26.

450 24 8
                                    

"Argh! Tanginang hangover!"

Napamura ako sa sakit ng ulo nang bumangon ako. Mukhang napalaban ako kagabi, ah. Sana wala akong kalokohang ginawa. Mabait naman ako, e.

Inabutan ako ni Sol ng gamot at baso ng tubig. "Bunganga mo na naman." Sermon ba 'yon?

Ininom ko na lang ang gamot at tumayo na para ayusin ang hitsura ko. Nagsipilyo ako at naghilamos. Sabi ni Sol, pinapapunta raw kami sa Solana's para mag-almusal.

Nagbihis na lang ako at nagpabango dahil baka amoy alak pa ako. Binigyan ako ng gum ni Sol na mint ng flavor kaya nginuya ko 'yon habang papunta kami sa Solana's.

"Anong oras tayo uuwi?" tanong ko. Baka kasi gusto pa nilang mag-stay hanggang gabi.

"Mauuna na kami. Nilalagnat si Mara, e." Paalam ni Heather.

"Uwi na lang din tayo mamaya," sabi ko na lang tutal uuwi na rin sila Heather.

"Ayaw mo nang uminom?" ngising tanong ni Magi. Hindi ko makuha kung nang-aasar ba siya o ano kaya umiling na lang ako.

"'Wag mo nang ayain, pre. Baka magmaktol," sabi naman ni Leighnash.

Bahala sila. Hindi ko maintindihan ang usapan nila.

Bumalik na lang kami ni Soleil sa room namin pagkatapos kumain. Nauna siyang naligo kaya naghintay muna ako at naupo sa kama hawak ang cellphone ko. Nag-post na rin ako ng pictures namin kahapon na sinend ni Heather sa GC.

cxless: chill muna mga buang.

Naligo na rin ako pagkalabas ni Soleil. Nagsuot na lang ako ng sweatpants at oversized shirt dahil uuwi na lang naman kami.

Magkasama ulit kami ni Soleil sa kotse. Sabi niya, ihatid ko raw siya sa condo niya. Nagc-condo na pala siya ngayon. Akala ko nakatira pa rin siya sa bahay nila.

"Caless..."

Nilingon ko siya. Mukhang nag-aalangan siyang bumaba.

"Can you... Stay in my condo until tomorrow?" nahihiya pang tanong nito.

"Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"No, it's okay kung ayaw mo. Una na 'ko-"

"I just wanna know why," sabi ko para putulin ang sinasabi niya.

"Nothing much. Ayo'ko munang mag-isa sa unit, e. Ang boring," sabi nito at nagkibit-balikat pa.

"Bakit kasi hindi ka na lang umuwi sa bahay niyo?" tanong ko ulit.

Napaiwas siya ng tingin. "Magulo," simpleng sagot nito. "Basta magulo."

Tumango na lang ako. "Mauna ka na, kukuha lang ako ng gamit sa bahay."

Tumango rin siya at kinuha na ang mga gamit niya. Nang makababa siya ay saka ako pumunta sa bahay. Kumuha lang ako ng damit at ilang gamit gaya ng toothbrush at mouth wash. Iniwan ko naman ang mga gamit na hindi ko na kailangan kagaya ng maruruming damit.

"Mama, 'wag niyo na akong hintayin mamaya. Hindi muna ako uuwi, nagpapasama kasi 'yong kaibigan ko. Wala raw siyang kasama sa bahay," sabi ko kay Mama.

"Ingat."

Nginitian ko siya bago ako umalis at bumalik sa condo ni Sol. Sinundo niya ako sa hallway dahil hindi ko naman alam kung anong unit niya. Basta ang alam ko, third floor 'yon.

"Anong gagawin natin? Nood tayo?" tanong ko habang naglalakad kami papasok sa unit niya.

"Yep. Dating gawi," sagot nito.

Mukhang prepared pa nga siya. May bowl sa coffee table at may laman 'yong fries. May iced tea na rin sa tabi no'n.

"Nice. Medyo hindi ka prepared," natatawang sabi ko.

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now