Chapter 9

1.5K 37 1
                                    

Nakatulala naman ako habang nag huhugas. Napapikit paako. Habang iniisip ko yung halik. Shit! hindi to maari may fiance nayung tao!

Pero bakit nya ako hinalikan?

Naiinis naman akong napasabunot sa buhok ko.

"Hala ate umaapaw nayung tubig!"

"Ay nako!" dali dali ko namang pinatay yung tubig. Umaapaw na pala. Hindi ko man lang napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Ayos kalang ate? bat parang tulala ka? dahil ba sa nasesante kanaman?" napatingin namn ako kay Cony inaasar nanaman nya kasi ako. Inirapan ko naman sya.

"Tumigil ka nga Cony. Hindi ako nasesante. Talagang binili lang yung bakery. Syaka gagawin nayung restaurant at isa ako sa mag tatrabaho don." pag mamayabang ko kahit hindi ako sigurado.

"Ay nako iwan ko sayo ate. Makaalis na nga. Mag lalaro pa kami ni bidong ng basketball." napataas kilay naman ako na para itong matanda kong makasalita. Eh grade 6 palang naman yun. Dali dali konalang tinapos ang pag huhugas ko. Nang matapos ako. Pumonta ako sa kwarto ko.

Napabuntog hininga naman ako dalawang araw na simula ng hinalikan ako ng Lennox nayun. Nakakainis na nakakahiya.

Ano kaya yung mukha ko nong hinalikan nya ako. Tsk paki koba

"Hayy!" naiinis naman akong napagulong gulong sa maliit kong kama. Na masakit sa likod dahil medyo luma narin to at matigas pa.

Nababaliw na ata ako part of me nagu-guilty ako dahil kaibigan ko si Query at hinalikan ako ng fiance nya ako namang si pisteng marupok tumugon sa pangalawang halik nya.

Hinalikan na nga ako pinunit pa ang damit ko. Akala naman nya ang rami kong pera pangbili ng damit.

Buti nalang wala si nanay at tita Jolly noong time nayun pag uwi ko. Dahil tatanungin talaga nilako kung kaninong damit yung sout sout ko non at pang lalaki pa. Iisipin ni tita Jolly non na nag 'pakingking' ako like duhh ang pangit words.

Wala ngayun si nanay. Nasa kabilang baryo sya. Nasa sideline work nya. Sabado kasi ngayun. Si tita Jolly naman nasa kaibigan niyang bakla nilibre syang mag out of town. Ayaw nya sa dahil hindi kami kasama. Pero ayos lang naman saamin na mag enjoy-enjoy rin sya.

Yung kapatid ko namang si Keisha nasa classmate nya gumawa ng project. Syaka si Cony ayun nag basketball kasama barkada nya. Kaya ako lang mag isa dito.

"Sassy!" napabangon naman ako sa sigaw nayun.

Inayos ko muna ang buhok kong nagulo dahil sa pag gulong gulong ko kanina. Bago ako lumabas. Nakita ko namang busangot na mukha ni aleng Madet na nakatayo sa bakuran namin.

"Ang tagal mo naman! bilisan mo nga ang init init!" reklamo nya. Eh? Bakit sinabihan koba sya na pumonta dito hindi naman.

"Eh bakit poba kayo naparito aleng Madet?" tanong ko dito. Napatingin naman ako sa hawak niyang lumang Nokia na cellphone.

"Yung kaibigan mo tumawag, saakin. Gusto karaw niyang makausap. Ohh ito." kinuha ko naman yung cellphon na inabot nya.

"Bat sainyo po sya tumawag?" nag tatakang sabi ko. Napataas naman ito ng kilay.

"Eh bakit may cellphone kaba? kinuha nya yang number ko, para raw kapag tumawag sya. Syaka wag kang ano hindi yan libre. Wala ng libre ngayun. Mag babayad ka ng 10 isang oras." napangiwi naman ako buraot talaga tong mataba na bushugan nato.

"Oo na aleng Madet. Eh sasauli kolang to sa tindahan nyo kapag tapos nakong makausap."

"Syaka wag kang mag alala hindi koto itatakbo. Hindi naman to touchscreen" hindi kona hinintay pa na makasagot si Aleng Madet at pumasok na. Ang dami nanamn kasing sasabihin non.

"Hello?"

"Sassy its me Clea." Rinig ko sa kabalang linya.

"Ohh Clea napatawag ka?"

"Are you free tonight, im just wanna hung out to you."

"Free naman ako bakit? at saan?"

"I tetxt konalang ang adress hindi kasi free si Vin eh."

"Saan tayo pupunta?"

"Gusto kong uminom naiistress ang beauty ko. May problema ako." rinig ko sa kabilang linya. Hind lang ikaw ang may problema Clea ako rin. Gusto kong isatinig pero hindi ko magawa.

"Ok sege i text molang saakin what time at syaka adress."

"Alright bye."

Namatay naman ang tawag kaya lumabas ako ng bahay para isauli tong phone.

"Yung bayad." kumuha naman ako ng limang piso sa bulsa ko.

"Eh bat limang peso lang to?"

"Eh aleng Madet hindi naman umabot ng isang oras gaya ng sabi nyo. Binilang kopo. Limang minuto lang po yung nagamit ko. 5 peso nganp po yung binayad ko sainyo eh."

"Sege napo Aling Madet bye!!" sabi ko at nag lakad na.

Sigurado nanaman kasing bubungangaan ako non. Kala monaman nanay ko.

Sanay narin naman ako doon ganon na talaga sya hindi lang saakin kundi sa iba rin lalo na kung nagungutang sakabya at matagal bayaran gaya nalang namin.

Nang dumating ang hapon nag handa naako. Nandito narin si nanay.

Nakapag paalam ako sakanya na aalis ako mamayang 7 yun ang txt ni Clea. Susunduin nalang daw nya ako sa kanto hindi na sya makakapunta dito.

Pinayagan naman ako ni nanay dahil kasama ko naman si Clea.

Matapos kumain naligo na ako.

Nag sout ako ng high waist pants at black tube. Ito yung bigay saakin ni tita Jolly. Noong 18 birthday ko. Maganda naman sya pero medyo ipit na ngalang dahil 2 years narin to saakin at medyo gumanda yung katawan ko.
Chos!
Syempre pintungan ko ng jacket.
Gabi narin kasi.

Nang makalabas ako sa bahay ang sarap gupitin ang mga bibig ng kapitt bahay namin sa mga chismosa. Pinag chi-chismisan banaman ako.

Nakita ko naman si Clea as usual social manamit. Nakasout sya ng fitted dress na halos makita na yung cleavage nya pero bagay naman sa kanya.

"Ang tagal mo!" untag nya saakin.

"Nag bihis pa kasi ako." binuksan ko naman yung kotse nya.

Sinimulan naman niyang paandarin ang kotse.

"Saan pala tayo pupunta?"

"Bar. I want to get drunk, sinama kita para naman kapag malasing ako nandiyan ka."

"Wow, sinama molang pala ako para may alalay ka." kunwaring nag tatampong sabi ko. Natawa naman ito.

"Haha kidding."

Tahimik naman naming binay bay ang bar na sinasabi nya.

Nang makarating kami pinark muna ni Clea ang kotse nya bago kami lumabas.

Pag labas palang namin agad akong kinutuban dahil pamilyar saakin ang lugar o nag kakamali lang ako.

Nang marating na namin ang bukana na bar agad na lag lag ang panga ko.

Shit hindi ako pwedeng mag kamili dito ako nag da-dancer dati at kay Lennox ang bar naito.

"Hey what wrong?" tanong ni Clea saakin habang nakunot ang noo.

"Ahh..wala naman." medyo kinakabahang sabi ko.

Pinapasok naman kami ng guard
Gusto konalang talagang tumakbo at iwan si Clea. Pero nakakahiya naman kung gagawin ko yun. Sana naman wala si Lennox ngayun. Hindi ko sya pwedeng makita dahil baka makahalata si Clea nag iiwas ako ng gulo!

MR. Billionaire got me pregnantWhere stories live. Discover now