Nagsimula na ang Opening Ceremony ng Tournament.
Tinawag naman kaagad para sa Miyagi prefecture ang Karasuno High School. Proud akong pumalakpak kasama ng mga Karasuno supporters na nasa second nang pumasok na sila. Tinignan ko ang mga first year na nakangiti habang naglalakad habang ang mga second year at third year naglalabas ng pride aura!
Yan ganiyan! Maging proud kayo!
Nilabas ko naman ang DSLR ko saka sila pinagpipicturan. Kinuhan ko rin ng litrato si Coach Ukai na halatang kabadong kabado kaya pinagtatawanan siya nila Sir Takeda at Shimizu. Mukhang siya ang lalaban e'. Baka atakihin 'yan!
Nang matapos ang opening ceremony nagsiyayaan naman kaming magpicture taking buong team ng Karasuno. Pagkatapos nun hinila na ako nila Kuroo para magpicture kaming lima. Si Tsukishima naman ang hinila nilang photographer, bakas naman ang inis sa mukha nito pero sa huli pumayag narin. Halata naman sa mata ni Hinata ang pagtatanong kung bakit ko kilala 'yung dalawang player ng top teams sa bansa.
'Famous ako, char!'
"Oh oh say, Stray Balls!!!!!"
"STRAY BALLS!!!!!!!" Sigaw naming lima. Nagsibalikan na sila sa kani kanilang team para sa meeting na gagawin.
"Mikazuki-san? Sino 'yung maliit na kasama nyo?" Tanong ni Hinata sa akin.
"Lima kaming magkakaibigan noong Junior High. Sila 'yun" Sagot ko dito. Mukhang gusto din itanong nila Daichi 'yun pero naitanong na ni Hinata kaya nagsitanguan silang tatlo nila Azumane sa sagot ko.
"Ano yung stray balls?" Tanong naman ni Tanaka kay Tskushima.
"Hindi ko alam, baka kailangan mo munang magpataas ng IQ, Tanaka-san" Maalat nitong sabi kay Tanaka. Pinigilan ko naman si Tanaka pasugod kay Tsukishima.
"Kokotongan na kita Tsukishima."
Sinuway naman ni Daichi 'yung dalawa. Binuksan ko 'yung DSLR ko saka tinignan ulit 'yung mga pictures naming lima. Stray balls ang pangalan naming lima. Kumbaga sa ligaw na bala samin naman, ligaw na bola.
Hindi ko rin alam bakit 'yan ang ipinangalan sa amin ni Kuroo. Parang si Oikawa lang, naligaw sa akin pero hindi ko inaasahang ganito ang impact niya sa buhay ko. Masaya naman akong naligaw siya sa akin at nanatili.
Bumalik na kami sa inn pasado 7:00 PM na ng gabi. May pinanood na 'awesome video' so Coach sa kanila pampatanggal ng kaba at stress. Mga gameplay nila 'yun na nakuhanan ng video isa-isa. Lahat sila meron. Magmula kay Daichi hanggang kay Yamaguchi.
Sa kanilang lahat si Azumane ang pinaka tuwang tuwa at halos ilang beses itong pinapanood. Si Suga naman nag-aral kanina para hindi kabahan. Nang makabalik na sina Coach Ukai at Sir Takeda sa meeting nila sa Arena nagstart na sila sa meeting para pag-aralan 'yung makakalaban nila bukas.
Lumabas naman na kami ni Shimizu para paghandaan sila ng Hapunan. Kasalukuyan akong naghahain ng kanin nung tanungin niya ako.
"Kumusta kayo ni Oikawa?"
"Hmm, okay naman kami. Mahirap ngayon kasi busy kaming dalawa." Nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Basta kapag may problema, lapit ka lang saamin ha. Nandito lang kami." Sincere nitong sabi. "Kahit makagraduate na kami, isang tawag mo lang sasagutin ko kahit anong oras pa 'yan" Napangiti naman ako duon.
Malaki ang pasasalamat kong nakilala ko kayo. Hinding hindi ko ito kakalimutan
-
Karasuno vs. Tsubakihara. Pumwesto na ako sa gilid ng scoring board nang biglang magring ang phone ko.
BINABASA MO ANG
One Special Meeting
Teen Fiction'Am I in his dream?' It's such a heavy question for Hatake Mikazuki, a second-year student in Karasuno High school. After falling in love with Oikawa Tooru - Captain ball of the volleyball team Aoba Josai, Mikazuki started to think if she is part of...