Nagsusumamo

55 1 1
                                    

Diko alam kong anong ginawa mo sa akin

Diko rin masabing mali itong sabihin

Pero ang hirap naring itago sa damdamin

Sa bawat sigaw nito ikaw lang ang dalangin

Akala ko kakayanin ko kahit wala kana

Na kahit iniwan mo ako ay ok pa

Ngunit ako pala ay nanghihina na

Dahil sa bawat araw ikaw lang ang nagpapasaya

Ang nais ko lang ngayon ay magbalik ka

Sa akin ay lubos na magpapaginhawa

Ngunit paano mangyayari kong ikaw ay may iba na

Paano ko pa matatama ang maling nagawa na

Mali ba ang humiling ng isa pa?

Kung katumbas naman nito'y lubos na ligaya

Alam kong ika'y mahihirapan na

Dahil ngayon ang puso mo sa iba'y nakalaan na

Lubos kong kinaiinisan ang sarili ko

Sapagkat ang pakawalan ang tulad mo ay kamalian ko

Paano ko pa mapapatunayan ang sarili ko

Kung ngayo'y di muna kayang titigan ako

Ako ngayo'y nagsusumamo,ako ngayo'y diggin mo

Hiling ng puso ko'y pakinggan mo

Nang malaman mong ikaw lang ang isinisigaw nito

Sana'y maniwala ka MAHAL KITA at ito'y galing sa puso ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NagsusumamoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon