5 Your Part-timer Prince

83 7 0
                                    



Karleigh Dimaculangan Pov

Pupuntahan ko ngayon si Maribeth sa may convenience store, isa sa mga part time jobs namin. Late na rin ako sa duty ko, dahil umagang-umaga nagkaletse-letse na araw ko.

"Hindi ka talaga uuwi sa inyo?!" tanong ko sa lalaking kanina pa nakabuntot sa akin.

At ito na naman po siya, inililibot niyang muli ang mga mata niya sa mga gusali at mga maiilaw na tindahan sa lungsod. Bawat madaanan namin konti na lang idikit niya ang nga mata niya sa mga bagay bagay.

Tagaplanetang Earth ba ang isang 'to?

Hindi naman siya mukhang alien. Ang weird.

"Umamin ka na boyfriend mo ako—" Kaagad akong sumabat sa pananalita niya.

"Sinabi mo rin na hindi mo alam ang ibig sabihin—" Siya naman ang nagpahinto sa sasabihin ko.

"Kasintahan. Tama ba ako? Base sa mga napansin kong nga nangyari mula ng mapunta ko sa lugar ninyo. . ."

Iniwan ko na siya at pumasok na sa convenience store. Bahala siya sa theory na nabuo niya. Naniniwala pa rin ba siya na boyfriend ko siya? Sinabi ko lang naman iyon para na rin makaiwas kay Sheland at Calvin.

Papasok pa lang ako sa loob, itinulak naman ako ni Maribeth palabas. Mabilis niyang ipinahawak sa magkabilang kamay ko ang kulay asul na vest at isang sumbrero.

"Beh! Samahan mo ako sandali! Bilis—"

''Sino magbabantay. . .teka lang wait!" Nasa may gilid lang pala si Isaiah na nagtatakang nakatingin sa aming dalawa.

"Paki hawak muna!" Ibinato ko sa kan'ya 'yung damit at sumbrero, sabay kaladkad sa akin ni Maribeth.

***

10 minutes passed, pababalik na ako sa store. Nagpasama lang naman siya sa bahay ng tita niya sa may kabilang kanto para makigamit sandali ng banyo, sumakit ang tiyan. Natat*e na raw talaga siya. Nahihiya pa ang loka.

Namalikmata pa ako nang makita ko na ang daming nagkukumpulan sa store. Kumaripas na ako ng takbo, walang bantay roon!

"Seryoso ba na part timer ka rito?''

"Anong agency ka? Ang g'wapong artista!"

"Pu-p'wedeng magpa-picture?"

Ilan lamang iyon sa mga narinig ko maliban sa mga tilian ng mga babae. At nang makasingit ako. Halos magusot na ang damit ni Isaiah dahil sa kakayakap sa kan'ya ng ilang teenagers.

"B-Binibini, narito ka na pala." Kusa siyang humiwalay at nilapitan ako. Kaagad kong nahuli ang pagbato ng matatalim na tingin ng mga babae sa akin. B-Binibini? Talaga?

Iniabot ni Isaiah ang sumbrero na suot suot niya kanina at ang vest sabay abot sa akin.

"Bakit nasa labas ka? Dapat pumasok ka para napagbentahan mo . . ."

Sumingit ang isang babae. Gusto ko siyang kurutin sa naging tanong niya. Lalo akong nakaramdam ng alinsangan nang sumagot ang kasama ko.

"Magkakilala kayo?" she asked.

"Boyfriend." Hindi man lang nagtatlong isip, akala naman talaga niya totoo.

Isa-isa na silang umalis pero may ilan pa rin na humingi ng pictures at autograph. Nasabi ko na bang g'wapo si Isaiah?

"Bili muna kayo, tapos sunod ang autograph o picture." Umayos naman ng pila ang ilang estudyante na babae matapos nilang makakuha ng mga pinamili nila.

***

5 am at convenience store.

"Eleven thousand?!" gulat na tanong ko sa sarili ko. Akmang bibilangin ko ulit ang mga pera kaso sumabat na si Isaiah.

"Makailang ulit mo na iyang sinabi. Ano ba ang ibig sabihin no'n? Ang mga papel na iyan ay may malaking halaga?''

"Eh kasi, hind naman umaabot sa limang libo ang benta namin ni Maribeth dito. Kaya nagtataka ako."

Itinapat niya sa bibig ko ang kutsara na may laman noodles, umiling ako. Sa totoo niyan, manghang-mangha siya sa noodles na pinakain ko sa kan'ya. Ang weird niya talaga.

"Ika'y kumain na, hindi na marehistro ng utak mo ang ginagawa mo sa mga hawak mong papel."

"Papel? Wala ka bang ideya na pera ang mga ito?"

Sa bagay mula kaninang umaga nang dalhin ko siya sa malapit na university at pumunta sa isang theater club, walang nakakilala sa kan'ya. Umalis kami kaagad dahil may ilang nagsisimulang lapitan kami, parang artista kasi si kuya. Hakot award ka, bro? Malamang nakilala siya ng mga ilang estudyante kanina kaya narito sila sa convenience store.

"Bakit kakaiba ang lasa nito? Mainit lamang na tubig ang inilagay mo?" patuloy pa rin siya sa paghalo sa cup noodles na pinakain ko sa kan'ya.

Seriously?

Ngayon lang siya nakakita ng cup noodles?

Hindi naman ako nananaginip?!

"Alam mo ba ang tawag d'yan?" Itinuro ko ang hawak hawak niyang cup noodles na umuusok pa dahil sa mainit na tubig.

"Pagkain?" Itinapat niyang muli ang kutsara na gamit niya sa bibig ko, pero umiling ako at inilayo iyon. Ang kulit!

"Puro ka pagkain. Cup noodles ng isang 'yan." Kumunot ang noo ko nang ulitin niyang sabihin ang sinabi ko.

"K-Kap? K-Kap n-nodils?"

"You can't speak English language?"

"Ano'ng sinasabi mo?" sinagot niya ang tanong ko na bagong tanong.

"Ang sabi ko, ang galing mong aktor. Mahusay kang magpanggap," sabi ko na lang para matapos ang usapan pero muli nagsalita siya.

"Hindi ako aktor, at lalong hindi ako nagpapanggap. Isa akong prinsipe—"

"Hindi ako naniniwala. You know I have trust issues. Pasalamat ka na lang at naging good mood ako nagyon dahil may benta kami."

"Alam mo ba? Itinatago ko sa labas ng kaharian na isa akong prinsipe na magiging hari ng buong kaharian ng Fervor sa darating na panahon. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon kung bakit ipinipilit ko sa'yo na isa akong prinsipe. . ."

Itinaas ko sa ere ang kanang palad ko para sabihing huminto na siya sa kakasalita. Dahil wala akong naiintindihan. Fervor? Hari ng isang kaharian?

"Kinulang ka ba sa tulog? Sobra-sobra naman ang pagkain na ibinigay ko sa'yo ah?! Pahingi na lang ng contact number mo. Baka sabihin ng magulang mo kinidnap kita."

"Ano? K-Kontak n-ombir?"

What the! Ako ba ang kulang sa tulog?

#


45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon