Parating may nakasunod
Parating may nagmamasid
Bawat kilos at galaw mo kuhang- kuha nya
sino ba sila??
Bagong lipat ako dito sa lumang bahay ng lola ko..pamana nya raw ito saken ..sa simula't sapul ayoko ng tumira dito iba kasi pakiramdam ko sa bahay na to last time na andito ako is 20 yrs after...napilitan lng ako dahil mas malapit ito sa trabaho ko..
12:00 pm
Bblaaaagggg...Dug..dug...dug
kakatulog ko lng ng maalimpuyatan ako sa ingay na nanggagaling sa labas...
ano naman kaya yun?..may tao ba?...sino naman?
sa pagkagulat ko..lumabas ako ng kwarto para tignan kung saan galing yung ingay?
pagkalabas ko wala naman tao..ni walang nabasag..saan galing yung ingay?
Pabalik nako ng kwarto ng makita kong bukas yung kwarto ng lola ko..ayoko sanang puntahan..kaso baka dun galing yung ingay?
...haaay bahala na..
pinuntahan ko ito ..sinilip ko na rin kaso wala naman...binuksan ko ang ilaw at bumungad saken ang napakadaming salamin..sa pader, sa dingding halos punuin ng salamin ang buong kwarto.
una inakala ko na puro antiques laman ng kwarto ni lola kaya ayaw nya ako papasukin ng dito.
Sa pag-iikot ikot ko na kita ko ang isang malaking kabinet na may salamin sa harap
parang may kung ano sa salamin at ngumiti saken..kinusot kusot ko ang mata ko at hinawakan ko mukha ko. di naman ako ngumiti?..actually nakakunot nga noo ko eh! ano yun?
dahil sa inaantok ako baka guni guni ko lang iyon..lumabas nako ng kwarto at aktong isasara ko na ang pinto ng may kumalabit saken..nilingon ko ito..wala naman?
"hay inaantok lng siguro ako" Di ko nalang ito pinansin at tuluyan na kong lumabas ng kwarto at natulog..
Kinabukasan
Dahil sa walang pasok ngayon napag desisyunan ko na linisin ang bahay..
papunta ako ng kusina para kumuha ng walis at pandakot ng mapansin ko may sumunod saken..paglingon ko isang maliit na salamin lang ang nakita ko.