CHAPTER 25: PAGHAHANDA

40 6 6
                                    

Kinabikasan, nagsimula ng maghanap sa internet si Arman ng tickets ng eroplano gamit ang laptop nito. Habang nanonood naman si Archie ng TV, nang napukaw sa interest nya ang isang balita.

TV: "Isang Flash Report po mga kaibigan!! May isang misteryosong dambuhalang nilalang po ang namataan sa baybayin ng Calamares ang inimbestigahan na po ng buong ahensya ng gobyerno at ng militar dahil na rin sa umaasa sila na ito'y isang bagong diskubre na nilalang na marahil ay kasabay na nabuhay ang mga dinosaurs. Inaalam pa ng gobyerno kung anu ang nilalang na ito. Nagbabalita po! Para sa bayan!!

Archie: "Weh! Baka dambulahang tubo lang iyan na lumutang dahil sa alon."

TV: "Hindi po kami nagbibiro!! Totoong nakita namin na nilalang!! Pumunta ka pa dito para makita mo!!

Archie: "TAY!! HALIKAYO DITO!! KINAKAUASAP AKO NG TV!!!!

Arman: "Eh natural! Nagsasalita ang TV.

Archie: "HINDI PO TAY!! KINAKAUSAP TALAGA AKO NG TV NATIN!!!

Lumapit si Arman sa TV. Pero wala naman syang nakitang kakaiba.

Arman: "Archie, dala lang siguro ng pagkahilo mo mula sa bugbog na natanggap mo kahapon. Kaya kung anu-anu na naiimagine mo. Tsaka patayin mo na nga yan! Hindi naman totoo yan balita na yan!

Pinatay ni Archie ang TV alisunod sa inutos ng kanyang tatay.

Makalipas ang ilang oras ay nakahanap na din ng tickets sa internet ang kanyang tatay.

Arman: "Hay!! Sa wakas! Nakahanap na rin!! 1200 pesos bawat isa at promo pa!

Archie: "Kung ganun, Tay? Kailan alis natin?

Arman: "Teka! Tingnan ko kung kailan book natin. Hayun! Pwede na tayo umalis sa Biyernes."

Archie: "Sa biyernes na po?! Ang bilis naman?!

Arman: "Aba!! Siyempre naman!! Ayokong magpalipas pa ng araw sa aking bakasyon! Kaya mag impake ka na at bilhin mo na lahat ng kailangan mong bilhin sa mall para sa biyahe."

Archie: "Opo Tay!!!"

Nagpalit na agad ng damit si Archie at lumabas na ng kanilang bahay. Pero bago sya umalis, tinawagan nya si Jett upang samahan sya nito sa mall. Di kalauna'y dumating na din ito.

Habang naglalakad sila, muli na naman silang napadaan eskinita at nakaabang ang isang bully din kay Archie na hindi kasama sa tatlong bully kahapon. Bago pa man sya makapagsalita ay binugbog na sya agad ni Jett.

Napangiwi si Archie sa nakita nya kay Jett dahil wala itong patawad na binugbog ang bully.

Nang makarating na sila sa mall, nagsimula na silang tumingin ng mga bibilhin sa listahan ni Archie nang mga gagamitin sa kanyang biyahe. Bumili sila ng ilang mga damit tulad ng sando, shorts, T-shirt, 2 pares ng tsinelas, damit panloob, deodorant, towel at panyo.

Bumili din si Archie ng dalawang asul na sweatshirt at binigay na regalo ang isa kay Jett bilang pasasalamat muli nito sa kanya.

Matapos silang makapamili ay naglakad na sila ulit pabalik sa bahay ni Archie. Muli ay nakita na naman nila ang ilang bully na nambubully pa kay Archie sa eskinita na dinadaanan nung dalawa, ngunit nang makita nila na kasama ni Archie si Jett, ay nagsitakbuhan ang mga ito palayo sa kanila. Napansin ni Archie na takot ang mga ito kay Jett kaya napangisi na lang ito.

Nang makauwi na si Archie sa kanilang bahay, nagpasalamat muli ito kay Jett sa pagsama nito sa kanya kaya inalok nya ulit ito na maghapunan, ngunit tumanggi na ito at agad nang umalis mula sa kanilang bahay.

Ngayun ay naghahanda na ang mag-ama ng kanilang mga gamit na ilalagay sa kanilang bagahe at naghihintay na lamang sila ng oras ng pag-alis mula sa siyudad.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon