"Oh, maaga ka yata ngayon Beatriz?""Nay naman, ngayong maaga naman ako nagtataka kayo?"
"Eh kasi naman kahapon anong oras ka na nakauwi? Alas diyes diba? Sa tingin mo uwi ba yun ng matinong estudyante?", ang sermon ni Aling Martha kay Beatriz.
"Sige na magbihis ka na at magsaing ka."
"Opo."
Matapos magbihis ng dalaga ay dumeretso sa kusina para magsaing.
"Yung itlog na binaon mo nakain mo ba lahat?"
"Opo Nay."
"Mabuti naman kung ganon. May itlog pa diyan sa ibabaw ng ref. Iprito mo na para sa hapunan natin."
Makikita sa mukha ni Beatriz ang pagkabugnot habang hinuhugasan ang bigas. Kung hindi kasi tuyo, sardinas eh itlog ang parating ulam nila.
"Nay, wala ba kayong alam ipakain sa'kin kung hindi itlog?, ang hindi nakatiis na tanong ng dalaga sa kanyang nanay.
"Aba! Kung hindi tayo iniwan ng tatay mong ubod ng galing eh di sana pritong manok ang ipapalamon ko sa'yo!"
Tumahimik na lamang siya at hindi na muling sinudan ang pagrereklamo. Sigurado siyang kung saan-saan na naman mapupunta ang usapan. Hanggang sa mabungkal na naman ang pambabae ng tatay niya. Grade 6 siya noon nang iniwan sila ng tatay niya at sumama sa ibang babae.
------------------------------------------------------------
May kumatok sa pinto. Siguradong ang nanay ko na dala-dala ang gamot ko. Pakakainin ako ng masarap tapos paiinumin ng sandamakmak na gamot.
"Anak, it's time to take your medicine."
Ininom ko kagad ang tatlong pirasong tableta at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Good boy!"
"Tapos ka na ba sa assignment mo iho?"
"Kanina pa po Ma. Nagawa ko na po sa school kanina "
Tama kayo diyan. Never naging homework ang homework sa'kin. Sa school pa lang ay tapos ko na. Maliban na lamang kung kailangan ng intensive research at hindi ko talaga alam ang sagot. Pero medyo madalang yun. Ehem Ehem. Mayabang ba ang datingan? Pasensya na dito lang naman ako nakakapagyabang. Sa isip lang naman, pagbigyan niyo na'ko. Hindi naman ako makapagmayabang lalo na don sa tatlong bugok na yun.
Akala ko nakalabas na ang Mama ko sa kwarto. Hindi pa pala. Nakita niyang may ginagawa ako sa itlog na bigay ni Beatriz. Hindi ko kasi kinain 'to kahit gutom na gutom na'ko.
"Teka Anak. Tama ba 'tong nakikita ko? Itlog yan diba?"
"Hindi Ma. Egg po.", ang pabirong sagot ko.
"Yeah I know that's an egg. 'Wag ka ngang pilosopo anak. What I mean is, hindi porket hindi ka kumakain niyan eh ganyan na ang ginagawa mo. Baka nakalimutan mo iho na pagkain yan. Anak yan ng manok na paborito mo."
Mga nanay nga naman talaga. Old school. Hindi ba pwedeng sulatan lang. Hindi ko naman inapak-apakan katulad ng ginawa ni Webster don sa fried chicken, burger at fries ko.
"Ma, project namin sa shool 'to.", ang palusot kong sagot.
"Ah ganon ba? Teka lang 'nak."
Kinuha niya ang color pen at itlog sa kamay ko. Maya-maya lamang ay tumawa siya ng malakas. Tiningnan ko ang ginawa niya sa itlog.
"Mama naman!"

BINABASA MO ANG
OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?
Teen FictionMahirap para kay Ben ang pagiging overweight. Tampulan siya ng tukso sa kanilang campus. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang girlfriend. Walang nagkakamaling pumatol sa kanya. Makikilala na kaya niya ang magiging first girl...