25.

432 20 7
                                    

"No, you stay here, hun."

Paulit-ulit 'yang naglalaro sa utak ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako kanina o maiinis sa ginawa ni Sol. Nag-uusap sila ni Charles habang hawak niya ang kamay ko. Tama bang gawin niya 'yon sa harap ng boyfriend niya?

"Magi, frappe ko, ah!" Paalala ni Kanao kay Magi.

Nandito kasi kami ulit sa Solana's dahil nag-aya sila. Nagutom na sila. Sumama ako dahil gutom na rin ako.

"Maghintay ka!" Sigaw ni Magi sa kaniya.

Natahimik naman siya. Hinintay lang namin na ma-serve ang pagkain namin. Sliced cake ang sa 'kin at may iced tea rin. Breakfast pa lang naman, e.

"Ambag niyo para sa lunch." Inilahad naman ni Magi ang kamay niya.

"Akala ko ikaw na bahala ro'n?" Paglilinaw ni Heather.

"Oo nga, ako na bahala dahil ako ang magluluto at kusina ko ang gagamitin. Ambag niyo, dali! Magpapabili na ako ng ingredients. Anong gusto niyong ulam?"

Nagsabi na lang sila kung ano ang gusto nilang ulam. Nag-ambagan kaya nag-abot na sila ng pera kay Magi.

"'Yon, oh! Sobra!" masayang sabi ni Magi habang nagbibilang ng pera.

"Hati tayo!" sabi naman ni Kanao.

Tumawa sila kaya nakitawa na lang din ako. Nag-stay muna kami sa hotel rooms namin habang hinihintay na tumawag si Magi para sabihing kumain na kami. Si Heather ata ang katulong niyang magluto. Sila Avery at Sam kasi nags-sunbathing pa.

"You can talk," sabi ko kay Sol dahil parang gusto niyang magsalita pero ayaw niya akong istorbohin dahil may ginagawa ako sa laptop ko. "Masyado tayong tahimik dito."

"Uhm... Can we watch? May nakita akong bagong movie," sabi nito kaya isinara ko muna ang laptop ko at tumango.

Kinuha niya naman ang laptop niya at naghanap ng mapapanood. Dumapa kaming dalawa at inilapag ang laptop niya sa harap namin.

Nanood lang kaming dalawa at nabalot ulit kami ng katahimikan. Tanging ingay lang mula sa laptop niya ang naririnig namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong napatingin sa kaniya. Ang ganda niya lalo. Mas naging mature ang hitsura niya.

"What?" Bigla siyang tumingin sa 'kin kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko sa pinapanood namin at umiling.

Ganoon din ang ginawa niya. Pagkatapos naming manood ay inaya ko na siya pabalik sa Solana's para tumulong kami ro'n. Parang ang tagal kasi nila.

"Tapos na kayo?" tanong ko kay Heather nang makita ko siyang kakalabas lang ng kusina.

"Oo, mags-serve na lang. Pakitawagan na nga sila," sabi ni Heather na ikinatango ko.

Tinawagan ko sila sa GC at sinabing may pagkain na. Tumulong na rin ako sa paghahain ng mga pagkain. Naunang dumating sila Kanao. Sumunod naman ang iba at sabay-sabay kaming kumain. May ilang costumer na dumating kaya inasikaso pa ni Magi. Sa huli, ibinilin niya rin naman sa staff niya para makakain siya.

Nagpahinga na lang kami pagkatapos kumain. Nag-aya na rin sila sa beach kaya sumama na kami.

"Aray! Masakit, hoy!" Angal ko dahil sinabuyan ako ng tubig ni Leighnash at napunta 'yon sa mata ko.

Sinabuyan ko rin siya para gumanti. Sapul! Nasinghot niya 'yong tubig kaya pumasok sa ilong niya. Namula tuloy 'yong ilong niya. Ang lakas naman ng tawa ko dahil sa hitsura niya.

"Leighnash, the red nose alien!" Pang-aasar ko pa kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Nakitawa naman ang iba.

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now