22.

396 19 3
                                    

"Ladies and gentleman, the Captain has turned on the Fasten Seat Belt sign..."

Napairap ako. Kasama kasi sa cabin crew si Kanao! Surprise nga dapat, e. Saka may asungot na sa flight ko! Baka hindi pa ako nakakauwi sa bahay, ubos na 'tong bitbit kong chocolate.

Tumingin na lang ako sa bintana, nagdadasal na sana hindi ko makita si Soleil. Sana sana sana. Bakit kasi flight attendant sila?!

"Do you need anything, Ma'am? You seem uncomfortable," sabi ng kung sino sa gilid ko.

Mukhang kilala ko na kung sino. Kakadasal ko lang na 'wag ko siyang makita, ito na siya ngayon. Ayos din ang timing nitong si Sol, e.

"Nothing," sagot ko na lang.

Tumango na lang siya. Tinawag siya ng isang lalaki kaya lumapit siya. Mukhang may tinanong lang.

Natulog na lang ako. Nagising na lang ako dahil may nagsalita ulit, magl-land na kasi. Mahaba rin pala ang tulog ko. Inayos ko na lang ang hitsura ko.

Nasalubong ko ulit si Kanao sa paglabas kaya sarkastiko ko siyang nginitian. Ngumisi naman ang loko. Nang-iinis.

"Chocolate ko," pabulong na sabi nito nang magkatapat kami.

Mabilis akong naglakad paalis. Tinanggal ko na ang coat ko at isinabit iyon sa braso ko. Ang kabilang braso naman ang naghihila ng maleta ko.

Pumara ako ng taxi nang makalabas ako sa airport. Sinabi ko agad ang address ko. Mabuti at mabilis lang kaming nakapunta sa bahay. Padilim na rin kasi at nagugutom na rin ako.

Nag-doorbell muna ako bago nagtago na parang bata. Gusto ko silang gulatin, hehe.

"Tignan mo nga, baka 'yan na 'yong in-order mo sa online online shop na 'yan." Rinig kong sabi ni Papa. Mukhang malapit lang sila sa gate dahil rinig na rinig ko siya.

Bigla namang bumukas ang gate. Iniluwa nito si Mama. Luminga-linga pa ito sa paligid pero hindi niya ako nakita.

"Wala naman. Talaga 'tong mga bata na 'to, pinag-lalaruan na naman 'yong doorbell," sabi ni Mama na may halong irita.

"Mama!"

Natigilan si Mama sa pagsasara ng gate. Binuksan niya 'yon ulit. Tumitig pa sa 'kin bago tumakbo palapit. Muntik pang matisod. Masyado namang excited.

"Miss na miss mo 'ko, ah? 'Di naman halata," sabi ko nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

Humiwalay siya sa 'kin. "E 'di 'wag. Ikaw na nga 'tong na-miss, paepal ka pa." Umirap siya.

Mahina akong natawa. Niyakap ko na lang siya ulit dahil mukhang nagtatampo siya.

Pumasok na kami sa loob at si Papa naman ang kinamusta ko.

"Si Ate Dani?" tanong ko kay Mama.

"Sinong Ate Dani?" tanong nito habang nakakunot ang noo, iniisip kung sino ba 'yong tinatanong ko. "Ah, 'yong dati naming kasambahay? Buang, Dolly ang pangalan no'n. Anong Dani?" Natawa pa siya.

"Ay, Dolly pala. Bakit? Sounds like naman, ah!" Pag-depensa ko sa sarili. E 'di sorry kung hindi ako matandain sa pangalan! 'Di naman kami close. "Wala na siya rito?"

"Noong nakaraang buwan pa," sagot ni Papa.

Tumango ako. "Bakit pala kayo nandito? Ayaw niyo pumasok?" tanong ko sa kanila.

Nandito kasi kami sa mini garden ni Mama malapit sa gate. May maliit na table doon at dalawang upuan kung saan nakaupo si Papa ngayon.

"Nagpapahangin lang. Wala kaming magawa sa loob," kaswal na sabi ni Mama.

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now