KABANATA 10 ANG UNANG PAGBABALIK

2.4K 3 0
                                    

KABANATA 10 ANG UNANG PAGBABALIK

A. Desisyon na magbalik sa Pilipinas

1. Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas

a. Paciano Rizal

b. Silvestre Ubaldo

c. Jose Cecilio

1. Mga Dahilan ng Pagbabalik

a. Tistisin ang mata ng kanyang ina

b. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan

c. Makita ang epekto ng kanayng nobelang Noli

d. Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera

1. Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

A. Pagbabalik Patungo ng Maynila

1. Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa barkong Diemnah ang barkong kanyang sinakyan noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan.

2. Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong Haipong.

3. Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila.

4. Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila.

A. Pagbabalik sa Calamba

1. Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba.

2. Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid.

3. Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-paglingkod sioya bilang manggagamot.

4. Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang ina, nguni't hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi pa noonhinog.

5. Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -Calamba at naging bantog sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika.

6. Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000.

7. Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa Calamba upang mailigtas ang kanyang mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal at sabong.

8. Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng kanyang mga magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal.

A. Ang Kaguluhang Bunga ng Noli Me Tangere

1. Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at naghahatid ng mga sumbong na laban sa nobelang Noli Me Tangere.

2. Emilio Terrero - ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelang Noli Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala.

3. Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na sina Padre Federico Faura, Francisco Paula Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang kopya ng Noli Me Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga kopya.

RTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon