Yung Feeling na...(One Shot)

114 6 1
                                    


Hi. Ako si Mia. Naboboring na ako, kaya magpe-facebook muna. Gayahin si Mia.

"Yung Feeling na may number na ko ni CRUSH"

10 likes

1 comment

"Makita ko lang yung CRUSH ko, masaya na ko :")"

12 likes

11 comments

Yung pagbukas mo ng facebook mo, ganto agad? Laman lahat ng newsfeed ko, puro Kalandian? Tss. Makapag post nga din.

"BINIKTI KO NA SI CRUSH ;)"

HAHAHA! sabay log-out ko sa account ko.

Makapasok na nga, late na ko. Nung nakasakay na ko sa Bus, dun sa unahan kong upuan may vandal. May nakalagay na number. Desparada ata. At dahil badtrip ako... Maitext nga.

To: 0936671****
   Hoy. Wag kang malandi. Napaka desaparada mo! Badtrip na nga ko eh! Patapon kita sa likod bahay namin eh!

*send*

*vibrate vibrate*

From: 0936671****
Ha? Sino po kayo?

Yun oh. Nagreply. Pero kung facebook lang 'to naseen ko na. Lalandi landi. Haharot harot. Hays.

To:0936671****
Sorry Wrong send.

Minsan, malakas talaga trip ko sa buhay. Binulsa ko na yung cellphone ko, nasa school na din naman ako.

Nang biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Yung crush ko, makakasalubong ko.

Inhale. Exhale.

Baklain talaga to. Pink cellphone? I mean yung case. Mukhang busy sa katext. Madapa ka sana. Yung tipong mahuhulog. Walang sasalo, ako lang. Kelan ko kaya makukuha number ni Dane? Hay. Asa pa ako.

~

Ang boring talaga mag klase. Yung teacher mong mas madami pa kwento sa buhay? Ayaw nalang sabihing tinatamad magturo.

*vibrate vibrate*

From: 0936671***
Imba mo eh. Alam ko na yan, kunwari wrong send Pero hindi naman talaga. Tss.

What the? Ang kapal naman ng pag mumukha nito?! Pero totoo naman. Baliw lang Mia?

To: 0936671****
Oy! Ang kapal ah! Feeling neto!

*send*

*vibrate vibrate*

From: 0936671****
Tsk. Kunwari ka pa, If I know may gusto ka lang sakin

Ha?! HANUDAW! Aba. Sobra na to sa kaharutan! Ang lakas na ngang mag-vandalism, asyumera pa. Parang ako.

To: 0936671****
Oo. May gusto ako sayo! Grabe tomboy ako. Baliw kaba? Babae sa babae? Tunge.

*send*

*vibrate vibrate*

From: 0936671****
Lalaki ako.

Ano?!? Akala ko babae sya? Nako hayaan na nga baka naman gangster lang 'to sa kanto. Hindi ikakaunlad ng ekonomiya kung babae ba siya. Anong konek? dapat pala kumain ako kanina.

Nag type ulit ako..

To: 0936671****
  edi lalaki ka. Paki ko? Napakadesperado mo 'no? Nakalagay pa yung number mo sa bus? Tsk.

*send*

Maya maya..

*vibrate vibrate*

Sino kaya tong taong to?

From: 0936671****
Mga fangirl ko nagsulat nun.

Woah! Lakas neto ah? Ang Yabang. Fan girl? Ano 'to, wattpad? Oo Mia. Tulig ka ba? Namomonggoloyd na 'ko.

To: 0936671****
Bulada mo

*send*

*Kriiiiiiiiiiiiiiinggg!*

Sa wakas. Labasan na. Nakakabored na din eh. Puro ganun lang klase namin. Ka echosan lang.

"Girls! Nakita ko si Daneeeee! Ang gwapo! Kyaaaaah!"

"Oo nga! Nakangiti pa habang nagtetext! Sino kaya ka text 'nun?"

"May number ako nun!"

"Ayaw ka namang replyan! Hahaha!"

"eh ikaw?!"

"hindi din"

"bleh :P"

Siya nanaman usap-usapan. At sinong katext? Akala ko ba, single siya? Malay mo naman sarili niya katext niya kaya siya natatawa kasi narealize niya muntanga siya sa pinaggagawa niya? Hay.

~

Nag iintay ako ng bus. Mga dalawang oras ang nakalipas may paparating na. Grabe dumating ka pang bus ka.

"Ate sakay na! Maluwag pa!"

Maluwag pa daw? Eh dalawang bakante na nga lang. Ano 'to kuya, lokohan? Wait. Eto yung bus na nasakyan ko kanina eh?

Pagsakay ko ng sasakyan. Napatingin ako sa upuan sa harap ko. Eto din yung number?

Pag tingin ko sa bandang gilid ng upuan may arrow pala kung kanino yung number na yun...

DANE

O.O

O.o

>.

>/////

"Ayos ba? Sabi sayo, Hindi ako desperado. FANGIRL ko lang nagsulat niyan..... Mia."
*smiles*

Kilala nya pala ko? At... kasunod ko lang pala sya kanina pa?! Edi alam niya pala yung number koooo?!?!?!
PAANO NANGYARI YON?!?! PERO WALA NA 'KONG PAKIALAM!
KYAAAAAAHH!!!

Maya-maya nagsalita siya,

"Yung FEELING NA... PAHIYA HAHAHAHA!"

Tapos tumawa nalang sya na tumawa sa...

TABI KO :">

-End-

Hahahahaharot!❤
Any comment? :D

Yung Feeling na... (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon