Chapter 39.

614 26 0
                                    

SHARLENE'S POV

Nasa park ako ngayon at naiyak. Gusto ko sanang umuwi pero ayaw ko munang malaman ni mama ang nangyari!

"Shar?"

Nagulat ako ng may tumawag sakin. Pinahidan ko muna ang luha ko bago ako lumingon.

"Nash?"-ako-

Si Nash! Anong ginagawa nya dito?

"Shar? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka naiyak?"-Nash-

"Nagpapahangin lang ako! Hindi ako naiyak!"-ako-

"Shar! Baka nakakalimutan mo na ang tagal na natin magkaibigan at naging tayo pa dati! Hindi ka talaga magaling magsinungaling!"-Nash-

Wala nang dahilan para pigilin ko pa ang pag-iyak.

"Nash!"-ako-

Tumayo ako at niyakap si Nash, tsaka ako humagulgol ng iyak.

Nagtataka si Nash pero niyakap nya na lang din ako.

"Nasaktan ko si Joaquin! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!"-ako-

"Ikwento mo sakin Shar."-Nash-

Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Nasaktan ko si Joaquin pero alam ko naman na ayun ang makakabuti sa kanya."-ako-

Natahimik si Nash.

"Mahirap nga yang sitwasyon nyo. Hindi ako makakapag react ng sobra kasi hindi naman ako ang nasa ganyan pero tama ka Shar, nasaktan mo nga si Joaquin!"-Nash-

Napayuko ako.

"Mas okay na yun. Kaysa naman mahirapan pa sya."-ako-

JOAQUIN'S POV

"Dalawang bote pa!"-ako-

Nasa bar ako ngayon. Naglalasing ako para makalimutan ko ang lahat! Ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon!

Madami na akong naiinom pero ramdam ko pa rin ang sakit!

"Bakit? Bakit ba Shar?"-ako-

Maingay sa bar kaya di ko pinapansin ang mga tao sa paligid ko.

Napalingon ako ng may humawak sa balikat ko.

Medyo lasing na ako pero tama ba ang nakikita ko?

Nasa harap ko si Shar!

"Joaquin, tama na yan!"

"Shar! Anong ginagawa mo dito?"-ako-

"Hindi ako si Shar! Tumigil kana!"

"Sabihin mo muna na mahal mo ako Shar! Titigil na ako!"-ako-

"Joaquin lasing kana!"

"Shar! Shar! Bakit mo ba ako sinaktan?"-ako-

Hinawakan ko ang kamay nya at tumayo ako.

Hindi ko napigilan at hinalikan ko sya! Nagulat sya sa ginawa ko.

Pagkatapos nun ay sinampal nya ako.

Ayun na lang ang naalala ko dahil natumba na ako.

"Joaquin!"

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar! Teka?

Nandito ako sa kwarto ko! Anong ginagawa ko dito?

Pagkatayo ko ay sumakit ang ulo ko.

"O gising ka na pala! Masakit ulo mo no? Ang dami mong nainom kagabi e."

Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat ako.

"Ella?! Anong ginagawa mo dito?"-ako-

Napakunot ang noo nya.

"Hindi mo alam?"-Ella-

Umiling lang ako. Naiinis ako na nandito ako kasama sya! Ano nga bang nangyari?

Tama! Nasa bar ako at dumating si Shar!

"Akala mo ako si Shar tapos hinalikan mo ako!"-Ella-

Nagulat ako! Kung ganun, hindi si Shar ang dumating. At hinalikan ko si Ella??!!

"Pagkakamali lang yun Ella. Sorry!"-ako-

Tumayo na ako at lalabas na sana.

"Sorry? Sorry lang ba ang masasabi mo?"-Ella-

Nilingon ko sya. Naiyak na sya.

"Joaquin, kung para sayo, wala lang yung nangyari, pwes sakin hindi! Yun ang first kiss ko at sasabihin mong pagkakamali lang?"-Ella-

Napayuko ako. Naguilty ako bigla.

Nilapitan ko sya at huminga ng malalim.

"Papakasalan na kita."-ako-

Napatingin sya sakin at niyakap nya ako.

Tama ba tong ginagawa ko?!?

----------------------

Wuu! Thanks readers!
Happy NashLene day!
Vote and comment.

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon