Chapter 40: The Coronation
Shaine's POV
"Tonight we will be able to watch the coronation night that we are all waiting for, after a couple of hours we will witness the first public appearance of the first Grand Princess of Rallnedia."
Bawat paglingon ko sa sulok ng palasyo ay may mga kamerang nakabantay, mula sa gate hanggang sa entrance, maging sa mga pasilyo patungo dito sa event hall kung saan magaganap ang coronation. Kung ang traditional coronation sa apat na naging hari ng bansang ito ay ginanap sa sagradong simbahan, ito naman ang kauna unahang coronation na ginanap dito sa mismong palasyo.
"After the tragic fate of the last King Louise Achelles Wayler and Queen Elisita Wayler. We will now have their only daughter, the Grand Princess."
Nanggaling pa sa iba't-ibang lugar ang mga media na nandito ngayon upang saksihan ang kauna unahang public appearance ni Dia bilang Grand Princess, magkahalong kaba at excitement ang bumabalot sa dibdib ko sa mga sandaling iyon.
Maya maya pa ay napansin ko ang pagdami ng mga tao, mula sa entrance hanggang sa event hall. Napansin ko naman si Krish na kadarating lang kasama si Mr. Crane.
"My Lady."
"Change your gown, and Mr. Crane will you please guard the main entrance here?"
"Yes my lady." Pagkuway ay tumungo na rin kami agad ni Krish sa kuwarto.
.
.
.
"After coronation, isalaysay mo ang lahat ng nakuha mong impormasyon." Bulong ko kay Krish habang naghihintay sa pagpatak ng alas otso y media.
"Sigurado po ba kayo na darating ang Prinsesa? Ilang minuto na lang po bago magsimula ang coronation."
Ang totoo hindi ako sigurado kung darating si Dia, pero may kumpeyansa akong magpapakita siya ngayong gabi. Ngunit hindi ko alam kung anong oras.
Mahabang oras ang kailangan sa biyahe mula Pilipinas hanggang Rallnedia kaya kinakabahan pa rin ako sa kung anumang mangyari ngayong gabi.
"Cancellation of coronation is still a big issue a week ago. We still have no answer from the Duchess of Stania, Evelyn Mondragon. Are they avoiding this issue? Or do they have a reason to change of the schedule? Let's witness that tonight, we're live here in Aeshbrioul Palace, I'm Cait Sebastian your reporter for this evening."
Habang dumarami ang pagdami ng tao kasama na ang mga representative ng bawat city which is ang mga Duke at Duchess maging ang iba pang noble person ay sinimulan ng patugtugin ang dalawang trumpeta na isa sa pinakalumang musical instruments dito sa Rallnedia.
"Let us welcome her grace, Duchess Evelyn Mondragon of Stania!" Sabay sabay kaming napatayo ng marinig iyon, lahat ng atensyon namin ay nakapukaw sa right hall kung saan may kurtina na kulay pula habang naghihintay sa paglabas ni Duchess Eve para sa opening remarks.
Umupo na kami sa assigned chair namin nang makalabas ni Duchess Eve mula sa kanang bahagi ng pasilyo. May ngiti sa kanyang labi na tila ba hindi nag-aalala sa susunod na mangyayari.
"Good evening to each and everyone, a warm welcome to every royalties and nobles gathered tonight for the coronation here at Aeshbrioul Palace. Tonight marks the 25th year that the throne of Rallnedia remains vacant after the fate of the late King and Queen on September 5, 1995, if we look back at the achievements of our late King and Queen they will never be able to reciprocate their sacrifices to keep our country in peace and have a future. Based on the survey when they were still alive, it is undeniable that they were the last leaders who fought for justice for the sake of this country."
BINABASA MO ANG
Unexpected Royal
Mystery / ThrillerPaano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madrigal, dragon kung magalit pero mabait, simpleng babae pero maarte minsan lang naman kapag trip niya, may ginintuang puso at mabuting kalooba...