[36]

396 28 3
                                    

[36]

1:09 AM

Analiah:
Tulog ka na?

Key:
Hindi pa : )

seen

2:48 AM

Analiah:
Ngayon? Tulog ka na?

Key:
Hindi pa po

seen

4:27 AM

Analiah:
Ay, siguro tulog ka na no?

Key:
Inaantok lang pero hindi pa tulog

Analiah:
Ako rin. Pero patapos na ako malapit na, konti na lang haha

Key:
Ang galinggg

Analiah:
Pero bukas itim na ang eyebags ko

Analiah:
Sigurado

Key:
Selfie ka bukas tas send mo sa akin, ha?

Analiah:
Ayaw ko nga!

Analiah:
Ano ka? Sinusuwerte?

Analiah:
Sige na tatapusin ko na to. Good morning

Key:
Waittt

Analiah:
Bkt

Key:
Wala lang. Chat pa tayo, oh hanggang magliwanag

Key:
Game? I'm game! Kokontrolin ko antok ko

Analiah:
Nakakapanibago ka talaga. Bukas na lang ng gabi. Yun lang yong oras kung kailan ako nagoonline. Hindi naman kasi ako mahilig sa social media

Key:
Anobayan

Key:
Pero sige na nga, bukas na lang

Key:
Bukas tanungin na lang kita tungkol sa aso na binigay ko sa iyo noon, ha? Para may topic tayo

Key:
Tanda ko pa iyon!

Analiah:
Ah, si Lorono???

Analiah:
Ikaw ang nagpangalan doon kasi sabi mo, yon ang gusto mong pangalan ng magiging anak natin

Key:
Oo, natin

Analiah:
I mean

Key:
Oo sinabi ko iyon, nare-recall ko pa. Sabi ko pa nga bago ako umalis, babalikan kita tas liligawan kita. Tas aanakan kita pero dati pa iyon, huwang mong seryosohin iyon.

Key:
Hahahaha

Key:
Bata pa lang tayo noon. Hindi iyon totoo. Hindi ko pa alam ang mga pinagsasasabi ko noon.

Analiah:
Alam ko naman pero crush mo talaga ako nun? Bakit mo naman ako nacrushan? Ang pangit ko kaya!

Key:
Dati pa iyon! Isang linggo lang kita naging crush, no. Huling linggo lang kita nagustuhan bago kami lumipad pabalik dito

Analiah:
Hahahaha joke lang, binibiro lang kita haha

Key:
Ako?

Key:
Naging kras mo ako?

Analiah:
Jusme ewww

Key:
Uhmmmm ..... Sige, tutulog na ako. Bukas ulit?

Analiah:
Chatmate talaga eh no?

Analiah:
Ano to? Gabi-gabi?

Key:
Ayaw mo?

Analiah:
Ang hina ng signal, bye

Key:
Palusotttt

seen

------

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon