na wag niyang ibibigay sayo kung sakaling hingin mo talaga"
"Okay , kalma lang wag kang magalit sa kanila ni Eric okay? Gusto lang talaga kitang makausap"
"Di ba sinabi ko naman na sayo na ayaw na kitang makausap kahit kailan , ginugulo mo lang ako eh hindi ka nakakatulong "
"Ayaw mo ba talaga akong maging friend?"
Hinintay kung magsalita yung sa kabilang linya pero hindi na eto sumagot kaya tiningnan ko muna saglit yung screen baka kase pinatay niya na pala bigla ,pero hindi pa naman ,
"Hello? Aysha ? Are you still there?"
"Oo,tsaka nalang tayo ulit mag-usap antok na ako"
"Ibig sabihin ba netu eh hindi mo na ako pagbabawalan na kausapin ka?"
"Hindi ko sinasabing hindi na kita pinagbabawalan , "
"But atleast you're giving me a chance to talk to you"
"Sige na , goodnight"
"Goodnight sweetdreams"
Hindi na siya sumagot pinatay na niya yung phone niya ,napangiti nalang ako mapapaamo din kita ,at naglakad na ako pabalik ng elevator dahil maglalakad lakad muna ako sa labas.
....................................
Sinabi ko nalang yun sa kanya para tumigil na siya ,Wala talagang katulad yung kakulitan nang lalaking yun, siya lang talagang bukod tanging nakakapag pakulo ng dugo ko , san kaya siya pinaglihi ng mama niya , si Eric hindi naman ganun yung ugali pero tung lalaking to grabeh nasa kanya na ata lahat ng ugaling hindi mo maintindihan , pati utak ko nagugulo dahil sa kanya , hayst ! sana naman eh maging maayos yung bakasyon ko dito wag sanang masira dahil lang sa kanya , imbis siguro na makapag relax ako , eh kabaliktaran baka mas lalo akong ma stress, Aysssh ! tama na nga kakaisip sa kanya , buti pa at itulog ko nalang to , at bukas eh maaga parin akong magising kahit sinabi saken ni Sir Jared na siya nalang mag-isa ang pupunta bukas sa shop , maganda kaseng mag jogging dito puro sariwang hangin yung nalalanghap ko , natural naman na malamig dito sa baguio nag fafog talaga yung kapaligiran sa sobrang lamig , bago ako matulog ay nag text na muna ako kay mama at sinabi ko din na bukas ay tatawag ako kase wala akong trabaho ipapaalam ko na din na hindi pa ako makakauwi.
Bumangon ako saglit para patayen yung ilaw at yung lampshade lang yung sininde ko ,pagkatapos ay nagdasal mo na ako saglit tsaka ko na pinikit yung mga mata ko .
BINABASA MO ANG
LOVE LABEL
Romancelahat Tayo nagmamahal , lahat Tayo nasasaktan pero ano ba Ang mas mahalaga Yung masaya ka pero hindi mo Alam Kung Mahal ka ba talaga o mag let go para sa ikabubuti mo ... minsan kase mas pinipili naten mag stay dahil sa mahal naten Yung isang tao...