Uulitin ko, bitter ka ba? Kung oo, welcome ka. Kung hindi, welcome ka pa rin. *Insert Laughs*
Wag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa, marami kayong bitter sa mundo.
"Hi everyone, ako nga pala si Ate Elle, at gusto kong mag-share ng mga tips para maging masaya ang buhay nyo as bitter/ampalaya/tutong/nasunog na barbeque/basta lahat ng mapait." (Insert laughs - ulit)
Ikaw ba yung taong suki ng salitang 'Walang Forever' o kaya 'Maghihiwalay din yan' saka 'Sweet lang yan kasi malapit na ang Valentines' kung oo, masasabi nating bitter ka nga.
Bitter ka kasi naghiwalay kayo? Bitter ka kasi ipinagpalit ka nya sa halimaw? Bitter ka kasi wala kang ka-date sa valentines? Bitter ka kasi manhid si crush? Bitter ka kasi yung hindi kagandahan/kagwapuhan may bf/gf tapos ikaw wala? Bitter ka kasi nag-iisa ka? Bitter ka kasi wala kang kasama maglibot sa mall? Bitter ka kasi si friend nagku-kwento ng kilig moments nya sayo? Bitter ka kasi may pimples ka sya wala? Bitter ka kasi mas maganda/gwapo sya sayo? Bitter ka kasi iniwan ka nya? Bitter ka kasi ampanget nya? Bitter ka kasi torpe si crush? Bitter ka kasi walang nanliligaw sayo? Bitter ka kasi marami kang sweet couples na nakikitang nagkalat sa paligid? Bitter ka kasi sakanila may nag-aya ng date tapos sayo wala? Bitter ka kasi ang sweet nila classmate? Bitter ka kasi aalis yung parents mo sa valentines? Bitter ka kasi broken family kayo? Bitter ka kasi puro tugtog sa radio ay mga love songs? Bitter ka kasi may nangharana sa classmate mo nung isang araw? Bitter ka kasi ang decoration sa pandayan/national bookstore ay puro hearts at love at may kasama pang angel na labas ang pwet na may hawak na pana? Bitter ka kasi walang pasok sa valentines at hindi mo man lang masisilayan si crush? Bitter ka kasi binabasa mo 'to. XD
---
Mga readers, comment kayo kung wala jan yung dahilan ng pagiging bitter nyo. Idadagdag natin. (Hahahaha)Hindi ko kayo mahal,
Ate Elle. XD