Love in Another Life

19 2 2
                                    

Introduction (middle/part)

Tahimik ang buong paligid. Walang ibang tao roon kundi ang isang babaeng nakasuot ng puting bestida at may hawak na isang tan

gkay ng rosas. Malayang nililipad ng hangin ang lampas-balikat na buhok. Walang kahit na anong kolorete sa mukha at bakas sa mga mata ang labis na lungkot.

"Victor,saan kaman naroroon,hindi ka pa rin nawawala sa puso't isipan ko."

Nang makakarating sa isang malaking puno ng mangga,huminto sya at naupo sa upoang gawa sa kahoy. Inilapag niya ang bulaklak sa tabi at tumingin sa malayo na parang may hinihintay. Pero alam niyang kahit anong pag hihintay ang gawin ay di na ito babalik pa.

Namasa ang kanyang mga mata sa lungkot na nararamdaman. Hanggang ngayon, araw-araw parin niyang iniisip ang lalaking tanging nagpatibok ng kanyang puso. Dalawang taon na mula nang umalis ito pero sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga panahong nakasama niya ang dating kasintahan.

Sa di-kalayuan ay may naririnig siyang musika,Napakagat-labi siya nang ma-realize kung anong awiting iyon. "THE ONE THAT GOT AWAY" na acoustic version. Iyon ang kantang laging kinakanta noon ni Victor. Iyon ang kinanta nilang dalawa sa isang party, at iyon ang kantang pinatugtog noong gabing pinagsaluhan nilang dalawa ang kanilang pagmamahalan.
Isang hikbi ang kumawala sa kanyang mga labi. She missed him so much. Tuwing umaga na gigising, inaasahan niyang panaginip lang ang lahat... Na nasa tabi parin niya si Victor. Pero bigo siya. Wala na talaga si Victor.kahit ano ang kanyang gawin,hindi na niya maibabalik pa ang panahon...


Chapter one

"TWO YEARS AGO"
"Wala ka na ba talagang kahihiyan?!"
Nagulat si Asha nang dumagundong ang boses ng daddy niya sa buong kabahayan, pero hindi niya iyon ipinahalata. Dere-deretso siya sa hagdan.
"Harapin mo ako kapag kinakausap kita!"

Tumigil siya sa paglakad at hinarap ang daddy niya.

Walang kaekpre-presyon ang mga mata.

"Ano pa ba ang pag usapan natin?"we've been having this conversation a million times. Nakakasawa na."

"Kung matino ka sana,edi dati pa sana tapos na ito!Ano ba talaga gusto mong mangyare sa buhay mo? God Asha,sinisira mo ang buhay mo! Look at your self. Ni hindi mo magawang bihisan nang mabuti ang sarili mo.
Heck,you,you don't even look like you've taken a bath in a year! Mahiya ka naman. Kababae mong tao.

Humalukipkip si Asha at sinalubong ang mga mata ng daddy nya."Nag-aalala kaba na sinisira ko ang buhay mo sa mga kliyente mo?"

Lalong namula sa galit si Atty.Rafael Remullo.
Mabilis siya nitong nilapitan at sasampalin sana pero, lumabas mula sa kusina ang asawa nitong si Lorna.

"Rafael,Tama na 'yan," kalmadong saway ng babae.

Ni hindi ito tiningnan ni Asha. She never liked her stepmother. Sa tingin niya,masyado itong bata para sa daddy niya at alam niyang pera lang ang habol ni Lorna sa kabilang pamilya.

Ibinaba ni Rafael ang kamay pero hindi inalis
Ang tingin sa kanya.
Nanahimik ang mga mata nito."Sa susunod na makulong ka ulit, I will never bail you out again."

Bahagyang itinaas ni Asha ang kanyang noo.
"Bakit?,sinabi ko bang kunin mo ako doon? I never asked for your help."

"Aba't---!"
"Rafael"Niyakap ni Lorna ang braso ng asawa nang itaas na naman iyon ng daddy niya.
"Rafael,Tama na. Sa susunod na kayo mag-usap'pag hindi na mainit ang ulo nyong dalawa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love in Another LifeWhere stories live. Discover now