CHAPTER 9

5 1 0
                                    

ring... ring... ring...

agad kong kinapa ang side table ko at kinuha ang phone ko unti unti kong minulat ang mata ko at tinignan ang oras

8:00 am

tumayo na ako sa pagkakahiga at saka kinuha ang towel, nag toothbrush at naghilamos na muna ako bago bumaba para mag almusal

"Kumain ka na jan" ani ni mama na naghuhugas ng pinggan, umupo na ako at nag simulang kumain

"Anong oras ka papasok?" tanong ni mama matapos mag hugas

"10:00 am po" ngumunguyang sagot ko

Matapos kong kumain ay agad akong umakyat upang asikasuhin ang isusuot ko. Kinuha ko ang batch tshirt ko sa cabinet na kabibigay lang nung nakaraang araw isa 'yong tiger print na black, gray and white color then may surname ko sa likod. Kinuha ko din ang black skirt at white long socks ko. Nang matapos ko maayos ang gamit ko ay dumiretso na akong cr para maligo at mag sipilyo.

After ko maligo at mag sipilyo ay umupo ako sa vanity chair ko, nag blower muna ako ng buhok ko nag suklay at tinali matapos ay nag makeup ng konti. Matapos mag asikaso ay kinuha ko ang bag ko at phone ko bago bumaba.

"Ma, alis na po ako" tawag ko kay mama

"Sige galingan mo ingat ka" saka ako humalik sa pisngi ni mama at lumabas ng bahay, pag kalabas ko ay agad ako nag chat kay Kurt

To: love
good morning love ❤️ otw na ako

Nauna si Kurt sa school dahil may gagawin pa daw sila. Nang makapasok sa school ay mga nakapila na ang mga estudyante. Nakita ko na rin si Kurt doon na nakapila. Naka batch shirt na siya, black leggings, white long socks at white rubber shoes.

"Love, goodluck!" si Kurt
"Goodluck din" nakangiting ani ko at saka umakyat na sa 2nd floor

Nag ayos na kami at nag picture taking muna habang hindi pa nag sisimula.

"Guys, pila na din tayo" ani ng president namin
"Kinakabahan ako" biglang singit ni Queenie sa tabi ko
"Ako nga din eh haha"

Nag simula na ang program narinig ko ng tinawan ang section nila Kurt. Maya maya pa ay kami na ang tinawag.

Nakaupo na ang lahat, ang iba ay nasa bench, kami at ang iba naman ay nasa lapag na nakaupo. Maya maya lang ay nagsimula ng ipakita ng kanya kanyang section ang cheerdance na pinag handaan nila. Mauuna sa amin sila Kurt at kami naman ang huling sasalang.Tinawag na ang grade 11 kaya naman nag palakpakan na kami.

"Whooh!! Go Kurt!" sigaw ko ngunit hindi ganon kalakas dahil masiyadong maingay ang crowd.

"Ayan na ang bebe mo" si Queenie

"Lemme take a vid hehe" agad kong kinuha ang phone ko at nag take ng ilang stolen pictures at nag video na din.

Matapos nila sumayaw ay nagpalakpakan na ang lahat. Kinabahan ako lalo ng matapos na sila.

"Waaah! Tayo naaaaa" si Scarlett, tumayo na kami upang maghanda

Nang tawagin na ang level namin ay halos mangatog na ang tuhod ko sa kaba.
Pumwesto na kami sa kanya kanya naming pwesto. Huminga muna ako ng malalim upang mabawasan man lang ang kaba.

Natapos ang sayaw namin at nakahinga na ng maluwang. Naging maayos naman ang sayaw namin at mas marami at malalakas na palakpakan ang narinig namin. Naroon din ang choreographer namin at proud sa nagawa namin.

Maya maya pa ay inaannounce na ng winner.

"Congratulations ... Grade 12!!"

Napatayo kami sa saya.

CHASE YOUR DREAMWhere stories live. Discover now