Prologue

127 2 3
                                    

-

Prologue

"..and the winner is.." Ayan na! Ayan na! Ia-announce na yung winner. Sana ako. Sana ako! Kinakabahan na ako! "...candidate number---"

*screeeeeech!*blag*

"Aray! Ang sakit! Dahan dahan ka naman sa pagpreno, Ron!" ang sakit ng noo ko! Pano ba naman kasi eh bigla bigla na lang pepreno 'tong si Ron--- driver/ kaibigan/ kababata/ anak ng Yaya Rossy ko. Papunta na kami sa school namin. Nakaidlip ako sandali dahil kailangan kong magbawi ng tulog. Masyado ng nasisira ang kagandahan ko dahil sa puyat at sa mga homeworkssssss. Madami talagang 's'. Madami yung mga homework eh.

Tapos hindi pa natuloy yung panaginip ko kanina. Andun na eh! Nasa awarding na eh! Chance ko ng manalo sa isang beau-con kahit sa panaginip man lang! Kainis!

"Sorry, Whitey! Yung pusa kasi tumawid eh. Bawal kaya ang jaywalking dito di ba? Haha!" natatawang sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Anong nakakatawa dun? Nauntog na nga ako eh." reklamo ko. Habang siya ay nagmamaneho pa 'rin.

Nag-aaral din si Ron sa school ko. Pamilya ko ang nagpapa-aral sa kanya. Pareho kaming scholar kahit mayaman yung pamilya ko.

Si Ron ay anak ng Yaya Rossy ko. Si Yaya Rossy ay mahigit 2 dekada na nagta-trabaho sa amin. Halos sa kanya na rin ako lumaki. Si Daddy kasi masyadong busy sa work niya pero hindi siya nawawalan ng time sa'ken. Si Mommy naman ay wala na. She passed away nung pinanganak niya ako.

Sinisi ko nga ang sarili ko na ako ang dahilan ng pagkamatay niya but my dad told me that it's not my fault. Sabi niya na desisyon daw ni mom na buhayin ako kaysa siya ang mabuhay. He also told me that my mom wants me na maranasan ang mabuhay sa mundong ito.

"Nakakatawa lang kasi yung mukha mo kanina habang natutulog ka. Haha! Tapos nagsleep talk ka pa!" sabi ni Ron. Pinaningkitan ko siya ng mata. Sign na hindi ako natutuwa. Mukhang na-gets naman niya kaya agad siyang humingi ng tawad.

"Sorry. Masyado lang nadala ng emosyon. Peace tayo, Whitey ha!" nakangiting sabi niya. "Oh. Andito na tayo." sabi pa niya.

Napatingin ako sa labas. Di ko namalayan na nandito na pala kami. Bumaba na ako. Pumasok na kami sa loob ng school namin--- Ang BS University.

1st year college pa lang kami ni Ron. Accounting ang course ko at Engineering naman ang sa kanya. 2nd sem na ngayon kaya mejo busy lang. Mejo lang.

Matagal ko ng iniisip kung ano talaga ang meaning ng BS ng school na 'to. Mga kanina ko lang naisip. Ano kaya? Hmm. BangSamoro? Bachelor of Science? Bathing Suit? Bar Soap? BarSpoon? Ano kaya? Hmm. Oh well, balon. I dont care kasi Maganda Ako! Yun lang yun. Maganda ako kaya wala akong pake.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa building namin. Magkaiba kami ng building since magkaiba kami ng course. Pero madadaanan ni Ron yung building ko dahil kasunod lang yung sa kanya. Kaya naiihahatid din niya ako lagi.

"Oh pano? Bye!" sabi ko sa kanya nang makarating kami dito sa building ko.

"Sige. Text mo na lang ako kapag may problema ha?" sabi niya.

Ngumiti ako ng nakakaloko. "Eh panu kung dumugin ako ng mga tao dahil sa kagandahan ko? Tutulungan mo ba ako?"

Nag-poker face lang siya at sabay sabing. "As if dudumugin ka ng mga tao dahil sa 'kagandahan mo kuno'. Kuh! Wag ka ng mangarap ng gising, Whitey!"

"Bakit? Maganda naman talaga ako ha?! Di ba?!" sabi ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako.

"Alam mo Whitey. Ang kagandahan mo parang password." sabi niya. Nagtaka naman ako kung bakit.

Ang Kuwento ni Whitey (MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon