Three-way into Love

25 1 0
                                    

Sabi nila, past is past daw..

Well, naniniwala naman ako roon.

Kaya nga nung bumalik iyong ex ko sa buhay ko, deadma ako sa kanya.

Bitter kunwari ako eh.

Eh siya rin naman, hindi niya ako feel makasama. Kaya nga ang tawag sa amin sa campus, "campus cat-dog".

Wala rin naman kasing nakakaalam na ex ko siya eh. Tsk!

pero masmabuti na rin iyon, di ba? Para hindi kami mas lalong magkakagulo.. haha!

Okay, so mabalik tayo sa usapan. Iyon nga. Past is past, kasi ngayon, may gusto ako. Siya iyong PRESENT ko kung tawagin ko.

He's handsome, rich and exactly the type of guy I like.

Kaya lang ang problema, hindi niya ako kilala. Invisible ako sa kanya. Sikat kasi. Kaya hayun, sikat lang din iyong kilala niya.

Hay, kailan pa kaya niya ako mapapansin?

Buti pa itong best friend ko. Para sa kanya, ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

Haha! Syempre, joke lang.

Pero totoo naman. Maganda raw ako, sabi niya.

Siya ang kasama ko since nagtransfer ako rito sa bago kong school. Sikat siya, oo. Pero hindi niya iyon masyadong iniintindi.

Sabi niya kasi sa'kin, anong magagawa niya sa kasikatan niya? Makakabusog ba iyon sa kanya?

Buti pa raw ako, nakikita lang daw niya ako, nakukumpleto na ang araw niya.

Haha! Echoserong best friend 'to. Pero ha, huwag kayong mag-isip nang masama. Kaibigan ko lang niyan. At, isang malaking AT, hanggang doon lang kami. Period. Dot. Space.

Ahm, tama na ba itong prologue?

Nyahaha! Tama na ito. Wala na akong masabi eh. O siya sige na. Gora na ako!

------------------------------------------------------------------------------------------

this so happens when i was so bored with my christmas break..

huag na lang kayong mag-expect na matatapos ko ito.. haha!

_Luigi :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three-way into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon