Warm-up

4 1 0
                                    

"Ladies and gentlemen, we have just landed at Up High International Airport. Eagle Eye Airlines welcomes you to Manila."

Ahhh, Manila... It's been 5 years since I left. Tandang tanda ko pa kung paano ko iniyak ang lahat. Kung paano ko kinayang mabuhay mag-isa sa isang lugar where I know no one.

"Mimmy! Come on! I'm excited to meet Wowa and Wowo!"
Napalingon ako sa batang ngiting ngiti sakin. Hindi na siya mapakali, sigeng lingon siya sa bintana ng eroplano habang nag mamadaling tanggalin ang kanyang seatbelt.

"Kiro, baby, calm down! Little more patience." I chuckled as I caressed his hair. Napaka kulit talaga ng batang 'to.

He's my son, Elsikiro Adiel Guzman, 4 years old. First time naming umuwi ng Pilipinas, isa 'to sa request niya para sa darating niyang 5th birthday.

"Mimmy, now that we are here, promise me that on my birthday party, I get to meet dad, okay?"

Napatangin na lang ako sa anak kong nakatingin sa labas ng bintana. I sighed in my head as I see his eyes habang sinasabi niya iyon. It was full of hope. Ilang beses na kong kinulit nito ni Kiro about his dad, ang lagi ko lang sagot, "someday baby", "when we get home to the Philippines", "more time baby, you will meet him". Matalinong bata si Kiro kaya alam kong napapansin niyang iniiwasan ko ang usapang tungkol sa daddy niya.
But this time, Kiro cornered me with his upcoming birthday to make these wishes. Pero hindi ko naman pwedeng iharap si Kiro sa daddy niya ng biglaan, kailangan ko muna siyang makausap. Ayokong masaktan ang anak ko.

Makalipas ang limang taon, magkikita na tayo ulit Ellymiro Jas Buenaventura, kaya ko na bang makita ka ulit? Tama bang kilalanin ka pa ni Kiro?

---
Hi bud! Lahat ng mga pangalan ng kung ano ano dito, puro fiction lang. Maaaring may mga pangalan na nag eexist talaga sa totoong buhay, pero promise! imagination ko lang to HAHAHA

Expect typos and wrong grammars mga sismars! Madalas di ko na ulit binabasa kung ano yung mga nasulat ko HAHAHA

PRONUNCIATION
Elsikiro Adiel - el/si/ki/ro   ey/di/yel
Ellymiro Jas - eli/mi/ro       jas

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last PirouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon