Kabanata 2

2 1 0
                                    

"NANAY," awtomatiko kong tinawag si nanay dahil sa pagkagulat. Kahit sinabi na ito ng lalaki sa akin ngunit hindi ko parin mapigilang magulat. Kinabahan kong nilingon si nanay at mas dumoble ang kaba ng aking puso habang minamasdan niya ang lalaki sa harapan. "'Nay," pagtawag ko muli.

Nilingon niya ako sandali ngunit agad niya naman ito binalik ang tingin kay Rhettdan. Ngumiti si nanay saka siya napatingin sa paligid. "Gumagabi na iho, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Tumalikod ito sa lalaki saka tinignan ako ng seryoso sa mukha. "Sumunod ka na agad sa akin baka makita ka ng mga amo natin, Ava. Mag-iingat ka, iho." Tuluyan na itong umalis sa aming harapan at doon lang ako nakahinga ng maayos.

Galit ba si nanay?

Sinundan ko ng tingin si nanay hanggang hindi ko na ito tuluyang makita. Huminga ako ng malalim muli saka ko hinarap ang lalaki.

"Bakit mo ba 'yon sinabi?" nakita kong nagulat siya at napangisi nalang ito. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bawat bulsa ng uniporme nito.

Nagalit kaya si nanay dahil sa sinabi ni Rhettdan? Ayaw niya kayang malaman na may nangliligaw sa akin?

"May karapatan ang ina mo na malaman ang gusto kong gawin sa'yo, Divienne."

Kinunotan ko siya ng noo. "Sino ba kasi nagsabi sa'yo na ligawan mo 'ko? Bakit sa lahat-lahat, ako pa? Hindi naman ako kagandahan na gaya ng ibang babae. Hindi nga kita pinayagan na ligawan mo 'ko," sunod-sunod kong sabi.

Tumayo siya ng maayos saka pinagkross ang mga kamay nito. Seryoso ang kanyang mukha kaya hindi ko mapigilang magtaka. "May batas akong ginawa, Divienne. Liligawan kita kahit ayaw mo pa. Liligawan kita para mapasaakin ka at hanggang mahulog ka." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hinahaplos-haplos niya ang aking buhok saka yumuko para magpantay ang aming tingin. "Tandaan mo ang batas na binuo ko," kinurot niya ang pisnge ko kaya naitulak ko siya kaagad.

Napangisi lang ito saka tumingin sa paligid. "See you tomorrow, miss cutie bird," kumindat pa ito bago tuluyang tumalikod sa akin. Tumalikod din ako para hindi niya makikita ang kaba sa aking mukha. Nong naramdaman ko ang pag-alis ng kanyang sasakyan ay doon lang ako humarap para sundan ng tingin.

Napahawak nalang ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok nito. Ano ba ang nagawa ko para mangyari 'to sa akin?

Rhettdan, bakit ka ganito sa akin?

HABANG naghahanda ako ng mga plato sa hapag ay lumapit si nanay sa akin. Tinignan ko siya at sinundan ang kanyang kilos. Naghintay akong tumingin siya sa akin ngunit nabigo ako dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Bumuntong hininga nalang ako dahil sa mabigat na pakiramdam sa damdamin ko.

Galit talaga si nanay.

Hanggang nagsimula kaming kumain ay tahimik parin kami. Hindi naman bago sa akin ang ganitong eksena na tahimik kami sa hapag ngunit nang dahil sa nangyari kanina, binigyan ko ito ng kakaibang kahulugan. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag hindi mo alam ang gagawin?

Biglang nanggilid ang luha sa aking mga mata. Huminga ako ng malalim para mapigilan ko ito.

"Bakit hindi ka pa kumakain, Ava?" biglaang tanong ni tatay. Tinignan ko ang aking plato at doon ko lang nakita na hindi ko pa ginagalaw ang aking pagkain. Tumingin ako kay tatay saka sumulyap kay nanay at nagulat nalang ako nong nakatingin na siya sa akin, ng seryoso.

Tumingin nga sa akin si nanay ngunit seryoso naman ang reaksyon nito.

Sinimulan ko na ang pagkain at napasulyap ako ng tingin sa aking kapatid dahil bigla niyang hinawakan ang aking kamay sa ilalim ng mesa. Ngumiti ito sa akin kaya pinilit kong ngumiti pabalik sa kanya. Ayaw kong mag-alala siya. Ayaw kong mag-isip siya kung ano ang nangyari. Mas mabuti kung wala siyang alam sa nangyari.

Because Of The DareWhere stories live. Discover now