"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"
Mabilis pa sa alaskwatrong bumaba kami ng hagdan nila Sir Shimada at Saeko-neesan nang makuha ng Karasuno ang huling puntos nila sa deuce ng finals set. Todo ang ingay na ginagawa ng mga supporters ng Karasuno. Mga tiga Shiratorizawa nadepress, mukhang hindi inaasahang matatalo ang pangmalakasang team nila. Naluha na lang kami ni Saeko-neesan sa nangyari.
'Boys, makakapunta na kayong nationals. Ito na ang pangarap nyo oh'
'Rintarou, Kourai? Nanalo ba kayo? Nanalo ang Karasuno sana kayo din.'
Tumakbong payakap sa akin si Hinata nang matapos ang lineup. Pagod na pagod na ito at hinihingal nang makalapit sa akin. Pinaupo ko naman siya sa upuan para mapunasan ang likod niya.
"Nanalo kami no?" Wala sa sarili niyang tanong. Kahit siguro siya ay hindi makapaniwala. Siya kasi ang nakapuntos sa final point. Minus tempo, back row attack.
Hinanap naman ng mata ko si Semi-semi para iabot pala 'yung coat niya. Sinenyasan ko siyang hintayin ako sa labas mamaya pagkatapos ng awardings.
Nagstreching at cool down muna ang mga players kaya pinapunta sila sa kabilang court para duon maghiga at mag-cool down. Nakahawak ngayon sa braso ko si Shimizu dahil siya naman ang nahihilo ngayon. Mula kasi pagkatapos nilang manalo silang apat na third year nagsiiyakan at hanggang ngayon umiiyak pa.
"Tahan na. May nationals pa kayong iiyakan"
Magiging busy na kami niyan lalo na sila coach at Sir Takeda. Matapos ang ilang taong pagkakahinto bilang powerhouse, balik lipad ang Karasuno. Kung hindi dahil sa consistency ni Sir Takeda na mahanapan ng coach ang Karasuno noon. Kung hindi dahil sa foundation na binuo ng mga third year hindi nyo mararating ang ganito kalayong daan pero huwag kayong hihinto dahil ang high way ng nationals ay umpisa nyo ng lalakaran.
Siguro after ng nationals, maghahanap na ako ng bagong papalit sa akin. Para sure 'no.
"Mikazuki-san!" Humahangos na tawag sa akin ni Hinata.
"Oh? Bakit?"
Akala ko naman kung ano pero humawak lang din siya sa braso ko kagaya ni Shimizu saka nagpirmi dun.
"Kiyoko-san, pwede ba kaming sumali sa group hug nyo?" Boses ni Tanaka. Sumunod naman sa kaniya si Nishinoya pero hindi sila pinagbigyan ni Shimizu. Mga loko-loko!
Hindi bumitaw sa akin 'yung dalawa hanggang sa makapasok kami ng court. Para silang mga linta sa kamay ko dahil kahit ang paghakbang ko nakasunod din sila!
"Hinata... awardings nyo na." Mahinhin kong tawag sa kaniya. Bumitaw naman ito saka inabot ang twalya sa akin pagkatapos magpunas ng luha bago pumuntang court. Ang cute cute ni Hinata. Kung nagkapatid lang ako na lalaki siguradong makakasundo niya. Parang bunso na ang tingin ko kay Hinata. Kung magkakababy man ako in the future gusto ko kasing giliw niya pero huwag naman kasing kulit baka atakihin ako kaagad.
Inabutan na sila ng medals at certificate kasama ang malaking trophy. Tinignan ko si Ushijima na seryoso lang ang tingin. Anong feeling na hindi ikaw ang humahawak sa trophy ngayon? *evil laugh* Napansin niya yatang nakatingin ako sa kaniya. Tinaasan na naman ako ng kilay nito gumanti naman ako ng nakakalokong ngiti. Kala mo ah. Kanina mo pa ako tinatarayan, grabe ka!
"WHOOOOO!!!!CONGRATULATIONS!!!" Sigaw namin nang makabalik sila sa bench namin. Nagsibabaan nadin 'yung ibang mga suporters ng Karasuno para makapag papicture.
"Sawamura, Congratulations" Ipit ang tili namin ni Tanaka nang mamula si Daichi sa sinabi nung captain ng volleyball girls. Anak ng, kaya pala sobrang motivated.
BINABASA MO ANG
One Special Meeting
Подростковая литература'Am I in his dream?' It's such a heavy question for Hatake Mikazuki, a second-year student in Karasuno High school. After falling in love with Oikawa Tooru - Captain ball of the volleyball team Aoba Josai, Mikazuki started to think if she is part of...