COFFEE BREAKS

14 1 1
                                    

Maaga na namang pumasok si Icy dahil may naka-pending siyang gawain na iniwan nung isang araw. Hindi natuloy ang overnight plan nila nina Angel at Claire dahil binoykot siya ng dalawang iyon. Hindi sinasagot ang mga tawag niya at hindi din nagre-reply sa mga messages niya. Napagkaisahan ata siya. Kakausapin niya nalang mamaya ang dalawa kapag nagkita sila sa opisina.

Hindi na siya dumaan pa sa Kape Shap para magkape. Mamaya nalang breaktime. Pinapa-rush kasi sa kanya ang gawain niyang yun.

Pagkapasok niya sa kanilang production area ay siya palang ang tao. Tamang-tama, wala pang istorbo. Inumpisahan na niya kaagad ang kanyang gawain. May twenty minutes pa siyang mag-iisa sa room na yun. Saktong alas otso, sa tantiya niya, siguradong tapos na niya ang kanyang ginagawa.

Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. Nagpi-print na siya ng mga documents ng isa-isang nagsipasukan ang mga kasama niya. Naunang dumating si Claire kesa kay Angel kaya ito muna ang kinausap niya.

"Anong nangyari sa inyo ni Angel, bakit hindi kayo sumipot sa usapan?" Tanong niya kay Claire.

"Ay sorry Icy ha, pwede bang si Angel nalang ang kausapin mo mamaya. Sinabihan niya kasi ako na 'wag daw ako sasagot pag tinanong mo. Siya na daw bahala sayo." Ganun? Kampi na silang dalawa? Anong pinakain ng baklitang yun dito para maging sunod-sunuran sa kanya?

Pinabayaan niya nalang si Claire dahil hindi naman ito nagbago ng pakikitungo sa kanya. Madaldal parin ito at lahat na ata ng ginawa nito sa buong mag-araw ay naidetalye na sa kanya. Wala naman siyang nahimigan na may galit o tampo ito sa kanya. Nagtataka lang talaga siya sa kung anong rason ng dalawa kung bakit siya pinagkaisahan.

"Good morning beshies." Napalingon silang dalawa kay Angel na bagong dating. Good morning ang batian nila kahit gabi para morning vibes lang ang feeling pag nagta-trabaho ng gabi. "Buti nalang hindi ako na-late. Ang hirap kasi talaga kapag walang naghahatid-sundo sayo na naka-motorbike, ano. Hassle mag-commute." Sa akin siya naka tingin ng sabihin niya yun. At kabisado ko na ang pilantik ng dila nito.

"Pinariringgan mo ba ako, Angelito?" Pinagdiinan ko pa ang pangalan niya ng sinita ko siya. Hindi naman ako galit dahil alam kong hindi din naman siya galit sa mga oras na yun. Naghihintay lang ito ng explanation na nakatitig sakin. Pati na rin si Claire.

"Okay, ganito kasi yun." Umpisa ko. Bago pa ko magsalita ng tuloy-tuloy ay napatingin ako sa pinto at biglang natahimik. Papasok si Keeno. Kumabog na naman ng mabilis ang dibdib ko. Nagliparan ang mga alaga kong paru-paro sa tiyan ko. Nagkislapan ang mga nakatagong bituin sa mga mata ko at nagkorteng puso na tumitibok. Napatingin din sina Angel at Claire. Dire-diretso si Keeno sa Station namin sabay hinto sa harapan ko mismo.

"Nasa'n na?" Bungad nitong tanong na seryoso ang mukha.
"Ah, ano-, ah, w-wait lang po sir, pini-print ko na po. Tapos ko na naman, hatid ko nalang mamaya sa table mo." Kanda-utal kong sagot sa kanya. Ano ba yan, bakit ba ko nauutal sa harap niya ngayon. Samantalang kahapon, okay naman akong kumausap sa kanya ah. Nagkasakit ba tong dila ko?

"Hindi yun ang ibig kong sabihin." Mahina lang naman ang boses nito pero matiim itong tumititig sakin na parang may ipinapaalala. "Nakalimutan mo na naman." Dagdag niya pang sabi.

At dahil dun ay nahimasmasan na ko. Oo nga pala, ang medyas. Dali-dali kong binuksan ang drawer sa baba ng table ko at bago ko pa mailabas ang itinago kong medyas duon ay napatingin muna ako kina Angel at Claire na namumula ang mukha. Dahan-dahan kong kinuha ang medyas at binigay kay Keeno na medyo patago pa para hindi makaagaw atensyon ng ibang kasama namin duon sa room.

Nakangiti na si Keeno ng tanggapin iyon at nagpasalamat. Tumuloy na din ito sa Station niya at duon ko pa lang napansin ang kanyang porma. Fitted, navy-blue, shirt with collar na tinupi ang manggas hanggang siko. Tinernuhan ng khaki pants with black  leather belt at black Oxford shoes pero walang suot na medyas. At hindi ako nagkamali ng iniisip na isusuot niya ang binigay ko pagkaupong-pagkaupo niya sa kanyang pwesto. Halos mag-tumbling pa ko sa kilig ng pasulyap-sulyap pa siya sakin habang inaayos ang mga iyon. Ang gwapo talaga niya.

KWENTONG KAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon