POSIBLE PALA

27 0 0
                                    

Unang kita ko sayo
Iba na pintig ng puso
Iyong segundo naging minuto
usapa'y tatagal panigurado

Tinitigan ka't hinawakan
Saya'y di matumbasan
kahit ano pang usapan
di pagsasawaan

Kahit ika'y nasa kabilang dako
Di alintana gano man kalayo
Kausap kay parang bisyo
Ang hirap nang lumayo

Mga araw ay nagdaan
Tunay na saya'y naranasan
Lungkot ay nabawasan
pagiging sawi'y kinalimutan

Nang dumating ka lahat nagbago
Ugaling minsa'y di maitatago
Kinayang intindihin, di susuko
Dahil umasang magiging tayo

Buwan ay lumipas, ako'y aamin
Ipadama tunay na damdamin
Sana ikaw ay ganun din
Pinili ang ikaw ay mahalin

Oo, mahal kita sana'y tanggapin
Mga katagang nakakatakot banggitin
Sapagkat ayokong dalawa'y pagsabayin
Tulungan sana, sinong pipiliin

Utak ay magulo sino nga ba sa inyo
Puso'y salawahan di ko to ginusto
Pipiliting ayusin, lahat ay iwasto
Sapagkat ayoko makasakit ng tao

Bitawan ka'y di madali't masakit
Hirap at lito ang syang sinapit
Dating saya pinalitan ng pait
Ganun talaga, wag ng ipilit

Tanggapin natin na lahat ay may kapalit
Inakalang saya'y aabot hanggang langit
Yun pala ay panandalian lang, wag magalit
Ipagpasa Diyos, wag nang manakit

Kalimutan mo na, bumitaw kana
Hindi lang para sayo para din sa kanya
Importante napangiti ka, napangiti mo sya
Nagmahal ako ng dalawa, posible pala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POSIBLE  PALAWhere stories live. Discover now