[55]

325 26 7
                                    

[55]

11:32 PM

Key:
So, tell me

Key:
Paano ka natututong magbake?

Analiah:
Youtube lang

Analiah:
Hahahahaha

Analiah:
Trivia

Analiah:
Maniniwala ka bang kapag sinabi kong nagpatayo ako ng bakery kahit hindi pa ako marunong magbake? Na wala pa akong kaalam alam doon? Na wala pa akong experience?

Key:
No way

Key:
Seryoso?

Analiah:
Hahahahhahahahha

Analiah:
Oo walwal

Analiah:
Puro palpak mga gawa ko before. Akala ko kasi madali lang, jusme! Ang hirap pala talaga! Palaging sunog gawa ko o minsan, hindi luto yong loob ng tinapay. Hindi timplado

Analiah:
Pero nakakatuwang makitang nag-iimprove ako every month. Yong tipong naaayos ko na yong ginagawa ko, nagagamay ko na kahit papaano hanggang ipinagpatuloy ko

Key:
Pursigido.

Analiah:
Pero yong mga una kong gawa, yong mga simple lang. Yong madalas talagang makita sa mga bakery shop, katulad ng mga pandesal, ensaymada, pande coco, monay, spanish bread

Analiah:
Yong mga ganoon lang pero araw-araw laging pakyaw kaya malaki laki rin yong kita ko, gustong gusto ng mga kaanak ko, mga tao rito

Analiah:
Pero nong nagtagal, Nagdecide na ako magexplore pa kaya nakagawa na ako ng cookies, cupcakes at cakes! At marami pang iba na makukulay tingnan at bumenta rin!

Analiah:
Malaking tulong sa akin tong bakery, alam mo ba yun? Naging sapat yong pangangailangan ng pamilya ko araw-araw, doon na kami kumukuha ng panggastos minsan

Analiah:
Nakabili na ako ng sarili kong phone, laptop, iba pang equipment, recipe at nakakuha na rin ako ng mga trabahador, kahit tatlo lang sila kasi hindi ko pa kayang magpasuweldo nang marami

Analiah:
Tapos nakabili na rin ako ng mga damit, grabe! Hindi ko talaga to ineexpect, ang gusto ko lang naman ay ang magipon pero grabe yong bumuhos sa akin na blessings

Analiah:
Sinong magaakalang yong palaging palpak gumawa at kamuntikan nang mawalan ng pagasa ay narating to, ang layo na ng naabot ko para sa akin. Dami na naming natanggap na rewards. Yong passion ko talaga, jusme, umaalab

Analiah:
Key?

Analiah:
Nandiyan ka pa?

Analiah:
Masyado ba akong madaldal ngayon?

Key:
Hindi naman

Key:
Pero ang cute mo

Key:
Bilib ako saiyo

Key:
Paano mo nagawa yun? Paano mo nagawang umangat?

Analiah:
Naniwala sa sarili. Tulad ng sabi ko, hindi ako marunong magbake pero nagpatuloy pa rin ako hanggang gumaling kasi gusto ko yong ginagawa ko eh ayaw kong sabihin sa sarili ko na 'hanggang diyan lang ba ang kaya mo?' Kailangan kong magsumikap.

Analiah:
Naimpluwensyahan ako youtube talaga. Kaya triny kong magpatayo ng bakery agad agad kahit hindi ko pa nasusubukan magbake at tingnan mo, mas lumalayo na yong nararating ko huhu

Analiah:
Kumayog talaga ako para marating ko to.

Key:
Kumayog?

Key:
As in Kayog?

Analiah:
Kumayod pala hahaha kumayog. Hahaha

Key:
Iba meaning ng kumayog, Laklak pero parang kami lang ang nakakaalam, wala sa google word na ganon.

Key:
Tbh

Key:
Alam mo, ako rin, gusto ko rin magatayo ng business

Analiah:
Push!!!!!!

Analiah:
What kind of business ba?

Key:
Huwag kang tatawa kapag sinabi ko? Okay?

Analiah:
Luh jusme

Analiah:
Bakit naman?

Analiah:
Ano ba yun?

Key:
Gusto kong magpatayo ng warehouse.

Analiah:
Tapos?

Key:
Gusto ko ng business na slime.

Analiah:
Ikaw? Mahilig sa slime? Gusto mong magpatayo ng business na slime???! Oh

Analiah:
Teka, ang laki laki ng braso mo at lalaking lalaki ka, slime talaga?

Key:
Weird ba?

Analiah:
Slight

Key:
Ang cute kasi nong bagay na yun!

-----

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon