Chapter 1

4 0 0
                                    

Warning!


Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kainis naman inaantok pa ako. I sighed as I hugged my pillow pero agad ding nangunot ang noo ko nang mapansing hindi malambot ang unan ko.

"Afternoon." bati ng isang lalaki. Halos maglaway ako ng marinig ang boses niya. Baliw ka talaga, Althea.

Nagmulat na ako ng mata at unang nakita ko ang mala-Adonis na kasama ko kagabi. Akala ko ba umalis 'to? After what happened between us ay umalis siya dahil hinanap sila ni Kuya David at Ate Jai.

"Anong oras na?" halos kutusan ko pa ang sarili ng mag Tagalog ako. Baka hindi niya maintindihan. Boplaks, Althea.

"2 pm." aniya. Napatingin ako sa kanya. Nakakaintindi siya? "Silly, I'm a half-Filipino." dagdag nito. I nodded kaya pala.


"So you can speak Tagalog too?" I ask him. Pareho kaming balot sa puting kumot. I'm wearing his white long sleeves at boxers niya.

"Yup." sagot nito at umupo. Napatingin ako sa likod niya. I smirked nang makita ko ang kalmot ko don. I should cut my nails. Nananakit na ako.

I searched for my phone. Paniguradong maraming text don. May photo shoot ako ngayong hapon pero pwede naman yong mamove. Nang makita ko ay sandamakmak na text ang galing kay Ate.

Ate Ayana:
Your out? Nakita ka raw ni Kee kasama ang kaibigan ni Nash.

Ate Ayana:
Where are you, Althea?!

Ate Ayana:
Magrereport ako sa pulis pag di nagreply.

Ate Ayana:
Sasagot ka o sasagot ka?

Kee:
Bitch, saan ka?

Ate Ayana:
Wala akong tiwala diyan sa kasama mo, Eya. Umuwi ka na.

I dialed her number. Nakailang ring pa bago sinagot. Baka busy din 'to sa lalaki niya.

"Hoy?! Saan ka ba?!" bungad agad nito. Natawa ako mahina.

"Condo." sagot ko. Tatayo sana ako ng maramdaman ko ang sakit sa gitna ng hita ko. Damn you, Adan!

"Bwesit ka! Malandi ka talaga! Osiya, busy pa ako. Bye!" saka pinatay ang tawag. Napahawak ako sa hita ko. Gago ang sakit.

I tried to stand again pero lagi rin akong bumabagsak sa kama. Ilang beses ba namin 'yong ginawa? Sinubukan ko ulit pero ganon pa rin. Paano ako makakauwi nito?

"Need help?" tanong ni Adan sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bwesit ka! Anong ginawa mo sa akin?!" singhal ko. He just shrugged and help me stand. Inalalayan niya ako patungong C.R.

Maghihilamos ako e. Pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush ay pinilit kong maglakad ng maayos. Nasa likod ko rin naman ang may kasalanan at nanonood lang sa bawat galaw ko.

"What's your full name?" tanong nito ng makaupo sa tabi ko. Nasa sala kami at nanonood ng movie.

Wala akong balak umuwi. Dito na lang muna ako, wala rin naman akong gagawin don. He motioned me to sit on between his lap at agad ko rin yong sinunod. Maharot din pala 'to.

"Your full name first." sagot ko at humagikhik. I felt his breath on my nape. Nagbigay pa ito ng mainit na halik sa leeg ko. Oh shit!

"Charles Adan Dennis." he said using his bed voice. Ang walang hiya hinaharot ako. Tinagilid ko ang leeg ko para sa mainit na halik niya. Nakakaadik.

"I'm Althea Gamora." I chose not to tell my second name. Ayoko. Tamang tao dapat ang makakaalam non.

I placed my hands sa hita niya at bahagya iyong hinaplos. I smirked when he groaned. That's it, babe. Masarap sa tenga 'yon.

"You work as a model?" He asked. I nodded. Hinayaan ko lang ang kamay niya na nasa tiyan ko. Bahagya akong nakahilig sa kanya. Hawak ko naman sa kamay ko ang pizza na kanina niya lang inorder

"How about you?" I asked him. Hindi ko pa siya masyadong kilala.

"I'm a CEO. Do you plan on joining the Victoria's Angels? I could help you." saad nito. Ayoko. Besides, hindi naman talaga ako seryoso sa modelling.

"No. Ayoko." I answered. Hindi ko makita ang reaksyon niya.

Minutes later I found myself inside of his room moaning his name. O kay bilis naman. Ngayon lang naman 'to. Bukas hindi na ako magpapakita sa kanya. Habang buhay na akong hindi magpapakita.

After the mind blowing alam mo na ay naisipan ko ng umalis. Adios! Hangga't maaari ay iiwasan ko siya. Magpinsan nga talaga kami ni Ate Jairah. Ang kaibihan lang ay di ako buntis.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Kee asked me. Nasa condo ko siya ngayon. Sinabi ko kasi sa kanya ang plano ko.

"Yup. Saka hello! Hindi ko naman yon jowa. Binigay ko lang sa kanya pero hanggang don lang 'yon." sagot ko. Naghahanda ako ng mga damit para dadalhin ko pag-alis. I'm leaving my life here in Manila.

"I mean. May problema rin kasi si Ate Jai. Baka pwedeng pahapuin mo muna bago ka umalis." saad nito. Agad akong napaisip. Napag-usapan na namin ni Ate Ayana ang plano ko. Support naman siya.


"Ang unang isang buwan ko ay uuwi ako ng Laguna. Doon ko gagawin ang trabaho ko." sagot ko. Umismid ito sa akin.

"Runaway bride lang ang peg. Pinsan nga kayo ni Ate Jai." saad nito. Natawa ako. I know, right. Hinihintay ko lang na si Ate yung magtago. "Paano modelling mo?" tanong nito sa akin.

"I got a job in Cebu. Modelling pa rin 'yon. Kung papayag si Ate Jai na aalis ako. Didiretso na ako don sa Sabado. Hindi na ako dadaan ng Laguna." I answered.

"Anong trabaho naman?" tanong nito. Here we go again. Chismosa talaga 'to.

"Modelling nga. Hindi ka nakikinig e." sagot ko. May one month contract ako don. Sa Cebu lagi ang shoot kaya don muna ako mamalagi. Buti nga lang talaga at sumakto sa gagawin kong plano.

"Good luck na lang! Sana di ka mahanap ng lalaki mo." natatawang sambit nito. I rolled my eyes. Hindi na ako hahanapin non.

Chasing His Precious JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon