Manika
© 2020 by Cristine Gil
Nag-iimpake ako ngayon ng gamit dahil lilipat kami ni Mama ng bahay. Binenta na ni Mama ang luma naming bahay at titira na kami sa Australia, kung saan naroon ang 8-years boyfriend niya.
Matagal na nang sumakabilang-buhay si Papa kaya ayos lang sa akin na mag-mahal ulit si Mama. Alam ko naman na never mawawalan ng pwesto si Papa sa puso ni Mama. Ang mahalaga masaya kami at ligtas. Sigurado ako na iyon din ang gustong mangyari ni Papa.
***
Tapos na kami mag-impake ni Mama. Lahat ng gamit namin ay nasa loob na ng kotse. Sumakay na kami ni Mama, naka-upo siya sa driver's seat at ako naman sa passenger's seat.
Habang tinatahak namin ang daan ay papikit-pikit ang mata. Napuyat nanaman kasi sko kaka-nood ng kdrama. Napansin siguro ni Mama na medyo inaantok ako kaya pinapatulog niya muna ako.
"Medyo malayo-layo pa naman tayo sa Tita Bonnie mo kaya pwede ka pa umidlip," wika ni Mama.
Nakalimutan ko pala sabihin na bago kami lumipad ng Australia ay magse-stay muna kami ng ilang araw sa kapatid ni Mama na si Tita Bonnie, kasama ang lalaking anak nito na si Kuya Erik. Kahapon ko lang nalaman na may natitirang anak pa pala si Tita Bonnie dito sa Pilipinas. Ang alam ko kasi nasa ibang bansa na lahat ng mga anak niya.
***
Naramdaman kong ginigising ako ni Mama. Nakarating na kami sa tapat ng bahay nina Tita Bonnie. Simple lang ang bahay at hindi kalakihan kung titignan sa labas, pero pagpasok namin sa loob mas malawak pa ito kaysa sa bahay namin.
"Boni-ni!!!" tawag ni Mama kay Tita Bonnie.
"Feya-tot!!!" tawag naman ni Tita Bonnie kay Mama.
Ang cute ng tawagan nila noh?
Sinalubong kami agad ng yakap at halik ni Tita Bonnie. Halatang ang tagal na nilang hindi nag-kita at miss na miss na nila ang isa't-isa.
"Naku! Ang laki-laki mo na, Jill. Dalagang-dalaga na ang pamangkin ko!" sabi ni Tita Bonnie sa akin.
Halos lahat naman ng mga kamag-anak namin ay ganiyan ang sinasabi sa akin. Ngiti lang ang sagot ko kapag sinasabi nila sa akin iyan.
Tinawag ni Tita Bonnie si Kuya Erik para ipakilala sa amin. Pababa pa lang ni Kuya Erik ng hagdan, iba na ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko hindi ko siya magiging close. Hindi naman kasi approachable yung aura niya.
"Erik, ito ang Tita Feya mo at ang anak niya, si Jill," wika ni Tita Bonnie.
Unang tumingin sa akin si Kuya Erik, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka sa mata ko. Saka siya tumingin kay Mama, ngumiti at nagsalita ng "Welcome po." Ningitian din siya ni Mama. Nagpaalam si Kuya Erik na babalik na sa kwarto niya. Hinayaan siya ni Tita Bonnie at nagpatuloy na sila ni Mama sa kwentuhan. Pero bago pa man siya maka-akyat ng tuluyan, tinawag ulit siya ng Mama niya.
"Teka, Erik! Paki-buhat muna itong gamit ni Jill. Ihatid mo muna siya sa magiging kwarto niya," utos sa kanya ni Tita Bonnie.
Hindi nagsalita si Kuya Erik. Dumiretso lang siya sa gamit ko at binuhat ito pa-akyat. Sinabihan ako ni Mama na sundan siya kaya umakyat na din ako.
Pagdating sa kwarto, nilapag ni Kuya Erik ang gamit ko at naglakad na. Huminto siya sa may pinto at nagsalita.
"Kwarto ito noon ni Ate Cloy kaya puro pink ang gamit sa loob."
Iginala ko ang paningin ko. Tama siya, halatang babae ang huling gumamit ng kwarto. Mula sa wallpaper hanggang sa mga figurines at manika ay puro pink ang kulay.