Sabi nila pag nag-wish ka saktong 23:11 ng gabi matutupad daw yung wish mo.
Parang hindi naman ata totoo yun? Ginawa ko na ng maraming beses mukhang di nya parin ako napapansin. Valentines na wala pa din. Nakakainis lang, puro puso at kulay pula nalang nakikita ko sa buong eskwelahan kung sana kasama ko sya edi natuwa pa ako diba? Hi im Ashley Ford ang taong naniniwala sa 23:11, 15 years old at nag-aaral sa Memo Academy.
"Ashleeeeeeey!" Tawag sakin ni Sky. My oh-so-ingay bestfriend.
"Bakit? Ano nanamang tungkol sa crush mo?" Sarcastic kong sagot. Lagi namang tungkol sa crush nya ang kwento nya.
"Grabe ka naman! Hindi ah~ *pout* tungkol kay Ivan!" sabi nya. Naginit yung pisngi ko nung narinig ko ang pangalang Ivan. Si Ivan Santos yung matagal ko ng gusto. Simula grade 1 kami gusto ko na sya. Sya lagi ang nasa wish ko tuwing 23:11.
"Anong meron sakanya?" Tanong ko.
"May hawak syang bulaklak at chocolate kanina! Mukhang may liligawan sya ngayon!" Malakas nyang sabi. Wow. Pinamukha talaga sakin? Edi mag-sama sila! "Oh? Anong gagawin ko? Tss. Matutulog nalang ako sa bahay." naiinis kong sagot.
"Di mo ba titignan?" tanong nya. "Why would i? As if i care about them." Sagot ko. Actually kay Ivan lang ako may pakialam. I don't care about the girl. -__-
"Hala omg girl. Magsisimula na!" Sabi nya sabay hila sakin. Di na ako nakakalas. Lakas nya eh.
Ivan's POV
Kinakabahan ako. First time ko to. Oo nag-karoon na ako ng past relationship pero ginawa ko lang yun para makalimutan si Ashley. Oo matagal na akong may gusto kay Ashley. Kapitbahay namin sya noon. Sya ang dahilan kung bakit ako lumipat sa Memo Academy nung grade 1 ako. Hindi kami agad naging close dahil ako kasi yung tipo ng tao na tahimik. Kaya di kami manlang kami nag-kausap.
Hanggang sa tumagal lalong lumalim ang pag tingin ko sakanya. Pero ng malaman ko na may gusto pala ang bestfriend ko na si Keith sakanya ibinaling ko nalang sa iba ang atensyon ko. Pero sa tuwing makikita ko sila ni Keith na mag-kasama nag-seselos ako. Kahit mag-katabi lang pangalan nila sa listahan nag-seselos na agad ako.Nag-kausap kami ni Keith pagkatapos ng practice namin kahapon.
Flashback
February 13,20**Nandito kami ngayon sa Music Room para sa performance namin bukas. Aalis na sana ako kasi kami nalang ni Keith ang nandito.
"Sige pre aalis na ko." paalam ko sakanya. Palabas na ako ng pintuan ng tawagin niya ako."Pre" tawag sakin ni Keith
"Bakit pre?" tanong ko. Mukha kasing kanina pa siya problemado. Kanina pa malalim ang iniisip niya.
"Suko na ako. Matagal na rin akong nanliligaw kay Ashley pero wala pa rin. Ang swerte naman ng mahal nya" sabi ni Keith. Ramdam ko na nasasaktan si Keith. Pag katapos nun katahimikan ang lumaganap sa Music room. Biglang nag-salita si Keith.
BINABASA MO ANG
23:11 || One-shot ||
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa kasabihang pag saktong 11:11 na pag nag-wish ka matutupad? Cover by; @supernovaxo ©All Rights Reserved rayleigh_