Simula

3 0 0
                                    

A/N: Ang kwento pong ito ay likha lamang ng aking malanding pagiisip. Nawa'y may mapulot kayong kalandian. Aba mga bessy sa wakas makacrushback ka na din!

__________________________________________
__________________________________________

"Tara Inom" nagningning ang mata ko matapos marinig ang pagaaya ni Lotlot

"Tara g? where ba?" sabi ko habang naglalagay ng powder sa aking oily fes.

"Pop up. Katipunan lang!" napatigil ako sa pag aayos. Pota katipunan lang? Haler? Anlayo noon!

"Ayoko pala, Kayo nalang!" itinago ko na ang compact powder ko sa aking bag.

"KJ dali na! Libre daw to ni Mimi. Bahala ka pupunta na ako sa Condo, para makapagbihis na. Sayang madami pa namang gwa-" hindi ko na siya pinatapos.

"Fine! Lintek naman kasi bakit kailangan mo pa akong painggitan! Duh madali akong lalaki noh" ayan nagsisinungaling nanaman si tanga.

"Tanga! Magiinuman tayo ganyan suot mo?" Tiningnan ko ang suot ko. Okay naman ah? Naka sweatpants lang ako tapos hoodie jacket.

"Eto isuot mo!" sabay abot ng isang black brallet with matching white highwaisted short.

"Ano ba yan ampokpok" aangal pa sana ako kaso pinanlakihan niya ako ng mata.

"Guys!" tawag ni Mimi sa amin habang kumakaway kaway pa. Agaw pansin ang bakla.

Tangina Felicity! Kalma ka lang hindi naman ito ang first time mo sa inuman. I break mo naman ang record mo as Crushable, puro crush hindi naman jinowa!

Nandito na pala sila gabby, helen kasama si mimi.

"Kamusta ka sa UP?" tanong sakin nila mimi pagkaupo.

"I'm fine DL parin, ewan ko dito ka Lotlot" Tumawa naman sila.

"Gago muntik na akong bumagsak nung nakaraang sem!" Umalis si mimi sa table namin para umorder ng drinks.

"Black label tayo?" tanong ni mimi sa amin. Napatango ang mga gaga, nako tingnan lang natin bukas kung maalala nila mga gagawin nilang kalat dito.

"Look, sa kabilang table andaming gwapo...From UST yang mga yan" bulong na sabi ni gabby. Well Thomasian si gabby kaya alam niya. Eto namang si helen, sa Ateneo. Kami ni lotlot sa UP, tapos si baklang mimi sa DSLU.

Napatingin naman ako sa grupo ng kalalakihan sa kabilang table. Putangina ULAM ALLERT! Madaming gwapo tulad ng sinabi ni Gabby pero iisa lang ang bumingwit sa akin.

Yung isang lalaki, shet ang gwapo! maputi siya, medyo singkit, matangos ang ilong at kitang kita ang jawlines niya! Kaso parang suplado ang koya niyo!

"Gabby sino yung nakagray shirt? The one with messy hair at makapal na eyebrows?" lumapit ako sakanila na tila may ibinubulong na sekreto.

"God! Sa lahat ng matitipuhan mo yung pinaka suplado pa" Tumawa naman sila.

"But nice choice baby, pinaka gwapo yan sa grupo nila yun nga lang as cold as ice. Sikat yan sa UST, name niya is Chase Hendriex Villaflor" ani gabby, samantalang ang mga kasama ko ay todo tingin na din.

"Akin na yon ha" Nagtawanan naman sila lalo na nung bumanat ako.

"Cheers tayo girls!" Si mimi habang pinipilit kaming lasingin. Sarap itali ng baklang to e.

Uminom ulit ako ng beer, naubos na kasi ang black label kaya nagbeer nalang ako samantalang sila ay nag hard drinks pa.
Lintek ako nanaman ata ang pagbubuhatin nila!

"Oy mga sissy maglalandi lang ako" nagulat ako nung tumayo na si lotlot at pumunta sa kabilang table.

"You!" sabay turo ni lotlot sa lalaking katabi ni Chase.

"I want you!" sumigaw pa ito na tila magkalayo sila. Tumayo na ako dahil bagsak na din ang iba including helen and gabby.

"Lot! Not here, wag ka mageskandalo dito! I'm sorry, she's drunk" kinurot ko si lotlot at hinatak papunta sa table namin.

"Tangina niyo! Kayo nagaya sa akin tapos ako pagaasikasuhin niyo! gumising kayo jan!" nanggigil kong pinagkukurot ang apat.

"Puta magpapakalasing nalang ako para pareparehas tayo mga lintek" inis kong sabi at agad na ichinug ang natitirang alak sa bote ng jack daniels. Pota grabe pala yun feeling ko lumilipad ako.

"Oh buti aman gishing ka na mimi" nahimasmasan na si mimi at agad niya akong kinurot.

"Potek inubos mo yung jack daniels?! Felicity anong kagaguhan to?"

Lasing na ako kaya hyper na ako, tumayo ako para pumunta sa may pinto.

"Bawal lumabas! Holdap to!" sigaw ko tsaka lumapit sa table ng mga lalaki.

"Hoy ikaw! pwede bang holdapin kita? Akin na puso mo!"pinanlakihan ko ng mata yung gwapong lalaki at saka kinindatan.

Hinatak na ako nila mimi at helen pabalik sa table pero nangangati ang paa ko. Saktong tumayo na si gwapo ay agad akong lumapit dito.

"Hindi na ako holdaper! Magnanakaw na ako" Pagkasabi ko noon ay agad ko siyang hinalikan.

Kumapit ako sa leeg niya at tumingki upang ilapat ang aking labi sa kanya.

Narinig ko naman ang mga lalaking nagsisigawan, the next thing I knew nagcollapse na ako.

"Fucking shet!" Napahawak ako sa aking ulo, feeling ko binibiyak yung ulo ko huhu.

"Ay wow gising na pala ang pokpok ng taon!" napatingin ako kila mimi. Paano kaya ako napunta dito?

"Huh? Tangina ang sakit ng ulo ko! Para akong nagka-amnesia" tumawa naman sila gabby.

"Hoy gaga alam mo ba kagabi hinoldap kami sa PopUp" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nila.

"Talaga?! O Ano nangyari?" lumapit ako sa kanilang apat para tingnan kung may sugat ba sila.

"Okay naman kami, sa amin walang nanakaw...Pero kay Bibi mo meron" Huh? Sinong bibi? bibigandanghari?

"Huh? Sino?" binatukan naman ako ni Lotlot.

"Tanga. Si Chase! new crush mo gaga!" napa sapo naman ako ng noo. Oo nga pala no.

"Oh anong nanakaw sakaniya?" Nagtinginan muna silang apat bago sumagot sa akin. Ano bang meron pota!

"HALIK" sabay sabay nilang sigaw sa akin.

Anak ka ng putangtupa!

"Hoy ikaw! pwede bang holdapin kita? Akin na puso mo!"

"Hindi na ako holdaper! Magnanakaw na ako"

"Tangina" nasampal ko ang sarili ko habang prinoprocess sa utak kung anong kagagahan ang nagawa ko kagabi.

Fuck you Black Label ft. Beer ft. Jack Daniels!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tips ng Babaeng CrushableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon