Nasa parang arena kami dito gaganapin ang pagsubok na sinasabi ni sir minho. malawak ito panay puno rin nakapalibot rito, tulad ng forest sa labas ng training ground malapit sa tinitirhan namin. "dito tayo magsasanay. simple lang naman ang pagsubok niyo.." sabi ni sir minho. may nilabas itong kwintas na susi ang pendant, "kailangan niyo lang naman ito maprotektahan at hindi makuha ng iyong kalaban. kung makuha ito, pasensya at ikaw ay nabigo sa aking pagsubok." malungkot na dagdag niya. binigay niya sa amin ang kwintas. "ang unang sasabak, ay si... jangjun!" aniya. "ang makakalaban mo, si y, leedo,hwanwoong. para manalo ka, kailangan mo maunahan ang pagkuha ng susi sakanila, dahil pag nakuha nila ang susi mo, alam mo na" mahabang explanation ni sir.
. Moo PoV .
Naghanda ang lima, hinanda ni jangjun ang spear na hawak nito at naging alerto sa nakapalibot sakanya. Sumugod sakanya si Y gamit ang kanyang arnis na agad naman niya nadepensahan gamit ang kabilang dulo ng spear na hawak nito. Gumamit ito ng kapangyarihan na itali si hwanwoong gamit branch ng puno. si leedo naman ay naglabas ng apoy sa mga daliri at pinalipad iyon sa direction ni jangjun, patambling tambling niyang iniwasan iyon. Di niya napansin na malapit na ito kay hwanwoong. "leedo!" may takot sa boses ni hwanwoong, dahil kamuntikan na siya masunog dahil kay leedo kasi naman ay doon pumunta si jangjun at umakyat sa sanga ng punong kung saan nakatali si hwanwoong.
"binabalaan kita, leedo." palabirong tugon ni hwanwoong, tumawa sila dahil sa reaction na iyon ni hwanwoong. "bakit ka kasi nakatali diyan? di ka man lang umiwas nung may branch na papalapit saýo" balik na sita ni leedo rito at nailing. maghahanda pa lang sana si leedo sa pagatake kaso, nakuha na ni jangjun ang kwintas nito. "aish~!" buntong hininga ni leedo. "Y, labas na! talo na kayo!" sigaw ni jangjun dahil nakuha na rin pala niya ang kwintas ni hwanwoong. "magaling, jangjun" puri ni minho sakanya. "ang susunod..." dagdag nito
Nagpatuloy ang pagsubok nila. Nang si dongmyeong na, "ang makaklaban..." pagbiti in ni minho. "xion, cya, yeonhee at soobin." ngising tugon nito. "bakit si xion, sir?" angal ni dongmyeong, dahil ito ang unang pagkakataon na magiginng kalaban si xion since the morning they are there. "pagsubok lang naman to, walang masama." kibit balikat na sagot ni minho. He blow his whistle, sign yun na magsisimula na ang pagsubok nito. Bumuntong hininga siya tsaka naghanda. Sinagi nito ang arrow na pinalipad ni yeonhee, pagkasabay nun ang pagsugod ni soobin. Nagpalipad ulit si yeonhee ng arrow na iniwasan nilang dalawa ni soobin. Sa pagiwas na iyon ay nakatakas ni dongmyeong at tumakbong umatake kay cya, dahil sa gulat nito may lumabas na electric sa kamay nito at nakuryente si dongmyeong. ""dongmyeong!" sigaw ni xion at lumabas sa pinagtataguan nitong puno.
Inalalayan niya ito tumayo. "Sir naman kasi! Ang sakit nun" reklamo nito at hinawakan ang braso nito. "ok ka na?" tanong ni cya, tumango si dongmyeong at naghanda ulit. hahablutin niya na sana ang kwintas ng kambal, dahil nakaalalay pa rin sakanya si xion, ngunit sobrang bilis ng reflex ni xion nakuha niya ang arnis na hawak ni dongmyeong at ayun ginawang pangsaggi sa kamay ni dongmyeong. Naglakad naman ito backwards palayo kay dongmyeong, ang arnis ay nakaturo pa rin dito. Nailing si dongmyeong sa reaction nito. Si cya naman ay ginamitan ito ng bilis para mahablot ang kwintas nito.
"yehey!" masayang nagtatalon si yeonhee dahil nakuha ni cya ang kwintas ni dongmyeong, ibig sabihin talo si dongmyeong sa pagsubok na ito. Cya hugged him afterwards. "Ang galing mong umarte dun," sarkastokong tugon ni keonhee sakanya at pinagtawanan ito. "anong arte dun? masakit ang makuryente!" sigaw nito. "bakit ka kasi nanggugulat!" sabat ni cya. "tama na, tama na," sabi ni minho sa magkakaibigan.
"Nakahalati na tayo, gusto niyo ba magbreak na muna tayo?" tanong ni minho sakanila, nagsisangayunan naman ang lahat kaya naman pinahanda na ni minho ang kanilang tanghalian. Nagkwentuhan sila habang kumakain. "sino ang gusto sumunod, pagkatapos natin kumain?" tanong ni minho sa klasae niya. nagkatinginan naman ang lahat, "keonhee!!" sigaw ng magkakaibigan. Di naman mapinta ang mukha ni keonhee nung siyang ang tinuro ng mga kaibigan nito. "maghanda ka na, ang makakalaban mo ay si Y, jangjung at hwanwoong" sabi ni minho. nagkatinginan ang magkaibigang na magkatabi lang sa hapagkainan. Pagkatapos nilang magpahinga ay sumabak na agad sa pagsubok si keonhee na siyang panalo. "Ang bata na maraming nakakuha ng preteksyon, ikaw na ang susunod." sabi ni minho at tinignan si xion.
Tinuro ni xion ang kanyang sarili. "leedo, hwanwoong, yeonhee at syempre ang kambal mo, si dongmyeong" ngiting tugon nito. "sino ang gusto niyo bigyan ng proteksyon?" tanong ni minho sa apat. Ang apat ay tinuro lamang siya at ngumiti. "sir, anong gagawin namin?" tanong ni yeonhee, si xion ang unang trainee na gagawa ng pagsubok na may proteksyon. "tutulungan niyo si xion maprotektahan ang kanyang sarili at ang kwintas. Pag nakuha ang kwintas ng protector, bawal niya na protektahan si xion. pero pag si xion ang nawalan ng kwintas, game over agad." explain ni minho. tinapik ni leedo ang balikat ni xion. "ang makaaklaban lahat ng natira" ngising tugon ni minho. "anim ang kalaban namin?!" sabay na tugon ng kambal. "except kay cya. 5 vs 5"
pinalibutan ng apat si xion, ang lima naman ay nagspread out pero nakapalibot pa rin kayla xion. Si yeonhee, hinanda ang pana nito, hinanda na rin ni dongmyeong ang arnis na gagamitin nitong pang atake, ganun rin si hwanwoong sa kanyang espada. minho blows his whistle, sabay na palipad ng pana ni yeonhee sa direction ni jangjun, ganun rin si keonhee dahil gamit rin niya ay pana, piliparan niya ng arrow si hwanwoong. si soobin naman ang sumugod kay xion gamit ang espada nito. out of xion's relex pinagsanga na naman niya ang pana rito. nag laban laban sila, si yeonhee minsan ay ginagawa na rin pangsangga ang kanya pana mula sa pagatake ni jangjun gamit ang kanya spear. si leedo naman at si yunseong ay parehas na barehands ang gamit, street fights. Si keonhee at si hwanwoong ay parang naglalaro lang, si dongmyeong at Y parehas na arnis ang gamit at pantay ang skill nila sa paggamit nito. Nahiwalay si xion sa apat.
Magpapalipad na sana si xion ng kanyang pana, pero agad na umatake si soobin sakanya. Inihagis niya ang pana at dinepensahan niya ang atakeng iyon gamit ang spada sa gilid ng kanyang pantalon. Maiinit ang labanan nilang dalawa, mabilis ang pagatake ni soobin. Nakuha ni Y ang kwintas mula kay dongmyeong, Si yeonhee naman ang nakakuha nng kwintas mula kay jangjun. "Xion!" sigaw ni dongmyeong nung napahiga ito sa lapag.
.Xion PoV.
nakahiga ako sa ground dahil sa pagiwas ng atake ni soobin, kaso naawalan ako ng balanse. Rinig ko ang pagsigaw ng kambal ko. pumikit ako at ginamit ang kapangyarihang maglaho, natutunan ko lang rin iyon nung kaylan. lumayo ako roon at nag appear sa gitna nila leedo at hwanwoong. Saktong naibagksak ni leedo si yunseong kaya kinuha ko agad ang kwintas nito, inapiran naman ako ni leedo. "si hwanwoong tulungan mo na" bulong ko rito at tinignan ang paligid. tinulungan ko muna tumayo si yunseong dahil iniwan na lang siya ni leedo nakahiga sa lapag.
Hindi ko alam ang nangyari, parang pumikit lang ako, nasa harap ko na agad si soobin at nakatutok sa akin ang spada nito. napalunok ako dahil ramdam ko ang dulo nun. hindi ako makakilos tinignan ko lang ang mata nito. Bago niya pa mahablot ang kwintas ko ay nagwhistle na si sir. Nakaramdam na lang ako ng pagalalay sa akin. "panalo ka" bulong nito. ako naman ay nilingon ko kung sino ang tumulong sa akin. "kuya Y.." halos pabulong kong tugon, ngumitti lang ito. Nagpatuloy ang pagsubok ni sir at ang huling sumalang rito ay si yeonhee. "Ewan ko ba, mukhang gusto ka talaga niya makasama at makilala.. soobin protektahan mo na ang iyong lady" mapangasar na tugon ni sir minho. Tinukso naman ito ng mga kaibigan ko.
Tinabihan ako ni Y sa pagupo at sa panonood ng pagsubok ni yeonhee. "Kilala mo ba si soobin?" biglang tanong nito. Humarap naman ako sakanya at tinignan ito ng may pagtataka sa mata. "ibig kong sabihin, kaibigan mo ba siya o naksama na sa ibang klase. yung mga ganun ba" sabi nito. umiling ako at tinignan si soobin malayo sa amin. "ako rin eh, base sa uniporme nito galing siya sa white castle. wala akong balita tungkol rito-" naputol ang sasabihin ni Y nung pinanliitan ko ito ng mata dahil di ko gets ang gusto niyang sbihin. "bakit?" ayan na lamang ang nabigkas ng bibig ko. ngumiti lang ito ng peke at nagkibit balikat. "anong gusto mong sabihin? anong gutso mo ipunto?" diin na tanong ko. "wala naman." depensa nito. "gusto lang kita tulungan" bulong niya pa na akala naman niya di ko maririnig.
Magtatanong na sana ako kaso nag whistle na sir. naglahad ito ng kamay para matulungan ako makatayo sa pagkaupo ko. Kinuha ko naman iyon at sinuklian siya ng ngiti. "Bigyan niyo ng palakpak ang iyong mga sarili, bigo man ang iba sa inyo ngunit hindi doon nasusubok ang inyong tapang. Ang pagsasanay na ito ay para sa dalawang bagay, kung paano niyo tignan ang isa't isa bilang kaaway at bilang kakampi." mahabang eksplenasyon ni sir. Nauna na ito maglakad. "tara" aya ni leedo. tumingin ako sa paligid ako na lang pala naroon kung hindi pa ako aayain ni leedo. lahat sila ay sinundan na si sir.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
YOU ARE READING
One
FantasyFan-fantasy story that i've been plotting and drafting. the story is out of this world, like OUT OF THIS WORLD dahil na sa isla sila kung saan namumuhay ay salitang 'kapangyarihan at mga maharlikang tao'. happy reading, stay safe, spread the good...