"Hoy, madaya! Bakit kaniya pito? Anim lang akin! Pahingi pa ako!"
Parang batang nagp-protesta si Kanao. Pito kasi ang chocolate ni Leighnash at anim lang ang sa iba. Gusto niya pito rin ang kaniya. Napailing na lang ako kasabay ng buntong-hininga.
"Akin na lang 'yong isa Nash," sabi ko.
Kahit nagtataka ay iniabot pa rin ni Leighnash 'yong isang chocolate. Binuksan ko 'yon at kinain.
"Oh, tig-aanim na kayo. Manahimik na kayo, puwede? Para kayong mga bata," iritang sabi ko.
"Opo, Mama." Nang-aasar pa 'tong si Heather.
"Ikaw nga 'tong Mama rito," asar ko pabalik kay Heather. Sinamaan naman ako nito ng tingin. "Nasa'n pala 'yong dalawa?" Sila Hera at Mara ang tinutukoy ko.
"Namasyal, kasama ni Lev."
Tumango naman ako. "Pasyal tayo minsan, sama niyo mga anak niyo." Nag-aya na ako. Minsan lang kami magsama-sama ulit kaya dapat mag-bonding din kami.
"Sige, hanap ako ng sched na free kami ni Pau," sagot agad ni Kanao.
"Sila Sam hindi sasama?" tanong ni Leighnash.
"Pauwiin mo," sabi ko naman. Tanga. Syempre, pa'no sila sasama kung nasa ibang bansa sila? "Pauwiin niyo na rin 'yong mga ibang nasa ibang bansa rin."
"Puwede rin. Si Sam, madali lang pauwiin. Si Yoshi, uuwi raw next week, 'di ba? E, si Magi? Sino mamimilit do'n?" tanong ni Avery. "Saka puwede bang magsama ng asawa? Beke nemen."
"Ako na lang magsasabi kay Magi," sabi ni Heather, tutal siya naman ang pinaka-close kay Magi. "Sama mo na asawa mo, sasama ko rin asawa ko, e."
"Ilusyunada, 'di pa kaya kayo kasal." Napairap ako.
"Inggit, palibhasa single." Pang-aasar na naman ni Heather.
"2028 na Caless, torpe ka pa rin? Graduate graduate din!"
Napalingon kaming lahat sa pinto. Dumating na pala 'tong si Adonis na kasama si Julie.
"E 'di kayo na may love life!" Ako na lang din ang sumuko. "Babaero ka naman." Bulong ko pero patama 'yon kay Ado.
"Narinig ko 'yon! Sinong babaero, huh?!"
"Ikaw!"
"Kasalanan ko bang nilalapitan nila ako?! Sa ka-pogi-an kong 'to!"
Napairap ako. Napangiwi naman ang iba habang tumatawa si Leighnash, isa pang kumag.
"'Wag ka na mag-imagine, pre. Masasaktan ka lang," sabi ni Nash saka tumawa ulit.
Hindi na lang siya pinansin ni Adonis. Hindi ko alam kung totoo ang rumors na babaero 'tong Adonis na 'to. Paano, linggo-linggo iba-iba ang shini-ship sa kaniya. Nakikita ko na lang sa timeline niya sa FB na ang daming naka-tag sa kaniya na puro babae. Wala naman siyang reaksyon sa mga 'yon. Ang dami naman kasi ata nagkakagusto rito? 'Di naman kagwapuhan.
"Wala ka pa ring jowa?" tanong ni Lily.
"Obvious ba?"
"Kailan mo kasi 'yan sasabihin kay Sol?" tanong ulit ni Lily. Bunganga, e.
"Hala, kay Sol?! Itatakbo kita ro'n!" Prisinta ni Kanao.
"Anong Sol Sol? Hindi ko gusto 'yon. Straight ako, 'wag niyo akong itulad sa inyo." Tanggi ko agad. "At saka may boyfriend 'yon, pabayaan niyo na."
"Huh?" Kumunot ang noo ni Kanao. "Boyfriend?"
"Oo, si Charles," sagot ko.
"Charles, amp!" Tumawa ito ng malakas. "Na-scam ka rin nila?" Mas lalo pang lumakas ang tawa nito. Ume-echo na sa mansion. Char.
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
РазноеCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...