"HOY!! bakit nyo naman ako iniwan dito sa gitna ng kalsada nag mukha tuloy akong statue doon sa harap ng lalaki na naka bangga sa akin?." - pagtatampo ko sa dalawang fwends ko
tamo itong mga ito wala man lang silang kakibo-kibo nang dahil sa kanila lumalabas yung mga pimples ko.
"eh sabi mo kasi sa amin may bibilhin ka ngayon -_- "- si clara ang nag sabi sa akin.
"oh ano nalaglag ba yung panty mo sa kagwapuhan ng lalaking iyon na may ari ng kotse?" - pag bibiro ni nata sa akin na agad ko namang ikina pula ng mukha ko sa sinabi niya sa akin.
"hindi ah...pupunta na lang ako sa loob ng mall...TSE!!" - sabi ko sa kanilang dalawa.
okay na ako sa loob ng mall sa hyper market kung saan tinulungan naming mamili ng mga groceries si clara kanina at sakto ayun may nakita akong mga tatlong chips na malaki ang size and then kumuha na rin ako ng drinks na non sugar and non fat milk dahil diet ako, at pagkatapos kong kumuha ng pinamili ko ay agad na akong kumuha sa counter para makapag bayad na.
syempre wala akong energy na mag edit ng mga videos ko sa aking chanel kapag wala akong kinakain.
So ayun lumabas na ako ng mall para sumabay na kina clara at nata, actually naiisip ko ngang para kaming charlie's angels na tatlo kapag may free time kaming lumabas lalo na pag weekends, naging tambayan na namin ang mall simula nung mga highschool pa kaming tatlo.
"sophia! tara na nandito na yung van." - sabi sa akin ni nata. nag madali na akong magalakad papunta sa kinaroroonan nilang dalawa.
"oh lima pa!" - sabi ni manong driver na nag aantay pa ng isang pasahero, at hindi inaasahang pangyayari ay nakasabay pa namin sa loob ng van sina ibarro, nathan, at yung tatlo pang barkada nung dalawa na katabi pa naming tatlo, bali na lang namin sila pinansin.
Sa gitna ng katahimikan habang nag mamaneho si manong driver habang naka earphones siya ay bigla na lang umimik ang isa sa barkada ni ibarro.
"alam mo bro napansin ko kanina ang cold mo doon sa mga babeng nakasama natin kanina at nagalit ka pa doon sa isa ano bang problema mo doon?." - ang pagkakarinig ko doon sa lalaking barkada ni ibarro.
"dahil mukha siyang linta sa harapan ko kanina pa kaya siya dikit nang dikit sa balikat ko...makaligo nga mamaya pag uwi ko ng mansion." - rinig din naming tatlo sa sinabi ni ibarro.
*7/eleven*
nakababa na din kaming tatlo at nag pauna na sa amin si clara at naghanap na siya ng masasakyang tricycle pauwi sa kanilang bahay, tinulungan pa nga namin siyang buhatin ang mga pinamili nya kanina sa mall.
"sa maganda subdivision po manong." - sabi ni clara kay kuyang nag mamaneho ng tricycle.
at agad namang pinaharurot ni manong yung tricycle niya papunta doon.
"oh nata ikaw uuwi ka na din ba? " - tanong ko kay nata.
"oo eh tinext ko si kuya para sunduin ako at para sumabay ka na din sa akin para naman maihatid kita sa inyo." - sagot sa akin ni nata, napaka bait naman ng tatlong best fwend ko
kanina ni libre ako ni clara sa pamasahe tapos ngayon inihatid naman ako ni nata pauwi ng bahay napaka swerte ko naman sa kanilang dalawa.
At ayun sakto dumating na nga yung kuya niyang nakasakay sa motor, inuna muna nila akong ihatid sa aming bahay.
*hotel sa Baguio city*
Excited na ako para Kay Natasha bukas sa kanyang first photoshoot at siya lang ng mag isa ang pupunta bukas
doon sayang nasa baguio kami ngayon nina mommy at may gaganaping wedding bukas ng pinsan at kasali ako sa mga abay at wala naman daw akong gagawin sa bahay kundi ang humilata na lang at mag edit ng mga videos ko sa laptop.Nag paalam ako Kay mommy na lalabas muna ako ng para mag pahangin nag thumbs na lang siya dahil may kausap siya sa phone niya.
Nasa elevator na ako nang mag bukas ito at tumambad sa akin ang isang familiar na mukha ng isang lalaki... dumiretso na lang ako papasok ng elevator at pinindot yung first floor
Nakakahiya naman Kasi may Kasama siyang babae na halos mag mukha ng clown sa tindi makeup niya at sa sobrang iksi ng palda niya na halos makita na rin yung kanyang hinaharap. Alam nyo ba kung ano ang ginagawa ni koya niyo? Edi nakatingin lang naman siya sa akin at gandang ganda CHARIIZZZ naka focus lang naman siya sa akin habang ako naman ay naka focus sa pintuan ng elevator.Agad namang nabasag yung katahimikan dahil si ateng katabi koyah ay tumawa dahil sa ka text niya.
"Omg look at jasmine babe she's inggit dahil ako yung sinama mo dito sa baguio at hindi siya hahaha!"- Sabi ni ate nyo girl dun koya na walang pakialam sa pinag sasabi ni ate nyo girl dahil si koya nyo at nakatingin pa rin sa akin.
Mag sasalita na sana koya nyo nang mag bukas yung pintuan ng elevator dumiretso na lang ako ng lakad para mag pahangin sa Burnham park kinuha ko yung susi ng kotse namin kay mommy
at take note nag paalam ako kina mommy at daddy na kukunin ko ito.*Burnham park Baguio city*
*Click*
*Click*
*Click*
"Hi! guys I'm here at Baguio city sorry Kasi wala sina Clara at natalya may gagawin din kasi sila bukas maging ako din bukas ay busy dahil abay ang Lola nyo sa kasal ng aking pinsan"-sabi ko habang nag vivideo.
So habang nag vivideo ako for my vlog napansin ko napansin ko na napakaraming mag kasintahan ang nag sisipag holding hands yung iba my dalang flowers para sa kanilang mga girlfriends yung iba naman dito pa sila nag propropose para ikasal sila.
"Sana all may jowa na" - sabi ko sa sarili ko habang nag vivideo.
Sa kabilang dako ay may napansin akong bilihan ng mga souvenirs lumapit ako sa tindahan na yun at napatingin ako sa dalawang bracelet na may nakaukit na puso agad akong napatanong kung nasa magkano ang presyo nun.
"Manang magkano po itong bracelet?"-tanong ko sa tindera ng mga souvenirs
"Ah iyan ba? 100 lang isa niyan ineng"-sagot sa akin ni Manang tindera
"Pabili po ako ng dalawa"-sabi ko Kay Manang sabay abot ng pera.
"Ineng alam mo ang swerte mo malapit mo ng matagpuan ang lalaking mag papa ibig sayo pero mag ingat ka dahil napaka Raming babae mag kaka gusto sa kanya pero ikaw pa rin ang pipiliin niya."-sabi sa akin ni manang habang nakatitig sa aking mga mata.
Hala si manang tindera manghuhula sa quiapo ang peg? Siya ba si madam auring? Umalis na lamang ako tindahan ni manang dahil kinikilabutan ako sa mga pinag sasabi niya sa akin.
YOU ARE READING
THE PLAY BOYS MEETS THE AMAZONA GIRLS
RomanceMeet the writer of this story first po. RAECHEL MARIE B. LABORTE the author of this story ... si raechel po ay isang estudyante na mahilig mangopya sa kanyang kaklase... mahilig rin siya sa mga pagkain kaya naman ay medyo naging ma...