27.

459 23 9
                                    

"Good morning."

Inaantok pa ang boses ni Soleil pero nagising pa rin ako dahil nagsalita siya. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ang dangal at puri ko! Pumayag ako na angkinin niya ako kagabi?! Pinagsamantalahan ba naman ako! Pero syempre gumanti ako ulit kaya sa huli, siya pa ang napuruhan. Parang gusto ko na lang sabihin na nakalimutan ko lahat pero pa'no? Hindi naman ako lasing kagabi para hindi ko maalala ang nangyari. We're sober. Completely sober!

"Morning," sabi ko pa rin.

Tumayo na siya at nag-umpisang maglakad. Magsisipilyo ata. Wala pa siya sa kalagitnaan nang matigilan siya sa paglalakad. Umupo na lang siya sa couch at tumingin sa 'kin. Naka-pout pa.

"'Yong totoo? Daliri lang ba talaga ginamit mo o ano?" tanong niya sa 'kin habang naka-pout pa rin. "Masakit." Kumikinang pa ang namumuo nitong luha sa mata.

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Inaantok pa sana ako pero tumayo na lang ako at pumunta sa direksyon niya. Natatawa ako sa hitsura niya. Paano kasi, naka-bra't panty lang siya ngayon. Tinamad na siya magbihis kagabi kaya hinayaan niya nang ganyan ang hitsura niya. Buti nakapagbihis ako kagabi. Kung hindi, baka pareho kami ng hitsura ngayon.

"Pabebe ka," natatawa kong sabi bago siya binuhat.

Pinaupo ko siya sa countertop katabi ng lababo. Kinuha ko ang toothbrush niya at nilagyan 'yon ng toothpaste. Kumuha ako ng baso ng tubig at pinamumog 'yon sa kaniya.

"Iiiii," sabi ko para gayahin niya ang hitsura ng bibig ko.

Aba, teka, bakit ako ang nagsisipilyo sa batang 'to? Aba, aba, aba!

"Pabebe ka lang, e. Mag-toothbrush ka mag-isa!" Pinitik ko ang noo niya at binigay sa kaniya ang toothbrush niya.

"Ouch, why do you have to flick my forehead?!" Angal nito.

Nag-toothbrush na siya mag-isa habang pinapanood ko siya. Gusto kong matawa sa hitsura pero hindi ko magawa. I adore her!

Antok pang nagsisipilyo, e. Kinukuskos pa ang mata niya habang matamlay na nagsisipilyo. Dinura niya na 'yong bula sa bibig niya at nagmumog. Nang matapos siyang magsipilyo ay binuka niya naman ang mga braso niya.

"Ano 'yan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ibalik mo ako sa kama!" Utos nito na ikinatawa ko.

"Sumusobra ka na, ah! Maglakad ka na lang!" natatawang sabi ko.

Umirap ito. "You don't feel the pain."

Bakit naman parang kasalanan ko pa?

"Magt-toothbrush pa nga ako, e!" sabi ko.

"E 'di mag-toothbrush ka muna," sabi niya naman.

Nagsipilyo muna ako bago bumalik sa countertop kung saan siya nakaupo. Hindi pa talaga siya umaalis do'n.

Umiling na lang ako at tumalikod sa kaniya. Sinenyasan ko siyang pumasan na lang sa likod ko at 'yon naman ang ginawa niya.

Nakaisip ako ng kalokohan kaya ibinagsak ko siya sa kama. Tawa naman ako ng tawa. Nang lingunin ko siya ay masama ang tingin nito habang nakahawak sa ulo niya.

"An'yari sa 'yo?" natatawang tanong ko.

"Nauntog ako!" Parang iiyak na ito. Mukhang napalakas ang untog niya, ah.

Natawa na lang ako. Umupo ako sa tabi niya at hinalikan siya sa tuktok ng ulo niya.

Nagulat ako nang hablutin niya ang buhok ko at pilit akong iniuntog sa pader. Masakit! Marunong na 'to gumanti, ah!

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now