[50]

328 31 1
                                    

[50]

9:15 PM

Key:
Eh, kumusta na yong anak natin?

Analiah:
Yuck ano yun

Analiah:
Wdym

Key:
Si Lorono?

Analiah:
Obviously, namatay na siya

Analiah:
Matagal na

Analiah:
Napabayaan ko kasi, five years old na siya noon pero

Analiah:
Nasagasaan ng tricycle. Ingat na ingat ako no'ng iginagala ko siya sa palengke pero nakaalpas siya sa tali niya nang hindi ko napansin hanggang marinig kong sumigaw yong mga tao, may kausap kasi akong tindera

Analiah:
Nakita ko na lang siyang duguan sa kalsada, nabangga na pala

Key:
Luhhhhh : (

Analiah:
Sorry Key kung namatay ah pero maniwala ka, inalagaan ko talaga siya,

Analiah:
Mahal na mahal ko yun eh

Analiah:
Kayakap ko pa siyang matulog noon. Nagagalit pa nga si Mama kasi imbes na yong ate ko yong katabi ko, si Lorono haha Ako yong nagpapakain, nagpapainom at minememe ko pa siya kapag matutulog. Tas tuwing uuwi ako ng bahay galing sa school, sumasalubong siya, dadambahan niya ako at didilaan sa mukha

Analiah:
Teka lang, naiiyak ako. Siya lang kasi yong aso na tumagal sa akin at pinaka importante sakin

Analiah:
Naiiyak ako kapag naaalala ko yong itsura niya noong nabangga siya, kulay puting puti pa man din siya tas naliligo na siya sa dugo, dilat na dilat din yong mga mata niya

Analiah:
Hindi ko siya nailigtas sorry walwal

Analiah:
Naiiyak talaga ako, anoba

Key:
Edi ang sakit?

Analiah:
Sobra!!! As in! Iyak ako nang iyak noon eh

Analiah:
Kailangan pa bang tanungin yan?

Analiah:
Nagkulong lang ako sa kuwarto, dalawang araw akong umabsent sa school

Analiah:
Kasi hindi naman basta aso lang si Lorono eh malaking parte na siya ng buhay ko. 5 years na siya sa akin hindi ko naman siya pinababayaan pero dahil nakawala lang siya, namatay agad

Analiah:
Nagbigay sigla siya sa pamilya namin kaso wala eh, ganoon na talaga : (

Analiah:
Parang tao na rin kasi yong mga aso, mahirap kapag namaalam na sila

Analiah:
Limang taon ko rin siyang nakasama, hanggang mag-grade 7 ako

Key:
Pagbalik ko diyan, gusto mo bigyan ulit kita ng aso. Babae naman

Analiah:
Huwag na hahaha busy na ako, hindi ko siya maaalagaan katulad kay Lorono

Analiah:
Saka baka mamatay na naman, ang hirap tanggapin, Key

Key:
Sayang papangalanan ko pa man din siya ng Lorona

Analiah:
Luh baliw hahahaha

Analiah:
Nakakatuwa

Analiah:
Hahahahhahaha legit yong tawa ko

Analiah:
Ang taba ng utak mo doon

Analiah:
Bumalik yung luha ko

Key:
Hahahahhahaha yun tumawa rin

-----

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon