𝙼𝙾𝙳𝚄𝙻𝙴

3 1 0
                                    


"MODULE"anim na letra na sobrang nakakastress

"Hi my name is Krisha,for short Krishie"
Busy ako sa pagsasagot sa module ko,di ko namalayan na 10 pm na pala sa sobrang pagkabusy ko ay di ko na talaga namalayan ang oras

tumayo ako saglit para magtimpla ng kape at kumuha ng makakain sa kusina namin

ng makarating ako sa kusina namin ay agad akong nag init ng mainit na tubig,t kumuha na din ako ng Kape at pagkain sa cabinet namin

mga ilang minuto lang ay kumulo na ito at agad ko ng itinimpla ang kape ko,ng matapos ko na ang pagtitimpla ay bumalik na ako sa table ko saan naroon ang aking module

Mga ilang minuto lang din ang pagpapahinga ko kaya nag sagot na ulet ako ng module ko,sa di ko inaasahan ay biglang nag pop ang messenger ko

"Hi"chat ng isang di ko kilalang lalaki

"Hello"sagot ko sakanya

"Kamusta?"tanong nya sakin

"Ahmm Ok lang,ikaw ba?"sagot ko sakanya

mga ilang oras din kaming nag chat,ng di ko na namalayan na 1 am na pala ng madaling araw,nawili ako sa ka chat ko dahil ang sarap nyang kausap kaya di ko na nasagutan ang module ko,ilang minuto ng bigla akong magpaalam sakanya agad naman syang pumayag at dun na nagtapos ang usapan namin

bumalik ang focus ko sa module at muli akong nag sagot madami pa tong sasagutan ko dahil sa susunod na araw na ito ipapasa kaya minamadali ko na.

*Kinaumagahan*

7:30 ng magising ako,di ko alam na nakatulog na pala ako at dito pa ako sa mismong table ko ako nakatulog

kumatok si mama sa pintuan ng kwarto ko at agad akong tumayo para buksan iyon.

"oh anak tanghali na ah?"sabi sakin ni mama

"Opo ma eh,di ko na din namalayan na nakatulog na pala ako"sabi ko naman sakanya

"tara na mag ayos kana dyan para makapag almusal kana"sabi sakin ni mama

"sige po Ma,sunod nalang ako"sagot ko sakanya

lumabas na agad si Mama,tapos ako naman nag ayos na din ng mga gamit ko,kasi mamaya mag momodule na ulet ako dahil bukas na ang pasahan namin,bigla akong may napansin sa Cp ko.

Bigla kong naalala yung ka chat ko kaninang madaling araw,andami nyang message sakin at andaming calls din,nagtataka aki kakakilala palang namin neto pero bakit ganto sya?

ng biglang pumasok yun sa isip ko ay balak ko na sanang i seen pero bigla akong tinawag ng kapatid ko para kumain

"oo eto na lalabas na"sagot ko sa kapatid ko

ng lalabas na ako sa kwarto ko ay biglang may tumawag sakin,pero di ko sinagot kasi pinapakain na ako ni mama iniwan ko lang cp ko sa table ko

"Hi,Good morning"bati ko sa kanila

"Hi ate good morning din"sagot naman ng kapatid ko

"Oh nak,kain kana dyan"sabi naman sakin ni mama

"si papa?"tanong ko

"umali na kanina pa"sagot naman ni mama

kumain kaming tatlo ni mama at ng kapatid ko,ang saya kasi kasama ko na ulet sila kumain

"kamusta naman module mo nak?tapos kana ba?"tanong sakin ni mama

"ayos naman Ma,kunti nalang sasagutan ko bukas na pasahan namin eh"sagot ko kay mama

"sige pag igihin mo yan ah,wag mong i stress ang katawan mo ng dahil sa module"sabi sakin ni mama

"opo naman ma,kaya ko to ako paba"

mga isat kalahating oras din kaming nagkwentuhan nila mama,at bumalik na ulet ako sa table ko para mag sagot sa module ko napansin ko ang Cp ko andami ng messages and calls kaya tinignan ko na ito

"Hoyyy Krishie,gising kana?"tanong sakin ng lalaki andami nyang chat sakin pero di ko nireplayan kasi naka focus lang ako sa modules ko.

mga ilang oras din ang nakalipas kaya nagpahinga muna ako,at kinuha ko ang Cp ko at nag bukas ng Fb

nagulat ako sa isang balita tungkol sa isang Estudyante na nagpakamatay dahil sa Modules lalaki yun binasa ko ang article about sa balitang iyon at nagulat ako dahil ang lalaking nagpakamatay ng dahil sa module ay ang lalaking nag cha chat sakin bigla akong nang hina sa nalaman ko di ko inexpect na mangyayare at gagawin nya yun.

nakwento nya sakin na andami nyang modules na gagawin may mga thesis at research sila na gagawin at may mga essay.

Kinuwento nya sakin lahat lahat na di na daw nya kaya ang mga modules nya kasi nagpupuyat sya tapos ang baba daw ng grades nya naitindihan ko sya sa part na yun pero di ko gusto ang ginawa nya may sinabi sya sakin na kapag daw sya nangulet yun na daw ang huli nyang chat nya sakin kakakilala palang namin pero ang sarap nyang kausap di ko pa sya kilala ng buong buo pero ramdam ko na ang bait nya.

narealize ko na di dapat pinagpupuyatan ang module,
oo nakakastress ang module pero once na pinag aralan mo to at gugustuhin mo di papasok sa isip mo ang ganung bagay,siguro kaya nya lang nagawa yun kasi dahil pinupush sya na dapat ay maging mataas ang grades nya ang haba ng usapan namin habang nakakachat ko sya ang saya saya nya andami nyang pangarap na gustong tuparin,andami nyang gustong puntahan kaso lahat ng yun nawala ng dahil sa module.

sana di mangyare sakin ang ganung pangyayare,dahil kung papasok man yun sa isip ko lalabanan ko nalang iisipin ko nalang na laro lang to kaya ko to na malalagpasan ko din ito.

habang binabasa ko yung article at iniisip ang sinabi ng lalaking iyon ay naiiyak ako dahil sobrang sakit din para sakin ang nangyare sakanya.

may mga kabataan talaga na di kayang panghawakan ang mga ganung bagay,walang may kasalanan sa nangyare.

kaya sa nagbabasa neto kung modular or oc ka man wag kang magpaka stress ng dahil dyan isipin mo na isa lang yang laro na dapat mong lagpasan wag mong isipin na babagsak ka or magiging mababa ang grades mo natural lang na mangyare yan satin,oo sabihin nating mahirap ang module,di yan magiging mahirap kong babasahin mo or pag aaralan mo kaya fighting lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝙼𝙾𝙳𝚄𝙻𝙴Where stories live. Discover now