THIRD POV
"Putang ina ka Troy, bwesit ka" Gigil at sigaw na puno ng galit ni Riza ng makauwe ito sa tinutuloyang Condo unit. Nagkalat din sa sahig ang mga basag na paso at iba pang gamit dahil pinagtatapon niya ito. "Sisiguradohin kong magsisi ka sa ginawa mong ito Troy Chaves. Magiging akin ka din" sabi niya ulit sa sarili at umalingawngaw ang kanyang tawa at pagkaraan lang din ng ilang saglit ay napaiyak naman ito. "Mahal kita, mahal kita piste kang Troy ka" ani niya habang hamagolhol ng iyak tapos tatawa ulit tapos iiyak.
Tumayo din ito at naglakad papuntang kosena tapos kumoha ng isang bote ng wine hindi narin ito kumoha ng wine glass at linagok niya ang laman nang bote ng walang pagaalinlangan.
Gulat naman ang tumambad may Alberth ng pumasok siya sa condo unit na pagmamay-ari ni Riza. Tumambad sa kanya ang mga nagkalat na gamit at basag na paso. Agad din siya tumongo sa kwarto ng kabahayan at wala naman doon si Riza kaya dumirtiso siya sa kusina at doon nakita niya ito na may hawak na isang bote ng wine at doon niya ito iniinom.
Galit yon ang nararamdaman niya ngayon at selos dahil alam niya sa sarili niya na si Troy ang punot dulo ng lahat.
"Hey Thats Enough" pagpipigil niya dito at pilit inagaw ang bote.
"No wag mo akong pigilan Alberth akin na yan" pagpipigil nito kay Alberth pero hindi nagpatinag si Alberth at inagaw parin niya ang bote. Ng maagaw ay ka agad niya ito sa lalagyan. Napailing nalang din siya ng mapansing konti nalamg ang laman.
Medyo natamaan naman si Riza kaya pasuray suray nalang ito na naglakad papuntang sala kaya dali dali ding sinabayan ito ni Aberth at dinala nalang sa Kwarto nito para makapagpahinga.
Mahimbing na nakatulog si Riza kaya mataimtim itong pinagmasdan ni Alberth.
"Bakit kasi sa kanya kapa nagmahal Ja-Riza" ani nito at siniil ng halik ang dalaga.
Kusa din siya bumitaw rito at tinanggal ang soot na sandal at linagyan ng kumot.
Si Alberth na din ang naglinis sa kalat na ginawa ni Riza pagkatapos ay umalis siya dahil may trabaho din siyang kailangang gawin.
Napabalikwas namn si Riza sa kanyang kinahihigaan at walang sabi sabing tumayo ito at tiningnan ang petsa sa Kalindaryo sa kanyang cellphone
Napamura siya ng mapansing Feb. 8 na pla kaya dali dali siyang tumayo at hindi na nakapagbihis na bumaba sa parking lot at agad na pumasok sa kotse't pinaharorot ito sa kanyang distinasyong dapat puntahan.
Isang masukal na daan, matataas na damo at mga kahoy na malalaki. walang kabahayan at tanging ingay ng kalikasan ang maririnig.
Sa putik na daan at medyo may kadiliman ng paligid ay binabaybay ni Riza ang isang masukal na paligid.
At sa kalayuan ay tanaw niya ang isang lumang gate na nababalotan na nadin ng lumot at damong nakadakit dito. At mas tumambad sa kanya ang kalooman ng gate dahil sa ilaw mula sa kanyang kotse.
Huminto mona siya sa harapan ng gate at binuksan ito. Kasabay ng pagbukas niya ng Gate ay ang pagalingaw ngaw ng isang ingay mula sa pagpihit niya sa lumang gate. At ang pagdalaw ng magkasunod na gilid at kulog.
Sa pagkakataong iyon ay isang malaking bahay na kita mo din ang katandaan ang tumambad sa harapan ni Riza. Dahil sa kidlat at kulog ay tela nabigyang buhay ang bahay.
Agad na bumalik siya sa kayang kotse at pinaandar ang sasakyan. Binaybay ang daan papunta sa likod nitong malaking bahay at doon ay mayroon dalawang medyo may kaliitan na sementong bahay na magakaharap pero may kalayuan ang distansiya.
Pumara siya sa isang malapit na bahay kita namang kahit may kalumaan ay maganda rin naman.
Lumabas siya sa kanyang sasakyan tapos kinuha ang baril na nakalagay lang din sa maliit na box sa kanyang kotse, cellphone at flashlight. May dala din siyang pagkain at tubig.
Binaybay niya ang daan papunta sa isang bahay na katapat lang din ng kanyang pinaradahan na kotse.
Medyo mataas ang damo papunta doon at may kadiliman na din. Subalit walang takot ang namoo sa kanyang isipan.
Napangiti siya ng marating ang bahay at agad ding pumasok.
Pinihit niya ang pintuan at isang maalingasaw na amoy ang tumambad sa boung paligid. Hindi ito nararamdaman ni Riza.
Agad siyang pumonta sa isang kwarto na ang pader ay isang glass kaya kahit nasa labas ka ay kita mo kung anung meron sa loob.
At doon ay may isang nakahigang tao at mahimbing na natutulog.
"Hi" ani niya dito at inilapag sa mesa ang dala.
Nagising naman ang babaeng nakahiga at masayang yinakap siya.
"How is the plan" ani ng babae
"Working on it" tugon naman ni Riza.
"Salamat Riza ipaghigante mo ako, Dahil na agrabyado ako" ani ng babae at galit naman ang namou sa isipan ni Riza.
"Wag ka mag alala dahil hindi ako titigil hanggat hindi kita naipaghihigante" turan ni Riza at muling yinakap ang babae.
Hindi na rin siya nagtagal at nagpaalam sa babae. At bago siya umalis ay pinagmasdan niya ang boung kwarto at doon tumambad sa kanya ang mga pagkaing nabubulok na at kita mong hindi ito ginagalaw.
Ngumiti siya rito bago tuloyang umalis roon. Habang binabaybay ang dan pabalik ay naramdaman ni Riza ang paglandas ng kanyang mga luha.
"Hindi ako susuko ipaglalban ko ang nangyari sayo" sabi niya ulit sa sarili at dali daling pumasok sa isang bahay at agad na naligo at nagbihis.
Mr_Nobody
Y.YShort Ud.
BINABASA MO ANG
Red and Wine V3
RomanceThere is nothing more painful than a cut almost being healed, only to be reopened again. Don't try to wait out the healing process without a BandAid; ask the question that needs to be asked and find the answer that you needed. After two years, He is...