Chapter 26

102 4 0
                                    

"Kiyoomi!"

I called my 4-year old son. Binuhat ko ito sa upuan para pakainin. Hinanap ko naman ang magaling nitong tatay na nakabuntot sa kaniya pero wala.

"Tulog pa si Daddy?" Tanong ko dito.

"Yes mommy!" Masigla niyang sagot sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil akala ko siya ang gumising kay Kiyoomi. Pinakain ko muna siya sandali ng umagahan pagkatapos, hinayaan kona siyang maglaro sa garden. Inakyat ko naman siya sa kwarto. Nadatnan kong nakahilata pa nga ito at natutulog.

Hinawi ko ang kurtina para masinagan siya ng husto ng araw. Pinatay kona rin ang AC para bumangon na'to. Palabas na sana ako ng kwarto ng hatakin ako nito palapit sa kaniya. Napaupo ako sa lap nito kaya inaantok siyang yumakap sa akin.

"Ang aga aga ang init ng ulo mo"

"Mister! Yung anak mo nagtatambling na sa labas ikaw nakanganga kapa jan. Ang gulo gulo ng kwarto. May game pa kayo mamayang  hapon bumangon kana jan." Inayos ko naman ang kobre kama nung tumayo ito para bumaba sa kusina. Sumunod naman ako sa kaniya pagkatapos.

Kinuha ko siya ng plato at chopsticks saka pinagsandok ng kanin at ulam. "Kung sumabay kana sa amin kanina na nagbreakfast."

"Oh,oh. Kalma. Nilalaklak mo ako." Sumenyas pa itong teka lang saka ako tinawanan "Sorry na love, pinanood ko kasi 'yung game last year nung ibang team sa V-league" dagdag pa nito.

Napabuntong hininga nalang ako dito saka siya tinabihan para kumain. Naglabas ako ng newspaper saka tignan ang latest na balita. Napabalik naman ang tingin ko sakaniya nung nagsalita ito.

"Malaki na pala si Kiyoomi 'no?"

"Tapos?"

"Love naman! Sabi mo!" Asar niyang sabi sa akin. "Sabi mo susundan na natin siya!"

"Sabi ko kapag nanalo kayo this year." Sambit ko sa kaniya saka siya inalisan ng tingin. Parang bata naman siyang ngumuso saka nagpatuloy kumain. Pinagtimpla kona siya ng kape nung natapos siyang kumain at hugasan ang nag-iisang plato nito.

Gaya ng palagi niyang routine. Pinuntahan niyana sa garden si Kiyoomi saka nakipaglaro duon hanggang sa sumakit ang balat nila mag-ama sa araw.

Naligo na ako habang nasa kaniya pa si Kiyoomi. Nang matapos, nagsuot na ako ng corporate attire at saka nag-ayos ng itsura. Hinayaan kong lumugay ang mahaba kong buhok matapos kong mapatuyo sa blower. Naglagay ako ng kaunting foundation at tint sa labi ko saka na kinuha ang bag ko at bumaba.

Patakbo namang lumapit sa akin si Kiyoomi buntot buntot ang ama.

"Isama mo 'yan mamaya ha hihintayin ko kayo sa Arena. Mauuna naman kami don kaysa sa inyong players. Dalhan mo ng extrang damit yan ha 'yung gatas niya. Naku ako na nga lang baka kalimutan mo-"

"Magdadala ako ng sando at short, dalawang boteng gatas na may water na. Noted misis!" Pataas taas pa ang kilay nitong sabi saka ipinulupot ang braso sa bewang ko. "Baby takpan ko lang ang eyes mo ha kasi may monster"

Hinalikan naman ako nito pagtapos niyang takpan ang mata ni Kiyoomi. Puro talaga kalokohan!

"Alright! Mommy's gonna go na! Let's say bye!" Paalam nilang dalawa sa akin. Kumaway naman ako sakanila saka na pumuntang garahe para kuhanin ang sasakyan para pumasok.

Nakarating ako sa building ng company pasado 10:00 am na ng umaga. Kahit ako na ang appointed CEO ng company kailangan ipakita ko sa mga empleyado ko ang dapat at hindi dapat sa trabaho. Nag retire na sila mom at dad, nakabakasyon nalang sila dito sa Japan o minsan sa Pilipinas. Madalas naman silang nandito kaya sa tuwing busy kami mag-asawa, sakanila naiiwan ang panganay namin.

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon